[SOMEONE'S POV]
Hinding-hindi ako papayag na mapupunta si Lauren sa lalaking 'yon. She's my property.
Napansin kong nagiging malapit na ulit sina Lauren at ang ex-fiancé niya at hinding-hindi ko 'yon hahayaan.
I texted Lauren using my other sim card.
It's time to do my plan at sisiguraduhin kong mamahalin niya ako. Wala na akong pakialam pa kung masaktan ko man siya. Basta ang mahalaga ay mapasakin siya habangbuhay.
[LAUREN'S POV]
Ang sakittttttttttttt!
Sobrang sakitttttttttttt!
Pero kailangan kong tanggapin...
Kailangan kong tanggapin na...
Na...
May pasok na ngayon. Na-hangover ako masyado noong pasko at new year kaya tinatamad akong pumasok.
Pero pumasok pa rin ako kahit ayaw ko. Huhuhu!
Pagkarating ko sa school ay nakita ko si Tim II na papalapit sa akin.
"Lauren, pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya sa 'kin.
"Nag-uusap na tayo." natatamad kong sagot sa kanya.
Hindi ko talaga feel na pumasok ngayon.
"May mahalaga akong sasabihin sa 'yo. Tungkol 'to sa nararamdam ko sa 'yo Lauren. Hindi ko na kaya pang itago 'to sa 'yo." ani Tim II sabay turo sa may bandang dibdib niya.
"Sabihin mo na ang sasabihin mo sa akin." tugon ko.
"Noong una pa lang kita nakilala ay may kakaiba akong naramdaman sa puso ko..." pagpapaliwanag niya na medyo nagpaantok sa akin. Para kasi siyang nag-be-bedtime story.
"Just be straight to the point Tim the second--este Tim. 'Di kita maintindihan." sabi ko sa kanya.
"Lauren, ma--"
*tenenenenenenenen!*
Hindi natuloy ang sasabihin sa akin ni Tim II nang tumunog ang cellphone ko.
"Pambihira naman oh. Sasabihin ko na eh." inis na bulong ni Tim II.
Sino kaya 'tong nag-text?
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag.
***
From: My Secret Admirer
Good morning gorgeous. :-)
***
Si Secret Admirer pala.
Nireplyan ko siya.
***
To: My Secret Admirer
Good morning din. :-)
***
At binalik ko sa bag ang cellphone ko.
"Ituloy mo na ang sasabihin mo sa akin Tim." sabi ko kay Tim II.
"Lauren, matagal na kitang ma--"
*tenenenenenenen!*
Tumunog ulit ang cellphone ko.
"Istorbo naman oh." inis na bulong ni Tim II.
Kinuha ko ulit ang cellphone ko sa bag.
***
From: My Secret Admirer
Pwede ba tayong magkita mamayang lunch? Gusto na kitang makita at magpakilala sa 'yo.
***
Nang mabasa ko ito ay nakaramdam ako bigla ng excitement at kaba. Excitement dahil makikilala ko na siya sa personal at kaba naman dahil baka masamang tao 'to. Malay natin modus pala 'to.
Pero sana mabait siya.
***
To: My Secret Admirer
Saan tayo mag-me-meet mamaya?
***
Pagka-reply ko ay tiningnan ko muli si Tim II para pakinggan ang sasabihin niya.
"Continue." sabi ko sa kanya.
"Lauren, mahal na mahal kita. Hindi bilang kaibigan kundi bilang babae. Noong una pa lang kita nakilala ay nahulog na ako sa 'yo. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing iniisip kita. Ngayon ko lang 'to sinabi sa 'yo dahil sa takot na i-reject mo ako. Pero na-realize kong dapat ko na 'tong sabihin sa 'yo dahil walang mapupuntahan 'tong pagtatago ng feelings ko sa 'yo. Kung ano man ang magiging reaksyon mo ay tatanggapin ko. Okay lang sa akin kung hindi mo ako kayang mahalin pabalik. Remember that I will always be your friend Lauren." ani Tim II.
*moment of silence*
I'm speechless sa sinabi niya. I can't believe that he confess his feelings towards me. Nag-lo-loading pa ang utak ko.
*tenenenenenenenen!*
Bigla akong natauhan nang tumunog na naman ang cellphone ko.
"I'm sorry Tim but I have to go to my first class." sabi ko at agad akong lumayo sa kanya.
Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Parang nahiya ako bigla na harapin siya lalo na't hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Tim II is a very nice person to me pero hindi ko siya kayang mahalin pabalik. Alam niyo namang may mahal akong iba.
Nang makalayo na ako sa kanya ay agad kong tiningnan ang text ng secret admirer ko.
***
From: My Secret Admirer
69 Walang Forever Street. Sa tapat ng isang abandoned house.
***
Sa tapat ng isang abandoned house kami magkikita? Bakit do'n? Wala pa namang taong dumadaan sa lugar na 'yon.