Kabanata 18

[LAUREN'S POV]

Aww. Ang sakit ng ulo ko.

Inimulat ko ang dalawang mata ko.

O_____O

Teka, hindi ko 'to kwarto ha! Nasaan ako?

Napatingin ako sa paligid ng kwarto. Hindi ito pamilyar sa akin. Ngayon ko lang nakita itong kwartong 'to.

May nakita akong salamin at napatakip ako sa bibig nang makita ko ang suot ko. Teka, bakit nakadamit panglalaki ako?

Ano bang nangyari?

Inalala ko yung pangyayari.

*isip*

*isip*

*isip*

*ting!*

Tama! Pabalik na sana ako sa Dela Cruz University nang may biglang tumakip sa bibig ko. Tinawagan ko si Tim sa cellphone niya pero nawalan ako ng malay.

Pero sino ang tumakip sa bibig ko at nagdala sa akin dito?

"Gising na pala ang mapapangasawa ko."

Napatingin ako sa nagsalita at nagulat ako nang makita ko si Jameson. Nakatapis lang siya at mukhang bagong ligo.

"Ikaw?" hindi mapakapaniwalang sabi ko.

"Yes, your one and only soon to be husband." nakangising tugon niya.

"B-bakit ako nandito? At anong ginawa mo sa 'kin habang wala akong malay?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Hindi ka naman siguro bobo para alamin 'yon." sagot ni Jameson na may ngiting tagumpay.

Parang gustong kong umiyak nang maintindihan ko ang sinagot niya sa akin.

"Hayop ka!" galit na sigaw ko sabay bato ng unan sa kanya. "Hindi ka lang masama, manyak ka rin pala. Sinamantala mo ang kahinaan ko habang wala akong malay. Paano mo nagagawa ang mga bagay na 'to? Wala ka bang konsensiya?"

"Walang masama sa taong nagmamahal. Kapag nagmamahal ka, gagawin mo ang lahat para mapasa iyo siya. Kaya itong ginagawa ko ay dahil sa pagmamahal ko sa 'yo." aniya.

"Hindi ito pagmamahal Jameson. Kung mahal mo talaga ako, hahayaan mo akong maging masaya kung saan ako sasaya." ani ko.

"Hindi! Kapag mahal mo ang isang tao ay makukuha mo siya sa paraang gusto mo! Kaya kita dinala rito dahil gusto kong matutunan mo akong mahalin!" galit na tugon ni Jameson.

Nababaliw na talaga siya.

"Kung gano'n. Hinding-hindi 'yon mangyayari. Kahit anong gawin mo ay hinding-hindi kita mamahalin." sabi ko sa kanya.

"Hindi! Matututunan mo rin akong mahalin Lauren. Hinding-hindi ka makakauwi sa inyo hangga't hindi mo 'yon matututunan!" galit na tugon niya sa 'kin.

"Makakatakas ako rito. May tutulong sa akin dito para makalaya." ani ko sa kanya.

"Walang sinuman ang nakakaalam sa lugar na 'to kaya huwag ka nang umasa pang may tutulong sa 'yo." sabi ni Jameson at lumabas na siya ng kwarto.

Pero bumalik ulit siya at may sinabi pa sa akin.

"'Wag kang mag-alala dahil hindi pa kita ginalaw. Binihisan lang kita ng damit pambahay." dagdag niya.

Pagkaalis niya ay do'n na tumulo ang mga luha ko. Nilabas ko lang ang tapang ko kay Jameson para ipakita na hindi ako natatakot sa kanya.

Pero sa totoo lang ay natatakot talaga ako. Natatakot ako na baka hindi na ako makatakas dito.

Sana mahanap nila ako rito.

Pero paano kung wala talagang makahanap sa akin?

Hindi Lauren. Think positive. May makakahanap sa 'yo rito. Mahahanap ka nila agad-agad kaya maghintay ka lang.