Dear Future Husband,
Nag-alala ka ba talaga sa akin nang makita mo ang naka-support kong braso? Waaaaaa! Ang saya ko. Kahit walang emosyon ang pagkakasabi mo no'n ay alam kong nag-alala ka sa akin.
Eh kung sagasaan ko kaya ang sarili ko sa isang ten-wheeler truck para mas lalo ka pang mag-alala.
Charot lang! I love my life pa at hindi pa ako pwedeng mamatay dahil hindi pa tayo kinakasal. Tapos hindi pa tayo nakakabuo ng sarili nating pamilya.
Sana sa huli ay maging tayo na with happy ending. Oops! Mali pala ang sinabi kong happy ending. Dapat pala happy lang at walang ending.
Your Future Wife,
Lauren