Final Book Epilogue

[LAUREN'S POV]

- SEVEN YEARS LATER -

Nag-iimpake na ako ngayon para sa pagbabalik ko sa Pilipinas. It's been seven years na nandito kami ni Dad sa Seoul, South Korea. Excited na akong makita ulit ang mga kaibigan ko lalo na si Tim.

Kahit LDR (Long Distance Relationship) kami ni Tim ay masaya at matibay pa rin kami sa relasyon naming dalawa. Minsan kaming nag-uusap sa video call.

Sa tuwing nag-ce-celebrate naman kami ng monthsary o 'di kaya'y anniversary ay sa video call din. Pati ang paghahalikan namin ay via video call ulit. Hindi naman makapunta dito si Tim kahit pasko dahil siya na ngayon ang nag-ma-manage ng company nila. Nagretiro na kasi si Tito Bill. Ang huling kiss namin ni Tim ay seven years ago noong nasa Star City kami sa Pinas. At hindi na 'yon naulit pa.

Si Dad naman ay minsang umuuwi sa Pilipinas dahil may company din kami do'n na kailanganan niyang i-manage.

Ngayong tapos na akong mag-aral dito sa Seoul ay babalikan ko na siya sa Pilipinas. Pinayagan na akong ni Dad bumalik do'n kasama siya.

By the way, fluent na rin akong magsalita ng Korean Language. Tapos maiinggit pa sa akin ang mga kaibigan ko dahil marami akong nakilalang k-pop stars at nakipag-selfie pa ako sa kanila. Ilan dito sa nakilala ay ang BTS, EXO, BLACKPINK, SEVENTEEN, MONSTA X, STRAY KIDS, MOMOLAND, MAMAMOO, TWICE, RED VELVET, GFRIEND, GOT7 at marami pang iba. Ang hirap isa-isahin eh. Certified fangirl yata 'to.

And then marunong na rin akong mag-self defense. Nag-enroll ako sa judo school, tapos sumali ako sa taekwondo training, at nagpaturo rin ako ng boxing. Para na rin sa kaligtasan ko.

"Nakapag-impake ka na ba Lauren?" tanong sa 'kin ni Dad mula sa labas ng kwarto.

"Opo Dad. Matatapos na po." sagot ko.

Excited na talaga akong bumalik sa Pilipinas. Marami akong ichichika sa mga kaibigan ko.

- PHILIPPINES (NAIA TERMINAL) -

And I'm here.

Kakalapag lang kanina ng eroplanong sinasakyan namin. Nasaan na kaya sila?

"LAUREN!"

Napalingon ako bigla sa tumawag sa akin.

Waaaaa! Ang mga kaibigan ko.

Nakita ko silang tumatakbo papalapit sa akin.

"Waaaaaa! Mga Bes!" sabi ko sa kanila.

Tapos ay niyakap nila ako. Na-miss ko talaga sila grabe.

"Kumusta na kayo?" tanong ko sa kanila.

"Girl, grabe ka. Ang laki ng pinagbago ng physical appearance mo. Mas lalo kang gumanda at sumeksi." sabi sa 'kin ni Barbie.

"Salamat, pero ako pa rin naman 'to." tugon ko sa kanila.

Teka, parang may napansin ako.

Bakit parang kulang yata sila?

Bakit wala rito si Tim?

"Si boyfie mo ba ang hinahanap mo?" tanong sa 'kin ni Dave.

Tumango naman ako. Ba't wala siya? Alam naman niyang uuwi na ako dito sa Pinas.

"Hindi siya makakarating. Busy siya ngayon sa company nila." sabi sa 'kin ni Summer.

Nalungkot naman ako dahil do'n. Pero naiintindihan ko naman si Tim dahil responsibilidad niya 'yon.

"Anak, mauna na ako sa inyo. Ako na ang bahala sa luggage mo. Makipag-bonding ka muna sa mga kaibigan mo. Alam ko kasing na-miss mo sila." ani Dad.

"Sige po Dad." tugon ko.

Nang makaalis na si Dad ay niyaya kami ni Tim II sa kanyang resto bar. Since we're adults na ay pwede na kaming uminom ng alak. At saka sanay na akong uminom ng mga hard drinks dahil 'yon ang nagpapatanggal stress sa akin.

"Wow! Nice resto bar Tim." sabi ko sa kanya.

"Hindi lang basta-basta nice Lauren. Dahil ito ang most famous resto bar ng bansa." proud na sabi ni Tim II.

"Yabang mo bro. Muntik na ngang malugi 'to." sabi ni Mitchell kay Tim II.

"At kasalanan mo 'yon. Bayaran mo na ang utang mo kung ayaw mong ma-banned dito." ani Tim II kay Mitchell.

"Bro naman, 'wag kang ganyan. Magkaibigan naman tayo." ani Mitchell kay Tim II.

"Pasalamat ka talaga bro na kaibigan kita. Kung hindi, noon pa kita binanned." -ani Tim II kay Mitchell.

"Tama na nga 'yan. Nandito tayo para mag-celebrate sa pagbabalik ni Lauren, hindi para mag-away." awat ni Javier sa dalawa.

"Tama si honeybunch kaya tara na sa VIP room." sabi ni Summer.

Teka, sila na ulit ni Javier? Ba't hindi ko alam 'yon?

Pumunta na kaming lahat sa VIP room ng resto bar ni Tim II.

Nang makapasok kami sa VIP room ay nakita kong may nakahanda nang mga pagkain at wine sa isang malaking mesa. Tapos may karaoke pa. Ang ganda ng pagkakadisenyo ng resto bar ni Tim II.

Yung nga lang, hindi niya yata napag-isipan nang maayos ang pangalan ng resto bar niya. VARESTA talaga ang pinangalan niya. Kulang na lang maging BARETA na ang pangalan ng resto bar niya.

Umupo na kaming lahat sa isang sofa na pa-letter U ang disenyo.

"Para sa pagbabalik ni Lauren. Cheers!" sabi ni Barbie at tinaas niya ang wine glass na hawak niya.

"CHEERS!" sabay naming sabi at toast ng wine glass na hawak namin.

Tapos ay sabay din kaming uminom.

Marami akong ikinuwento tungkol sa pagtira ko sa South Korea. Lahat sila na-inggit dahil marami akong na-meet na k-pop stars at group. Ipinakita ko pa nga sa kanila ang mga pictures dahil ayaw nilang maniwala. I-de-delete sana ni Dave ang pictures dahil sa inggit pero buti na lang at naagaw ko sa kanya ang phone ko.

Sobrang saya ko talaga ngayon dahil nakasama ko ang mga kaibigan. Pero sayang dahil wala rito ang lalaking mahal na mahal ko.

***

"Saan ba tayo pupunta Dad?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Well, kanina pa ako nagtataka. Kanina kasi ay inayusan ako bigla ng mga stylist na binayaran ni Dad. Tapos naka-red dress pa ako na may pagka-elegante.

"You will find out soon." sagot lang sa 'kin ni Dad.

Nakarating kami ni Dad sa isang bahay na napaka-pamilyar sa 'kin. Teka, ito yung bahay na tinirahan namin ni Tim noon. Anong ginagawa namin dito?

Pumasok na kami ni Dad sa loob. Sa totoo lang na-miss ko 'tong bahay na 'to. Kahit ilang buwan lang kami rito ni Tim noon ay hinding-hindi ko 'to makakalimutan. Lalo na't kaming dalawa lang ang nakatira dito dati at marami kaming nabuong alaala sa bahay na 'to.

"Puntahan mo na siya sa garden Lauren. Kanina pa siya nando'n." ani Dad.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Dad.

"Ha? Sino ang nando'n?" nagtataka kong tanong.

"Your boyfriend." sagot ni Dad.

My eyes widened. Nandito siya ngayon? Kaya pala inayusan ako ni Dad. Parang gusto ko tuloy pumunta sa washroom ang tingnan ang sarili ko kung maayos ba ang itsura ko.

"Go ahead my daughter." sabi sa 'kin ni Dad.

Okay Lauren, dalagang filipina mode tayo ngayon. Ngumiti at sabay labas dila. Hahaha! Charot lang!

Naglakad ako papuntang garden.

Pagkarating ko sa garden ay may nakita akong isang mesa na good for two. May pagkain at wine sa gitna. May mga lights na talaga namang nagpatingkad sa buong garden.

Pero ang umagaw talaga ng atensyon ko ay isang lalaking naka-casual attire at may hawak itong isang bouquet ng bulaklak. Syempre sino pa nga ba kundi si Tim.

He walked towards me while smiling.

"Welcome back my love." he said.

I smiled when he gave me the bouquet of flowers na tinanggap ko naman.

"Na-miss kita." I said to him.

"I miss you more." tugon niya na nagpa-blush sa 'kin.

Ang laki ng pinagbago ng itsura niya. Mas lalo siyang gumuwapo at kumisig. Yung patanda na siya pero mas lalo lang siyang bumata.

"Shall we?" aniya and he offered his hand to me.

I just smiled sabay hawak sa kamay niyang nakalahad sa akin.

Pumunta na kaming dalawa sa mesa. Tapos ay tinulungan niya ako sa pag-upo. Our first official date na magkasama kami as a couple.

"Thanks." ani ko lang sa kanya.

Pagkatapos ay nilagyan niya ng pagkain ang plato ko, at nilagyan din niya ng wine ang baso ko.

"Eat a lot. Ako ang nagluto niyan." aniya.

Bigla naman akong na-excite dahil do'n. It's been seven years nang hindi ko matikman ang mga luto niya. Minsan kasi siya ang nagluluto noong nasa iisang bubong pa lang kami.

Tinikman ko ang mga niluto niya.

"Ang sasarap naman nito Tim." sabi ko sa kanya.

Nag-improve din ang kanyang cooking skills.

"Syempre, I need to be a better cooker lalo na't malapit na tayong ikasal." tugon niya sa 'kin na ipinagtaka ko.

"Ha? What do you mean?" I asked him.

Nakangiting tumayo siya at lumapit sa akin.

Napatakip naman ako sa bibig nang lumuhod siya habang may hawak na singsing.

"Lauren, alam kong hindi naging madali ang relasyon natin lalo na't Long Distance Relationship tayong dalawa. Ikaw nasa South Korea, habang ako naman ay nasa Pilipinas. Ngayong nandito ka na at kasama na kita ay hindi ko na papatagalin 'to. Baka bumalik ka na naman do'n kapag hindi ko 'to ginawa." aniya.

Habang nagsasalita siya ay panay tulo ng luha ko sa tuwa.

"Lauren, will you marry me? Will you be my wife?" he sincerely asked.

Mag-iisip pa ba ako? Syempre alam ko na ang sagot sa tanong niya.

"Yes Tim, I will marry you." sagot ko sa kanya.

"Yes! Panalo kami nina Summer at Stephanie sa pustahan. Akin na ang pera niyo." narinig kong sabi ni... Barbie?

"What the fuck!" biglang pagmumura ni Tim.

Nandito pala sila. At bakit binibigay ng mga boys ang pera nila kay Barbie?

"Hoy hoy hoy! Ano 'yang ginagawa niyo? Sinisira niyo ang proposal ko!" ani Tim sa mga kaibigan ko.

"Nagpustahan lang naman kami kung ano ang isasagot sa 'yo ni Lauren sa proposal mo. And we won. Hoy Dave! Hindi ka pa nagbibigay." sagot ni Stephanie.

Grabe sila, pinagpustahan talaga nila ang proposal ni Tim sa akin.

"Pero congrats sa 'yo girl. Magiging future Mrs. Ramirez ka na." sabi sa 'min ni Dave.

"Truth. Naunahan mo pa kami ni honeybunch." pagsang-ayon naman ni Summer habang nakayakap si Javier sa kanya.

Mukhang sila na nga.

I am really happy now that I'm his official fiancée. No arrange marriage. It is called love.

- WEDDING DAY -

This is it.

I am wearing a white elegant gown and a wedding veil habang naglalakad kami ni Dad papunta sa may altar.

Nang medyo malapit na kami sa may altar ay nakita ko si Tim na nakangiting nakaabang sa akin. He's wearing all-white attire at katabi niya si Tito Bill na magiging father-in-law ko na.

Nang makalapit na kami sa mapapangasawa ko ay may sinabi si Dad kay Tim. "Ikaw na ang bahala sa anak ko. Alagaan mo siya nang mabuti."

"I will Tito." nakangiting tugon ni Tim.

"Call me Dad from now on." sabi ni Dad at saka niya ako ipinaubaya kay Tim.

"You're the gorgeous woman that I've met." nakangiting sabi sa 'kin ni Tim.

"At ikaw naman ang pinakagwapong lalaking nakilala ko." tugon ko naman sa kanya.

Nakita ko naman siyang namula sa kilig. He's so cute.

Nagsimula na ang seremonya.

Nagsalita na yung pari. Habang ako naman ay hindi mapakali dahil hindi ako makapaniwalang ikakasal na ako.

Naramdaman ko namang may humawak sa kamay ko.

"Wag kang kabahan. You should be happy dahil ikakasal na tayo." bulong sa 'kin ni Tim na ikinangiti ko.

Tama siya. Dapat masaya ako.

Maraming sinabi at pinagawa sa amin ang pari hanggang sa umabot na sa most awaited part ng kasal.

"And now, by the power vested in me. I hereby pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." ani Father.

I look at him while smiling. Then dahan-dahang itinaas ni Tim ang wedding veil ko, at saka dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa akin.

"I love you." he whisper and I felt his lips against mine.

I response to his kisses.

Narinig ko namang nagpalakpakan at naghiyawan ang mga bisita.

"Wooooohoooo!"

*clap clap clap*

Pagkatapos ng paghahalikan namin ay agad naman akong niyakap ni Tim. "At last." he whispered. "Honeymoon na ang susunod."

O_____O

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Tim, may reception pa."  naka-pout kong sabi sa kanya.

"I know. I'm just joking." natatawang aniya.

I look at my finger, kung saan naroon ang singsing na nagpapatunay na akin na si Tim at pag-aari ko na siya. Asawa ko na siya for real.

And I'm ready to build a family with him.

- 20 YEARS LATER -

"Mom, how many times do I have to tell you na i-arrange marriage niyo ako kay Taehyung kung ayaw niyo akong maglayas dito." naiinis na sabi sa 'kin ng anak kong si Courtney.

Jusko po! Araw-araw na lang ako na-i-i-stress sa babaeng anak ko. Gano'n ba niya ka-gustong pakasalan ang BTS member na si Taehyung?

"No anak. Malabo yang hiling mo." sabi ko sa anak ko.

Totoo namang malabong mangyari 'yon. At isa pa, gusto kong mahanap talaga niya ang lalaking para sa kanya. Hindi yung umaasa sa arrange marriage.

"Lalayas na talaga ako Mom at magpapabuntis ako sa iba." ani Courtney.

Sinamaan ko ng tingin ang anak ko.

"Your mouth Courtney. 'Wag kang magsasalita ng ganyan. Should I close all your credit cards?" pananakot ko sa kanya.

Natahimik naman ang anak ko dahil do'n.

Minsan talaga hindi ko na matiis pa ang ugali ng anak namin ni Tim. Hindi ko nga alam kung saan niya namana ang katarayan niya.

"What is happening here?" tanong ng asawa ko nang makauwi na siya rito.

"Sinaniban na naman ng katarayan 'yang anak natin." sagot ko kay Tim.

"Dad, i-arrange marriage niyo na ako kay Taehyung." ani Courtney sa Daddy niya.

"Mamaya na natin 'yan pag-usapan Courtney. Darating na mamaya ang bunso mong kapatid galing Korea. Pupuntahan natin siya sa airport kaya magpalit ka na ng damit sa kwarto mo." sabi ni Tim kay Courtney.

Sa loob ng twenty years ay nabiyayaan kami ni Tim ng dalawang anak.

Una ay si Courtney Marie Ramirez, kahit siya ang panganay naming anak ay childish siyang mag-isip. Na-spoiled kasi siya masyado ni Tim kaya 'yan ang naging resulta paglaki.

Sunod naman ay si Timothy Angelo Ramirez. Bunso naming anak ni Tim. Pero mas matured pa siyang mag-isip kaysa kay Courtney. Nasa Korea siya ngayon dahil may shooting siya for his new movie. Isa kasi siyang artista sa Korea kaya nando'n siya.

Nang umalis na si Courtney ay agad naman akong niyakap ni Tim mula sa likod.

"I miss you so much my wife." malambing niyang sabi sa 'kin.

'Yan ang lagi niyang sinasabi kapag umuuwi siya galing work.

"I miss you too." tugon ko sa kanya.

Pagkatapos ay dumiretso na kami sa kwarto namin para magbihis.

Sobrang saya ko ngayon dahil kumpleto kami mamayang hapunan. They are my life at mamamatay ako kapag mawala sila sa buhay ko.

Kahit walang HAPPY ENDING sa totoong buhay, pero mayroon namang FOREVER at walang katapusang LOVE na nagpapatibay sa amin.