[TIM DEARING'S POV]
Parang ayaw kong pumasok ngayon. Inamin ko na kanina kay Lauren ang feelings ko sa kanya. Pero base sa naging reaksyon niya ay parang basted ako.
"Bro, bakit ganyan ang mukha mo? Para kang sinaniban ng masamang espiritu." salubong sa 'kin ni Mitchell na kasama si Dave.
"May problema ba Tim?" ani Dave.
"Sinabi ko na sa kanya." tugon ko sa kanila.
"Ha? Anong sinabi mo sa kanya?" tanong ni Mitchell.
"Sinabi ko na kay Lauren ang feelings ko sa kanya." sagot ko.
Nakita ko naman ang excitement sa mukha ni Dave. "Talaga? Anong sagot niya?"
"Wala siyang sinabi sa 'kin. Basta-basta na lang siya umalis. Pero sa tingin ko ay basted ako." malungkot kong sagot.
At 'yon ang pinakamasakit na karanasan sa buong buhay ko. Ito ang unang beses kong ma-inlove sa isang babae pero sawi agad ako.
"Ayos lang 'yan bro. May iba pa namang babae diyan. Bawi ka na lang sa ibang babae." ani Mitchell at inakbayan niya ako.
"Parang ang dali naman niyan para sa 'yo." tugon ko kay Mitchell.
"Tama si Mitchell. Siguro hindi talaga siya Ang para sa 'yo Tim. Malay mo nasa tabi-tabi lang ang the one mo. O di kaya'y nasa tabi mo lang." ani Dave.
"Napaka-suportive niyo talagang kaibigan." sarcastic kong sabi sa kanilang dalawa.
"Para maka-move on ka na. Mag-cutting class na lang tayong tatlo ngayon at pumunta sa bagong bukas na resto bar. Pwede tayong kumanta do'n dahil may karaoke at may VIP rooms pa for privacy." sabi ni Dave.
"Magandang ideya 'yan Dave. Mag-enjoy tayo do'n. Na-miss ko bigla ang mga bonding moments natin na tayong tatlo lang. Ang dami nating ginawagawang kalokohan noon." ani Mitchell.
"Kung gano'n. Tara na't mag-walwal." sabi ni Dave na pumukaw sa atensyon ko.
Walwal?
Sounds fun huh.
[LAUREN'S POV]
Pagkatapos kong magsulat ng entry sa Dear Future Husband notebook ko ay agad kong pinuntahan ang address na kung saan ay makikilala ko na ang secret admirer ko. Dahil nga sa sobrang excitement na makilala ko siya ay hindi ko na inilagay pa sa loob ng bag ko ang Dear Future Husband notebook at hawak ko ito.
*tenenenenenenen!*
May nag-text. Baka si secret admirer 'to.
***
From: +639999999999
Beshie, alam kong hindi ka busy ngayon. Kumain tayo sa McDo.
***
Siya lang pala. Kanina pa 'to text ng text. Tapos ang kapal din ng mukha niyang gumamit ng ibang number at magpanggap na si Tim. Alam ko kung paano mag-text si Tim at active pa ang number niya na alam ko. Ang sama talaga niya.
Hindi ko siya nireplyan at patuloy lang ako sa paglalakad.
Nang makarating ako sa tapat ng isang abandoned house ay wala pa yung secret admirer ko. Wala talagang taong dumadaan dito at nakakatakot pa.
Para mawala ang takot ko at malibang habang hinihintay si secret admirer ay binasa ko ang mga sinulat kong entries sa Dear Future Husband notebook ko.
Habang binabasa ko ang mga ito ay hindi ko mapigilang kiligin at tumawa. May pagka-cheesy pala ako.
*woosshhh!*
Teka, bakit parang feeling ko may tao?
Tumingin ako sa paligid pero wala naman akong nakikitang tao. Baka hangin lang 'yon. Medyo mahangin kasi ngayon dito.
*tenenenenenenenen!*
May nag-text. Baka si Jameson na naman 'to.
***
From: My Secret Admirer
Sorry Lauren pero hindi ako makakapunta ngayon. Sinugod ang kapatid ko sa hospital. She needs me right now. I'm really sorry. I hope hindi kita na-disappoint. 'Wag ka na lang pumunta ngayon.
***
Yung secret admirer ko pala. Well, hindi naman ako nainis sa text niya. Kailangan siya ngayon ng kapatid niya kaya okay lang sa akin. I understand him naman.
***
To: My Secret Admirer
Okay lang sa 'kin 'yon. Kailangan ka ng kapatid mo. Sana nasa maayos siyang kalagayan ngayon.
***
Pagka-reply ko ay naglakad na ako pabalik sa Dela Cruz University. May pasok pa ako mamayang 2pm.
O_____O
"Hhhhmmmmmm!"
Nagulat ako nang may biglang tumakip sa bibig ko.
"Hhhhmmmmmm!"
Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas at may nalanghap pa akong nakakahilong amoy. Sinubukan kong tawagan si Tim sa cellphone para humingi ng tulong. Nagawa kong siyang kontakin pero hilong-hilo na talaga ako hanggang sa mabitawan ko na ang cellphone at notebook ko.
("Lauren? Lauren! Where are you? Are you okay?") - Tim
BLANK.