[LAUREN'S POV]
Pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Tim. Hindi niya siguro inaasahang magkasama kaming dalawa.
"Beshie, nandito ka rin pala." nakangiting sabi ko sa kanya sabay hawak sa braso ni Tim. Buti naman at hindi siya pumalag.
Dahil do'n ay napatingin si Jameson sa kamay kong nakahawak sa braso ni Tim.
Nakita ko namang nakakuyom na ang mga kamao niya. Gusto kong lumabas ang totoo niyang ugali.
"B-bakit kasama mo siya? Okay na ba kayo?" tanong sa 'min ni Jameson.
Sasagot na sana ako nang magsalita si Tim.
"Yes, we're okay and we're also dating." sagot niya kay Jameson.
Ako naman ay hindi makapaniwala sa sinagot ni Tim.
"Talaga? Okay na tayo?" ang natanong ko bigla kay Tim.
He nodded to me with smile.
Napatingin naman ako kay Jameson.
Pagtingin ko ay nakita kong malapit na siyang sumabog sa galit. Ganyan nga Jameson. Ipakita mo sa amin kung sino ka talaga.
"Sige Beshie, kakain na kami ni Tim sa loob." sabi ko kay Jameson.
"Sasama na ako sa inyo. Hindi pa ako kumakain." ani Jameson.
"Teka, akala ko tapos ka na dahil palabas ka na ng Shakeys." sabi ko sa kanya.
"Mali ang nakita mo Beshie. Papasok pa lang ako sa loob." tugon sa 'kin ni Jameson.
Anong mali ang nakita ko? Papalabas ka na nga ng Shakeys. Sa tingin ba niya mauuto niya ako?
"Okay, sumabay ka na sa amin." ani ko kay Jameson kahit labag ito sa kalooban ko.
May pumasok kasing ideya sa isip ko.
Pumasok na kaming tatlo sa Shakeys at naghanap ng vacant table.
"Anong gusto mong kainin?" sabay na tanong sa 'kin nina Tim at Jameson.
Nagkatinginan naman ang dalawa.
"Ako na ang bibili ng pagkain niya." ani Jameson habang masama ang tingin nito kay Tim.
"Hindi, ako na." tugon ni Tim na masama rin ang tingin kay Jameson.
"Bestfriend niya ako kaya ako na ang bibili." ani Jameson kay Tim.
"Bestfriend ka lang ni Lauren. Fiancé niya ako." tugon naman ni Tim kay Jameson.
Mukhang hindi maganda 'to.
"Correction. Ex-fiancé ni Lauren." sabi ni Jameson kay Tim.
Okay, hindi nga 'to maganda. Kailangan ko silang awatin lalo na't maraming nakatinging tao sa kanila.
"But we're dating. Eh ikaw? Fiancé ka ba niya?" maangas na tanong ni Tim kay Jameson.
"M-malapit na. H-hindi ko hahayaang mapasa iyo si Beshie." sagot ni Jameson na parang nag-aalinlangan.
In his dreams, hinding-hindi ko siya magiging fiancé kailanman.
"Tama na 'yan! Wag nga kayong mag-away sa harap ng maraming tao." inis na sabi ko sa kanila.
"Beshie." - Jameson
"Lauren." - Tim
"Kaya kong umorder ng pagkain nang mag-isa kaya yung pagkain niyo na lang ang atupagin niyo." sabi ko sa kanila at tumayo na ako para umorder.
Haaay! Nakaka-stress pala kapag magkasama sila.
Naiinis talaga ako kay Jameson dahil sinira niya ang moment namin ni Tim.
Nang maka-order na ako ay bumalik na ako sa table namin.
Pero pagbalik ko ay wala na sina Tim at Jameson.
Saan nagpunta ang dalawang 'yon?
Iniwan ba naman nila ako?
[THIRD PERSON'S POV]
Parehong pumunta sina Jameson at Tim sa restroom hindi dahil para jumingle o mag-ayos sa sarili.
Hinintay muna nila na lumabas ang mga nasa loob ng restroom.
Nang silang dalawa na lang ang nasa restroom ay agad na kinuwelyuhan ni Jameson si Tim.
"Tangina! Hinding-hindi ko hahayaan pang maging kayo ulit ni Lauren. She's mine." matigas na sabi ni Jameson kay Tim.
"Sa tingin mo ba mamahalin ka niya? Kahit hindi man kami magkakatuluyan sa huli ay hinding-hindi ka niya magugustuhan. Lauren deserves to be happy at hindi ikaw ang taong magpapasaya sa kanya." tugon ni Tim kay Jameson.
"At sa tingin mo, ikaw ang taong magpapasaya sa kanya? Ulol!" galit na ani Jameson.
"Inaamin kong hindi ako ang taong 'yon dahil nasaktan ko na siya noon. Pero hinding-hindi ko hahayaang mapasa iyo siya. Bakit? Dahil alam kong mas lalo lang siyang masasaktan sa 'yo." ani Tim.
"Damn you!" sabay suntok ni Jameson kay Tim.
Napahiga naman sa sahig si Tim at napahawak siya sa parteng sinuntok ni Jameson.
"Magiging masaya si Lauren kapag ako ang makatuluyan niya at papatunayan ko 'yan sa 'yo!" galit na sabi ni Jameson at lumabas na siya sa rest room.