[LAUREN'S POV]
"At last! Nahanap ka rin nila. Ayos ka lang ba Lauren? May sugat ka ba? Pinahirapan ka ba ng Jameson na 'yon?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Tim II.
"Boyfriend lang ang peg Tim? Grabe ka makapag-alala sa kanya." react ni Dave. "Pero okay ka lang ba Bes? May sugat ka ba? Pinahirapan ka ba nila?" dagdag pa ni Dave.
"Wala kayong dapat ipag-alala dahil ayos lang ako." sabi ko sa mga kaibigan ko.
"Nakakainis talaga 'yang Jameson na 'yan. Akala ko isa siyang mabuting kaibigan pero hindi pala. Ang sama niya." naiinis na sabi ni Summer.
"Pero bakit hindi mo itutuloy ang pagsampa ng kaso laban kay Jameson? He deserves to go in jail at saka baka maulit na naman ang nangyari." ani Stephanie.
"Ayoko kasi ng gulo kaya hindi ko na tinuloy pa. At isa pa, ang parents na ni Jameson ang bahala sa kanya kaya hindi na 'yon mauulit." tugon ko.
"Since nalinis na ang pangalan mo Bes, may balak ka bang bumalik sa RU? Na-mi-miss ka na namin do'n." tanong sa 'kin ni Barbie.
"Tatapusin ko muna ang Senior High School ko do'n sa DCU. Sa College na ako babalik." sagot ko.
Marami pa kaming pinag-usapan ng mga kaibigan ko at dito na rin sila kumain. Medyo nawawala na rin sa isip ko ang pagkidnap sa akin ni Jameson.
Mga hapon na rin naka-uwi ang mga kaibigan ko dahil nag-swimming pa kami.
"Lauren, follow me at my office. May sasabihin ako sa 'yo." seryosong sabi sa 'kin ni Dad. Sa tono pa lang ng boses niya ay kinabahan na ako.
Ano kaya ang sasabihin sa 'kin ni Dad?
[TIM RAMIREZ'S POV]
Kanina ko pa pinagmamasdan si Melanie habang umiiyak. Hindi niya matanggap ang pagkamatay ng anak namin.
I am sad too dahil anak ko rin 'yon, at pakiramdam ko ay kasalanan ko ang nangyari sa kanya.
Nakunan si Melanie dahil sa akin. Naging pabaya ako sa kanya. Madalas din kaming mag-away ni Melanie na nakaapekto sa pagbubuntis niya. Kasalanan ko ang nangyari sa kanya kaya hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Hindi na ako nakatiis pang lumapit kay Melanie habang may dala akong pagkain para sa kanya.
"Kumain ka na Melanie. Kahapon ka pa hindi kumakain." sabi ko sa kanya.
"Ayoko. Hindi pa ako nagugutom." matamlay niyang tugon.
Inilagay ko muna ang hinanda kong pagkain sa bedside table.
"Alam kong hindi mo pa rin matanggap na namatay ang anak natin. Sana mapatawad mo ako kung naging pabaya ako sa inyong dalawa. Ibuhos mo na ang lahat ng galit mo sa akin dahil kasalanan ko naman kung bakit ka nakunan. Kahit ako ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa pagkawala ng anak natin." sabi ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin. "Hindi Tim. Ako ang may kasalanan kung bakit ako nakunan. Naging selfish ako kaya hindi ko naisip ang anak natin. Masyado akong naging obsessed sa 'yo kaya hindi ko naisip na buntis ako. Maybe this is my fucking karma."
"No, don't say that. Hindi ka selfish Melanie. Nagmahal ka lang ng maling lalaking kagaya ko." ani ko sa kanya.
You deserve someone better than me Melanie. Hindi ako ang para sa 'yo.
"Ngayon na wala na ang anak natin. I decided to set you free. Siguro hindi talaga ikaw ang para sa akin." Medyo gumaan na ang pakiramdam ni Melanie.
I smiled to her. "Mahahanap mo rin ang lalaking para sa 'yo. Maghintay ka lang at may nakalaan din para sa 'yo." sabi ko sa kanya.
"Salamat Tim. By the way, ano pang hinihintay mo. Puntahan mo na siya. Sabihin mo kay Lauren ang feelings mo sa kanya." ani Melanie.
"Walang anuman at salamat din Melanie." tugon ko at agad-agad akong umalis para puntahan siya.
[LAUREN'S POV]
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-absorb ng utak ko ang sinabi sa akin ni Dad.
Bakit kailangan pang humantong sa ganito?
"May naghahanap sa 'yo sa baba iha." sabi sa 'kin ni Yaya.
"Sino po?" tanong ko.
"Yung ex-fiancé mo. Nasa sala siya ngayon." sagot sa 'kin ni Yaya na ikinalaki ng mga mata ko.
Bakit nandito siya?
"Salamat po Yaya." tugon ko at agad akong pumunta sa sala.
Nang makarating ako sa sala ay nakita ko siyang naka-upo sa couch.
"A-anong ginagawa mo rito?" nauutal kong tanong kay Tim.
Napatingin naman siya sa akin.
Napangiti siya nang makita niya ako at saka niya ako nilapitan.
O_____O
Bigla akong niyakap ni Tim.
"Te-teka lang Tim." nauutal kong sabi.
Medyo naiilang ako sa mga kinikilos niya. Naguguluhan kasi ako.
"S-sorry Lauren." sabay bitaw ni Tim mula sa pagkakayakap.
"Bakit ka nandito? Si Dad ba ang hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw ang sinadya ko rito Lauren. Kumusta ka na?" aniya.
"Ayos lang ako." tugon ko sa kanya.
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ni Dad. "May sasabihin nga pala ako sa 'yo."
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba 'to sa kanya o hindi? Pero kailangan niyang malaman 'to.
"Ako rin Lauren. May sasabihin ako sa 'yo." aniya.
"Sige, ikaw na ang mauna." sabi ko sa kanya.
"Hindi, ikaw muna ang mauna." sabi naman niya.
"Hindi, ikaw muna." sabi ko ulit.
"Ladies first." aniya.
"Sige na nga, ako na ang mauna." pagsuko ko.
"Sabihin mo na sa 'kin ang sasabihin mo Lauren." ani Tim.
Excited much?
Pero ano kaya ang magiging reaksyon ni Tim sa sasabihin ko sa kanya? Malulungkot kaya siya?
I took a deep breath.
"Aalis na kami ni Dad dito sa Pilipinas. Sa South Korea na kami titira, for good." sabi ko sa kanya.
Nakita ko namang natigilan siya sa sinabi ko. Ako nga rin natigilan nang sabihin ni Dad na pupunta kami sa South Korea at do'n na manirahan. Kahit ayaw ko, hindi ko na siya napigilan pa dahil ayaw niya akong pakinggan. Alam kong ginawa niya 'to para protektahan ako.
"A-aalis ka na?" hindi makapaniwalang tanong niya.
I just nodded to him.
Parang nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. O baka imagination ko lang 'yon. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya.
"Ano nga pala ang sasabihin mo sa 'kin?" tanong ko sa kanya.
"Ah kasi... ano... Sa susunod, magpahatid ka na sa driver para hindi na maulit ang nangyari kahit nasa South Korea ka na." sagot niya.
Ang sweet talaga ni Tim, at 'yon ang isa sa mga ma-mi-miss ko sa kanya.
"I will." tugon ko sa kanya.
"Pero bago ka muna umalis, pwede ba kitang makasama ngayon buong araw? Baka kasi ito na ang huli nating pagkikita." aniya.
"Sige." agad kong sagot sa kanya.
Bakit pa ako tatanggi?
Gusto ko rin siyang makasama ngayon. Gusto kong may mabaon akong magagandang alaala kasama siya kapag nasa South Korea na ako.
"Mamayang 3 PM. Pupuntahan kita rito." ani Tim.
Tumango naman ako. I want to savour this moment kasama siya. Kahit hindi man maging kami sa huli ay hinding-hindi ko siya kakalimutan.
He will be always here in my heart.