Huling Kabanata

[LAUREN'S POV]

Bago ako makipagkita kay Tim ay makikipagkita muna ako sa secret admirer ko. Excited na nga akong makita ang itsura niya. Malay natin pogi siya.

Nagpahatid ako sa driver namin since pinagbawalan na ako ni Dad na mag-taxi.

Sa Jollibee kami magkikita ni secret admirer. Gusto nga niya ay magkita kami sa lugar kung saan magkikita sana kami noon, pero tumanggi ako dahil baka maulit na naman ang pagkidnap sa akin.

Sinabi ko rin sa kanya na nakidnap ako, at labis siyang nag-alala dahil do'n. Sabi niya kasalanan daw niya ang nangyari. Pero sinabi ko namang hindi niya kasalanan. Hindi naman namin alam na mangyayari 'yon sa akin.

Nang makarating ako sa Jollibee ay tinext ko si secret admirer kung saang banda siya naka-upo.

Nang mag-reply siya at nabasa ko ang message niya napatingin ako sa paligid.

Hanggang sa may nakita akong isang lalaking kumakaway sa akin.

O_____O

Tama ba 'tong nakikita ko?

Siya na ba 'to?

Hindi ba ako nananaginip?

Oh my god!

Ang gwapo naman niya.

Ang OA ng reaction ko. Pasensiya na. Hehehe!

Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Hi Lauren." nakangiting bati niya sa 'kin.

Mas lalo siyang pumogi nang nginitian niya ako. Litaw na litaw ang dimples niya, maputi, parang may lahi siyang chinese na may pagka-koreano, medyo well-built ang katawan niya, tapos medyo mahaba ang buhok niya at may highlight pang brown. Para siyang isang k-pop superstar. My ghad! Parang ang swerte kong makilala siya.

"Hi." nahihiyang bati ko sa kanya. Syempre dapat dalagang pilipina ang kilos ko.

"Umupo ka." Tumayo naman siya at inalayan niya akong umupo sa upuan. Ang gentleman pa niya. Parang siyang isang prinsipe na napapanood ko sa mga koreanovela.

"Nakausap na rin kita sa wakas Lauren. Ang babaeng pinapangarap kong mapangasawa." nakangiting sabi niya.

Feeling ko namula ako sa sinabi ng poging ito.

"Ano nga ulit ang name mo?" tanong ko sa kanya.

"Tao. Tao Wang." pagpapakilala niya habang nakangiting nakatingin sa 'kin.

Shemay! Parang matutunaw na ako sa titig niya. Bakit kasi ang pogi nito?

"Do you want something to eat? My treat." ani Tao.

"No, it's okay." tugon ko rito.

Syempre may hiya pa rin ako sa kanya.

"No, I insist." aniya.

Ang kulit din pala nito.

"Sige, jolly hotdog at coke na lang." sabi ko sa kanya.

"Okay, just wait for me here." tugon niya at pumila na siya sa counter para umorder.

First impression ko sa kanya, maliban sa gwapo siya ay mabait pa siya, tapos ang jolly niya.

Parang na-guilty tuloy ako. Hindi niya deserve ang ma-basted. Si Tim pa rin kasi eh. Tapos aalis na ako ng Pinas in next two days. It means wala na talaga siyang pag-asa.

Pero kailangan niyang malaman ang totoo. Ayoko naman siyang paasahin.

"Ito na ang jolly hotdog at coke mo. Binilhan na rin kita ng fries kung gusto mo." sabi sa 'kin ni Tao nang makabalik na siya rito.

"Salamat." tugon ko sa kanya.

"Kumusta ka na? Okay ka na ba? Nakakulong na ba ang mga kumidnap sa 'yo?" tanong niya sa 'kin.

"Okay lang ako, at saka hindi na ako nagsampa pa ng kaso sa mga kumidnap sa akin. Ayoko kasi ng gulo." sagot ko sa kanya.

"Pero bakit hindi mo tinuloy? Baka maulit na naman ang nangyari sa 'yo, and they deserve to go on jail." ani Tao.

Perfect timing. Sasabihin ko na kay Tao na hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

"Hindi na kailangan. Aalis din naman ako ng Pinas." ani ko.

Nakita kong natigilan siya sa pagkain ng fries.

"What do you mean?" naguguluhan niyang tanong.

"Pasensiya na Tao pero hindi mo ako pwedeng mahalin. Hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa 'yo. At saka, may ibang laman na ang puso ko eh. You're a nice guy naman kaya I'm sure na mahahanap mo rin ang babaeng para sa 'yo." tugon ko sa kanya.

Kinabahan naman ako nang makita kong seryoso ang mukha niya. Napalunok ako dahil do'n.

Pero napalitan naman ito nang ngumiti siya kaya nakahinga ako nang maluwag. Akala ko galit siya sa sinabi ko.

"I understand. Thank you for being honest with me. I already expect this. Well I guess, this is goodbye." sabi sa 'kin ni Tao.

"Anong goodbye ka diyan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Eh di ba aalis ka na ng Pilipinas?" aniya.

"Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. Pero pwede pa naman tayong mag-usap kahit nasa ibang bansa na ako. Meron namang video call sa Messenger." ani ko.

"Of course, mag-uusap pa naman tayo. I'll just add you on my facebook account. Pero bago yan, kumain muna tayo." ani Tao.

Tumango lang ako at kumain na kami. May naalala ako bigla.

"By the way Tao, may kilala ka bang lalaking named Lachlan?" tanong ko sa kanya.

Na-curious ako bigla.

"Meron, he's one of my friends." sagot niya. "Ba't mo natanong? Kilala mo ba siya?"

"Wala lang, at kilala ko siya. Siya ang tumulong sa 'kin para linisin ang pangalan ko." ani ko.

Tumango naman siya.

Pagkatapos naming kumain ay nanood din kami ng sine. Natatawa nga ako kay Tao dahil takot siya sa horror. Hindi ko alam na may gano'n pa lang mga lalaki despite of their good looks. Ang cute nga eh.

Pagkatapos naming mag-sine ay hinatid na niya ako sa bahay namin.

"Thanks for the time Lauren. I had so much fun kahit saglit lang." sabi sa 'kin ni Tao.

"Wala 'yon." tugon ko sa kanya.

Lumapit naman siya sa 'kin.

O_____O

Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan.

"Adios." Tapos nagpaalam na siya sa akin.

Sa cheeks lang 'yon pero feeling ko humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.

***

Malapit nang mag-alas tres. Talaga namang nag-ayos ako ng aking sarili. Syempre si Tim ang kasama ko eh.

"Nandiyan na ang ex-fiancé mo iha." sabi sa 'kin ni Yaya.

Tumango lang ako kay Yaya at pumunta sa sala.

Nang makarating ako sa sala ay nakita ko si Tim. He's wearing a fitted white t-shirt na nagpalitaw sa kakisigan niya.

"Shall we." sabi sa 'kin ni Tim.

Tumango naman ako at lumabas na kami ng bahay. Nagpaalam na rin ako kay Dad na may lakad kami ni Tim at pinayagan naman niya ako. I know that my Dad trust him dahil maliban sa ex-fiancé ko ito ay matalik niyang kaibigan ang Daddy ni Tim.

"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sa mall muna tayo. Maglaro tayo sa quantum." sagot sa 'kin ni Tim.

"Sige, parang gusto kong maglaro." tugon ko sa kanya.

- MALL -

Nang makarating kami ni Tim sa mall ay agad kaming pumunta sa quantum. Bumili muna siya ng tokens bago kami maglaro.

"Anong una nating lalaruin?" tanong niya sa 'kin.

"Basketball." sagot ko sa kanya.

Parang gusto kong ma-try 'yon.

Hinila naman ako ni Tim papunta do'n.

Nandito na kami ngayon sa basketball at nagsimula na kaming maglaro ni Tim. Minsan nakaka-shoot naman ako. Minsan sablay.

Napatingin naman ako kay Tim.

Ang galing naman niyang mag-shoot ng bola. Walang sablay at parang professional siya. Tapos ang hot pa niyang tingnan.

Pagkatapos naming maglaro ay medyo napagod na kami sa kalalaro.

"Food court tayo." sabi sa 'kin ni Tim.

Tumango naman ako.

Dito na kami sa food court.

"Anong gusto mong kainin?" tanong sa 'kin ni Tim.

"Pizza." sagot ko sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay inaya naman niya ako sa Star City.

- STAR CITY -

Marami kaming sinakyang mga rides ni Tim. Sinakyan talaga naming dalawa ang mga rides dito sa Star City at nag-enjoy kaming dalawa.

Naisip ko tuloy na ang hirap niyang bitawan lalo na't aalis na ako ng Pinas. Nilubos ko na talaga ang araw na 'to kasama siya.

Nandito kami ngayon sa Ferris Wheel. Gabi na rin. Buti na lang at hindi pa tumatawag sa 'kin si Dad.

"May ibibigay nga pala ako sa 'yo." sabi sa 'kin ni Tim at may kinuha siya sa likod niya.

O_____O

Nagulat ako nang makita kong hawak niya ang Dear Future Husband Notebook ko. Paano 'yan napunta sa kanya?

"Napulot ko 'to sa daan. Itatapon ko na sana nang makita ko ang litrato ko diyan. Tapos nalaman kong sa 'yo pala 'to." sabi niya.

Nabasa ba niya lahat ang mga entries ko diyan?

"Nabasa mo ba lahat?" tanong ko sa kanya.

He just nodded. Waaaaa! Bakit niya binasa? Nakakahiya!

"Read the last page." utos niya sa 'kin.

"Ha?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Read the last page. May sinulat ako diyan." sabi niya sa 'kin.

Kinuha ko naman sa kanya ang notebook at binuksan ito, tapos nagtungo ako sa last page.

Binasa ko ang nakasulat do'n.

***

Dear Future Wife,

Mula noong nakilala kita ay ikaw na ang tinitibok ng puso ko. Maraming namang magaganda at sexy diyan pero sa 'yo ako nahulog. Noong nangyari sa engagement party natin ay sobrang nasaktan ako that time. Yung nag-confess na ako ng nararamdaman ko sa 'yo pero binawi ko ito dahil pakiramdam ko ay pinagtaksilan mo ako kahit hindi naman tayo. Pero ngayong alam ko na ang totoo ay nagsisi akong hindi kita pinakinggan. Sana mapatawad mo ako kung hindi ko pinakinggan ang side mo, at patawarin mo rin ako kung hindi kita naipagtanggol sa oras na kailangan mo ako.

Ngayong aalis ka na sa Pinas. Noong una ay susuko na sana ako, pero nang humingi ako ng advice kay Dad ay mas nagkaroon ako ng motivation na mapasaakin ka. I will do everything to win you back and no one can stop me.

Because I'm in love with you Lauren.

Your Future Husband,

Tim

***

Naiyak ako nang mabasa ko ang sinulat niya. He loves me and I'm really happy to know that from him.

Pero aalis na ako at 'yon ang pinakamasakit na part.

"Don't cry my love. Ayokong nakikita kang umiiyak." aniya at niyakap niya ako.

"I'm just happy to know na mahal mo ako. Mahal din kasi kita eh." I replied to him.

"Really? Now I'm happy too na malaman kong mahal mo rin ako." tugon niya.

Hinayaan ko lang siyang nakayakap siya sa 'kin.

"Now I know that we love each other. Now I want to ask you." ani Tim.

"Ha?" nagtataka kong tugon sa kanya.

"Lauren, can you be my girl for the rest of my life?" aniya.

My heart beating fast when he asked me that.

"Pero aalis na ako ng ibang bansa. Nakahanda na ang lahat para sa pag-alis ko." sabi ko sa kanya.

"Pwede naman maging tayo kahit nasa ibang bansa ka na. Maraming paraan para makapag-usap tayo." tugon niya.

"Hindi ko lang alam kung makakabalik pa ako rito sa Pilipinas, Tim."

"Kung hindi ka man makabalik dito. Ako ang pupunta para sa 'yo. Please, just say yes. I'll make sure that I will be a good boyfriend to you." ani Tim.

Sa sinabi pa lang niya ay napangiti na ako. Ngayon ay susundin ko na ang puso ko.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan ko siya.

"Yes Tim, I can be your girl." sagot ko sa kanya.

I saw him smiling. "Can you say that again?"

"I said yes T..."

Hindi natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan sa labi. Medyo nagulat ako do'n pero tumugon naman ako sa halik niya.

Our first kiss as an official couple. It was very passionate and full of love.

Medyo tumagal ang paghahalikan naming dalawa.

May narinig pa kaming fireworks kaya pareho kaming bumitaw. Nagkatitigan kaming dalawa.

"Can you wait for me Tim? I'll make sure na babalik ako rito. At kapag mangyari 'yon, hindi na ako babalik do'n at magkasama na tayo." I said to him.

"Yes, I can wait love." tugon niya.

Then he kissed me again.

And that was our last kiss.

- THE END -