Dear Future Husband,
Makikita ko na mamaya sa wakas ang secret admirer ko. Gusto kong makita ang itsura niya at marinig ang boses niya. Sa totoo lang, umaasa akong sana ikaw 'yon kahit alam kong imposible.
Kung hindi man ikaw 'yon ay hindi pa rin kita ipagpapalit sa kanya. Sasabihin ko sa kanya na may mahal akong iba. Hindi ko naman pwedeng ipagpilitan ang sarili ko na mahalin siya kahit ikaw ang mahal ko. Tulad ng kay Tim II ay hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.
Pero by the way, bakit marami yatang nagkakagusto sa aking lalaki? Tatlo to be exact. Si Jameson, yung secret admirer ko, at si Tim II. Ang hirap maging maganda. Hahaha! Charot lang.
Your Future Wife,
Lauren