Dear Future Husband,
Salamat sa tulong mo noong nasa mall tayo dahil nagustuhan nina Dad at Mitchell ang gift ko para sa kanila. The best ka talaga.
Pero by the way, sorry nga pala sa ginawang pagsuntok sa 'yo ni Jameson. Alam ko namang ako ang dahilan kung bakit niya yun ginawa sa 'yo. Kung nandiyan lang sana ako noon para pigilan siya, o di kaya'y gamutin ka kung hindi ko man siya mapigilan.
Haaay! Bakit pa kasi nagkaganito? Kung pwede lang sana ibalik ang oras kung saan masaya pa tayong dalawa kahit na nag-aasaran pa tayo. Pero napaka-imposible naman 'yon dahil hindi na maibabalik pa ang nakaraan.
Nga pala, Merry Christmas sa 'yo Tim. Pumunta pala ako sa bahay niyo para ibigay ko ang gift ko para sa 'yo. Pero syempre hindi mo alam na galing sa 'kin 'yon. Si Tito Billy lang ang nakakaalam no'n. Hehehe!
Sana masaya ang pasko mo ngayon kahit wala ako. :-(
Your Future Wife,
Lauren