×××
Tapos na ang klase namin sa gurong gustong e-absent ako kanina. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na gagawin niya iyon para sa'kin.
Dahil sa ginawa niya hindi ako na absent sa subject na iyon.
Sa subrang lutang na naman ng pag iisip ko hindi ko napansin na may lumapit na sa akin.
"Kainis naunahan ako!"
Bungad nito sa akin. Paglingon ko si Dwayne pala na dismayang-dismaya.
"Sorry Alice hindi agad ako nakatayo kanina hindi tuloy kita natulungan, kasi naman nag t-text pa ko no'ng mga oras na iyon kay Farra. Tinatago ko lang sa ilalim ng desk ko para hindi makita"
Pag e-explain nito sa akin habang nakakamot sa ulo.
"Ayos lang. Wala ka namang kasalanan tapos wag mo ng intindihin iyon, okay?"
Sabi ko sa kan'ya para hindi na ito mainis sa sarili.
"Nakakapagtaka at tinulungan ka no'ng gonggong na iyon"
Pag iiba niya ng usapan. Napa tahimik tuloy ako.
Pati nga rin ako eh. Bakit naman kaya ako tinulungan ng isang iyon?.
Pasimple kong nilingon si Xian na nakaob-ob na ngayon sa sariling desk niya at natutulog.
Kailangan ko bang pasalamatan ang isang iyon sa pagtulong niya sa akin kanina?.
"Pasalamatan mo siya pag uwian na natin"
No'ng marinig ko iyon kay Dwayne sinimangutan ko agad siya.
"Bakit ko naman gagawin iyon hindi ko naman hinihingi ang tulong niya"
Sabi ko sabay pasungit na umiwas ng tingin sa kan'ya.
Alam kong pangit ako pero may karapatan din akong magsungit 'no! Tao rin kaya ako.
Kaysa sagutin ako ni Dwayne bumunghalit lang ito ng tawa.
Naiiyak at napapahawak na nga ito sa t'yan sa katatawa nito sa sinabi ko.
"Hindi ko naisip iyon ah. Ang talino mo talaga Alice"
Natatawa paring sabi nito. Hindi ko nalang siya pinansin at hinayaan ko s'yang tumawa mag-isa.
Sige lang tumawa ka lang d'yan hanggang sa mabulunan ka sa sariling laway mo. Hmpf!...
"Alam mo Alice. Sa napapansin ko palapit na palapit kayong dalawa ni Xian. Nagseselos ako"
Seryoso na nitong sabi niya sa akin. Napa tingin tuloy ako ng 'di oras sa kan'ya.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko no'ng marinig ko iyon. Nag seselos siya?.
Hindi ako makapagsalita pakiramdam ko umiinit ang pisngi ko.
Don't tell me kinikilig ako? Well yeah! Aaminin kong crush ko naman talaga itong si Dwayne pero sekreto lang okay? Sa pangit kong 'to? Wag nalang, sayang ang kagwapuhan ni Dwayne kung mapupunta lang ito sa'kin.
Pero hindi ako makapaniwalang nagseselos siya. Argh! Puso kumalma ka ilalabas talaga kita sa lungs ko pag 'di ka tumigil kakatibok ng malakas~
Habang kinakalma ko iyong sarili ko natigilan ako ng bumunghalit muli ng tawa si Dwayne.
"Joke lang Alice para kang iwan d'yan"
Sabi niya sa akin habang natatawa. Hindi ako makaimik gusto ko siyang batukan ng malakas dahil pinag tripan niya lang ang feelings ko. Nakakaiyak.
As if naman alam niyang may crush ako sa kan'ya. Like hello!.
Bumuntong hininga na lamang ako. Hindi ako 'to. Nababaliw na 'ko.
Napahilamos na lamang ako ng mukha sabay ayos ng salamin ko sa mata at nagsalita.
"Alam ko. Ang pangit mong mag joke masyadong halata"
Sabi ko sa kan'ya habang ang atensyon nasa libro na kunwaring nagbabasa.
Napa hawak siya bigla sa dibdib niya kung saan may puso.
"Ouch! Halata ba? Sinaktan mo naman ang puso ng napaka guwapong lalaki sa mundo. 'Di bale kinilig ka naman"
Naka ngisi nitong sabi sa akin. Nakikita ko iyon sa pheriveral vission ko.
"Ano!"
Gulat kong sagot sabay lingon ng masama sa kan'ya.
Mas lalong sumilay ang ngisi ng katabi ko ng makita ang reaction ko.
Nakakainis pinag t-tripan talaga ako nito.
"Lumayas ka na nga sa harap ko nakakainis ka talaga!"
Sabi ko sa kan'ya at pinalo ko siya ng libro na hawak ko.
"Aray ko naman minsan lang mag lambing eh!"
Natatawang sabi nito sa akin habang hinihimas ang nasaktang braso.
"Layuan mo ko. Isusumbong kita kay Farra pag 'di ka tumigil"
Pang ba-black mail ko. Napakamot naman siya ng ulo at nag sorry agad.
"Huwag ka naman gan'yan Alice nag p-pogi points pa ako kay Farra eh 'wag mong bawasan"
Nakasimangot na nitong sabi. Nagpapaawa effect pa 'to sa akin.
"Ewan ko sa'yo"
Kaysa mainis ako napatawa ako ng malakas dahil sa pangingiliti sa akin ni Dwayne.
'Di bale hindi lang naman kami ni Dwayne ang maingay pati rin naman ang mga kaklase namin.
"Argh! Ang ingay! Tumahimik nga kayo!"
Nang marinig namin ang galit na galit na sigaw na iyon. Automatikong biglang tumahimik ang lahat pati mga lalaking kaklase namin tiklop sa subrang pagkatakot sa may ari ng busis na iyon.
Nabigla sila sa nangyari at paanong hindi. Eh kinikilala pa naman itong Prince ng campus.
Napabuntong hininga ito ng tumahimik na ang lahat at umob-ob na ulit ito sa desk para muling matulog.
Nagbubulungan na lamang tuloy iyong mga kaklase namin kung mag-usap dahil ayaw na ulit estorbohin ang prinsepe nila. Psh!
Napapailing nalang tuloy si Dwayne habang may ngiti sa labi.
Hindi ko maiwasang tignan siyang mabuti. Hindi ako makapanilawang naging childhood friend ko siya dati.
Alam kaya niya? Parang hindi naman dahil wala itong sinasabi sa akin. Siguro nakalimutan niya rin tulad ko. Ang tagal na naman kasi no'n at si Farra lang ata may litrato ng pagkabata namin.
Kung tanungin ko kaya ito?
"Uhm.. Dwayne"
Tawag ko sa pangalan niya. Ang hirap naman itanong. Parang pinalandakan lang ang sarili eh.
"Ano iyon?"
Sabi niya sa akin at naghintay ng susunod kong sasabihin.
"Ay wala"
Wag na nga! Ayoko maging pushy 'tsaka magkaibigan na naman din kami kaya wala ng mesmerized sa nakaraan.
"Sabihin mo nalang kaya"
Sabi niya sa akin. Umiling ako pero itong lalaking ito ang kulit kaya hindi ko nalang pinansin at nag tulog-tulugan nalang sa desk.
Uwian na namin hudyat na tapos na ang klase namin.
Habang naglalakad ako mag-isa namataan ko sila Dwayne at Farra na magkasamang naglalakad.
Hindi nila ako nakita kasi nasa likuran lang naman ako at medyo malayo ako sa kanila 'tsaka hindi lang naman kami ang naglalakad kasi meron ding ibang estudyante kaya hindi ako mapapansin ng dalawang iyon.
Pero nakaka curious kung saan papunta ang dalawang iyon. Pariho pa silang nakangiti habang nag-uusap.
Habang patuloy parin sa paglalakad at nagmamasid sa dalawa. Nabigla ako ng may agad na humigit sa akin patakbo. Muntik pa tuloy malaglag sa mata ko iyong salamin ko sa bigla niyang paghigit sa akin.
"Sandali saan mo ba 'ko daldalhin!"
Sigaw ko habang nagmamadali kami. Ay siya lang pala ako iyong nakakaladkad sa laki ng hakbang ng paa niya.
"Tumahimik ka p'wede?"
Sabi nito sa akin habang deretso ang tingin sa malayo.
Parang may sinusundan ito pag tingin ko, sila Dwayne at Farra pala ang balak sundan ng lalaking ito at isasama pa talaga niya ako ha!
"Panira ka ng date ng iba!"
Sigaw ko sa kan'ya. Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong hinigit patago habang naka hawak ang kamay nito sa bibig ko.
Nakasandal ang likod ko sa pader at siya ngayon ang nasa harapan ko.
"Tatahimik ka o hahalikan kita"
Masama at nakakamatay na tingin na sabi nito sa akin.
Kisa matakot nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hahalikan! Nagbibiro lang naman siya diba?!