[LAUREN'S POV]
Pagkatapos ng klase ko ay mag-isa lang akong uuwi.
Si Jameson ay cleaner ngayong araw.
Sina Tim II at Mitchell naman ay may basketball practice.
Si Dave naman ay may date sila ni Moises. Wow! Buti pa siya.
Alone tuloy ako. Huhuhu!
Habang naglalakad ako ay biglang tumunog ang cellphone ko.
*tenenenenenenen*
May nag-text. Baka si Kuya Lachlan 'to.
Tumigil muna ako sa paglalakad para tingnan kung sino ang nag-text sa cellphone ko.
***
1 New Message
From: +639000000000
Hi Lauren. ^___^
***
Huh? Sino naman 'to? At bakit niya ako kilala? Baka na-wrong send lang 'to at ibang Lauren ang tinutukoy niya.
Nag-reply ako.
***
To: +639000000000
Hi rin. Sorry, pero baka na-wrong send ka. Hindi kasi kita kilala at wala ang number mo sa phonebook ko.
***
Pagkatapos kong mag-reply ay lalabas na sana ako ng gate nang tumunog muli ang phone ko.
*tenenenenenenenen*
***
1 New Message
From: +639000000000
Hindi ako wrong send. Ikaw talaga ang tinext ko at kilala kita.
***
Hindi siya wrong send at kilala niya ako?
***
To: +639000000000
Weh! Di nga. Kung hindi ka wrong send at kilala mo ako. Alam mo ba ang full name ko?
***
I'm sure hindi na ito magrereply dahil hindi niya alam ang sagot.
*tenenenenenenenen*
***
1 New Message
From: +639000000000
Of course. I know your full name. Lauren DAVE Manzano. Haha!
***
Gosh! Alam niya ang full name ko? At capitalized pa talaga ang Dave. Nahiya tuloy ako.
***
To: +639000000000
Kung alam mo ang full name ko. Magkakilala na ba tayo noon?
**
Malay natin baka kilala ko 'to.
*tenenenenenenen*
***
1 New Message
From: +639000000000
Nope. Hindi pa tayo magkakilala until now. Ako lang ang nakakakilala sa 'yo. ^___^
***
Naguluhan ako bigla. Ha? Hindi pa kami magkakilala? Paano niya nalaman ang full name ko? Hala! Baka scam yata 'to.
***
To: +639000000000
Scam ka ba?
***
Ilang saglit pa ang hinintay ko pero hindi na siya nag-reply pa. Mukhang scam nga. Buti na lang at naisip ko agad 'yon.
Nang makalabas na ako ay nagulat ako nang makita ko si Tim. Hindi ko lang siya nakita kundi nakaharap ko pa.
Our eyes met.
*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*
Gosh! Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Kumusta ka na?" Siya ang unang nagsalita.
T-teka, kinakamusta ba niya ako?
"O-okay lang." nauutal kong sagot sa kanya.
Waaaaa! Ba't ako kinakabahan?
Napatingin naman si Tim sa braso kong may support. Nga pala, hindi pa pala 'to natatanggal.
"Anong nangyari sa braso mo?" tanong niya sa 'kin na walang emosyon.
Hindi ba siya nag-aalala sa akin?
"W-wala 'to." sagot ko na lang.
Hindi ko na sinabi pa sa kanya ang pagkahulog ko sa hagdan noong nasa Sanya ako.
"Sa susunod, mag-iingat ka." sabi ni Tim sabay talikod at lakad papalayo sa akin.
Ako naman ay natulala sa sinabi niya.