Chapter o5: Long Lost Friendship

×××

Ilang minuto rin kaming tahimik ni Farra habang nakatingin sa harap kung saan makikita ang malawak na damuhan na may ligaw na mga bulaklak.

Habang nakaupo kami pariho sa damuhan sa lilim ng malaking puno. Tahimik kong ibinigay sa kan'ya ang drinks na binili ko kanina.

Agad din naman niyang napansin at tinignan ako.

"Sayo nalang"

Sabi ko sa kan'ya. Ngumiti siya sa akin at tinanggap din naman niya ito na may pasasalamat.

Tahimik ulit kaming dalawa. Habang kumakain kami pariho. Ramdam na ramdam namin ang simoy ng hangin sa paligid napakasarap nitong damhin.

Sa subrang katahimikan gusto ko na itong basagin kaya nagsalita na ako.

"Uhm... Ano nga pala ang sasabihin mo sa'kin?"

Sabi ko sa kan'ya na kinatigil niya sa pagkain niya at ngumiti sa akin.

"Buti nalang nagsalita ka rin. Gusto ko talaga iyong inuunahan mo kong magsalita"

Mahinhin niyang pagtawa na may pagtakip pa sa kanyang bibig gamit ang kamay.

Kinunutan ko lang siya ng noo kaya napatigil ito at muling ngumiti.

"Hindi mo ba talaga ako natatandaan?"

Makahulugang tanong niya sa akin. Na mas lalong kinakunot ng noo ko.

Bakit hindi nalang niya ako deretsohin.

"Anong hindi ko matandaan?"

Tanong ko sa kan'ya na kinabuntong hininga niya at napa halukikip ng kamay habang hindi nakatingin sa akin.

"Hindi na nakakapagtaka na wala kang maalala subrang tagal na naman kasi"

Sabi niya sa akin. Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan ko na lamang siya na inayos ang salamin ko sa mata at nagpatuloy ulit kumain.

Pero ilang sandali hindi pa ako nakakailang subo nabigla akong kinuha niya ang pagkain ko at inilayo ito sa akin.

"May gana ka pang kumain hindi mo ba ako tatanungin kung ano iyon?"

Nakasimangot na sabi niya sa akin. Napangiwi na lamang ako sa inis sa kan'ya at pinilit na ngumiti.

"A-ano ba iyon?"

Tanong ko sa kan'ya. Pero kisa sagutin ako sinungitan pa ako.

"Hindi mo na talaga matandaan? Pwes! Ipapaalala ko na sayo. Ako lang naman ang childhood friend mo"

Nakasimangot na sabi niya sa akin habang naka tingin sa mga mata ko.

Napatigil ako sa sinabi niya at napaisip.

"Hindi ko matandaan na may childhood friend ako"

Sabi ko habang pilit inaalala kung may kaibigan ako dati.

"Talaga lang! May kaibigan ka kaya at ako iyon! Magkaibigan tayo nung kindergarten"

Sabi niya sa akin na pagalit. Hindi naman halata sa hitsura niya dahil parang nagtatampo lang naman ito.

"Gano'n ba? Hindi ko talaga matandaan"

Sagot ko ulit na kinainis niya.

"Gan'yan ka naman eh pati sila Xian kinalimutan mo"

Sabay iwas sa akin. Ngayon ang haba na ng nguso niya sa subrang tampo nito.

"Xian?"

Nakakunot noo kong tanong. Bakit nasali naman si Xian sa usapan?

"Childhood friend natin siya pati si Dwayne. Hindi mo ba talaga matandaan?"

Siya naman ngayon ang napakunot noo pero may halo na itong inis.

Hindi ako makaimik sa sinabi niya.

Papaniwalaan ko ba ito? Hindi ko naman talaga matandaan eh. 'Tsaka sabi niya kindergarten eh sobrang bata pa namin nun. Tapos sasabihin pa niyang childhood friend din namin sila Xian at Dwayne.

Natatawa nalang ako sa pagka weird ng sinasabi niya.

Napasimangot ulit siya na mabilis na kinuha ang bag niya at may hinahanap na kung ano.

Nang makita ang hinahanap niya agad niya ring kinuha ang kamay ko at may inilagay na kung ano sa aking palad.

Isang litrato.

"Tignan mo"

Sabi niya sa akin kaya sinonod ko ito.

Litrato na may larawan ng apat na mga bata. Dalawang babae dalawang lalaki.

Itinuro niya ang isang babaeng maputi at subrang cute na magandang bata.

"Ako 'to"

Sabi niya rito napatango-tango na lamang ako dahil may pagkahawig nga sa kan'ya. Pagkatapos niya ituro ang sarili niya sa larawan sunod naman ang babaeng katabi niya.

Simple lang siya plain na bata at hmmm~.

"At ikaw naman iyan"

Sabi niya sa akin na kinabigla ko.

"Huh? Ako ba iyan?!"

Sabi ko sa kan'ya. Never ko pang nakita ang picture ko nung bata ako dahil sa madalas nga kaming lumilipat ng lugar dahil na rin sa trabaho ni Dad. Kaya hindi ko na alam kung nasaan na ang mga litrato noong bata pa ako.

"Hindi naman kapani-paniwala"

Sabi ko sa kan'ya. Paano ba naman kasi subrang ganda ng batang iyon hindi naman ako iyon eh.

"Iwan ko sa'yo. Basta malakas ang kutob ko na ikaw iyan."

Sabi niya sa akin. Hindi na lamang ako umimik.

"Ito si Dwayne hanggang pagkabata niya cute parin siya at gwapo. Iyong smiling eyes niya subrang bagay sa hulma ng mukha niya kung ngumiti"

Sabi niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang bumulong sa hangin.

"Something's fishy"

Agad naman siyang napatingin sa akin.

"Wala. Sabi ko oo nga"

Dahilan ko. Ngumiti lang naman siya at sunod namang itinuro ang isang batang lalaki, na nakasimangot habang nakahalukikip ang kamay. Halatang pinilit lang itong makisama sa picture dahil mukhang ayaw naman nitong magpa picture dahil sa hitsura nito.

"Siya naman si Xian iyong batang masungit na pilit mong kinakaibigan"

Natatawa niyang sabi sa akin na kinagulantang ko.

What! Kinaibigan ko ba itong demonyo na'to!.

"Seryoso ka ba?"

Natatawa kong tanong na hindi makapaniwala.

"Bakit hindi mo alamin?"

Nakangising sabi niya sa akin.

Matapos ang usapan namin kanina ni Farra na mag childhood friend kami bumalik agad ako sa room ko dahil tapos na ang break namin.

Hanggang ngayon kinikilabutan ako ng malaman ko kay Farra na kinaibigan ko si Xian. Maniniwala sana ako kung si Dwayne at Farra lang iyong childhood friend ko pero si Xian? No way. Nagpapatawa ba si Farra? Talagang ako pa talaga iyong nakipag kaibigan ha?.

Sa subrang lutang ng pag iisip ko hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako ng guro.

"Miss Martinez!"

Bigla akong napatayo sa upuan ko ng marinig ko ang apelyedo ko. Napatingin tuloy lahat ng mga kaklase ko maliban kay Xian na bagot na bagot sa klase.

"Yes sir"

Kinakabahan kong sabi.

"Now Miss Martinez solve this equation on the board"

Sabi nito sa akin habang ang atensyon nito ay nasa libro.

Hindi ko alam ang gagawin ko hindi naman ako nakikinig kanina. Paano ko iyan masasagutan.

Lagot mapapahiya pa ata ako nito.

Sa tagal kong nakatayo sa p'westo ko napatingin sa akin ang guro.

"I see. Halatang hindi ka nakikinig sa klase ko"

Seryoso nitong tingin sa akin subrang nakakatakot siya kung magsalita kalma lang pero subrang dark ng pagkakasabi.

Napayuko na lamang ako.

"S-sorry sir"

Paumanhin ko. Hindi siya nagsalita at tinignan na lamang ang class record.

Bigla tuloy akong kinabahan at nanlamig.

"Sorry? P'wes Miss Martinez dahil sa absent minded ka at hindi ka nakikinig sa klase ko absent ka ngayon sa klaseng ito"

Sabi nito sa akin at kinuha na ang ballpen para isulat doon sa class record.

Mukha na akong maiiyak dahil sa subrang pagka estrekto ng guro namin ngayon. Pinagbubulungan pa ako ng mga kaklase ko. Nakakahiya.

Bago pa matuloy ang gustong isulat ng guro namin may bigla nalang na tumayo sa student seat na kinabigla naming lahat dito sa loob ng room.

"Itigil mo iyan. Ako ng sasagot"

Sabi nito na may malamig na busis. Napatulala kaming lahat sa pagkabigla. Mahinahon ito pero sapat na para mapalingon kaming lahat sa kan'ya.

No way! Talaga ba?!.