PROLOGUE

Tahimik at payapa na lugar ang lugar na pinuntahan ni Alicia para makapag isip isip hindi niya talaga aakalain na sa unang tapak pa lang niya sa lugar kung saan siya pinanganak at lumaki ay sakit ng damdamin kaagad ang bubungad sa kanya.

Land of Wish ang tawag sa private resort na pinuntahan niya na hindi niya alam kung bakit pagkadinig pa lang niya ay hinila na siya kaagad papunta dito.

Pangalan pa lang ng lugar ay nagbibigay interes sa kanya para pumunta.

Nasa gitna siya ng dagat kung saan sakay siya ng balsa na nirentahan niya ng dalawang libo.

Ang tangnging dala niya lang ay ang maleta at bag niya mula pa sa Europe.Mula sa pagkakaupo sa tabi ng balsa ay tumayo siya, nagulat naman siya ng may lalakeng nasa gilid niya at para itong naggaling kung saan.

"Manong nakakagulat naman po kayo"Napahawak nalang siya sa kanyang dibdib.

"Alam mo ba kaya tinawag na Land of Wish ang dagat na ito dahil sa magkatipang humiling na sana sa pangalawang pagkakataon ay maari na silang mag ibigan ng walang hadlang."Nakatingin lang ito sa lawak ng dagat.

"Malungkot ka dahil ang iyong ina at ama ay naghiwalay na"Nagulat siya sa sinabi nito.

"Paano niyo po nalaman na hiwalay na ang mga magulang ko?"Interesado niyang tanong, hindi man lang ito kumurap o tumingin sa kanya.

"Maari kang humiling hija"Hindi niya alam kung bakit sa sinabi nito ay nanumbalik sa kanya ang senaryo ng pag aaway ng kanyang mga magulang.

"Sana sa wala nalang ako sa panahong ito, sa panahong puro sakit at hinanakit ang aking nararamdaman"Isang hiling na hindi niya alam kung paano matutupad.

Dahil kung pagbibigyan siya ng pagkakataong magkaroon ng pangalawang buhay, sana mayroon siyang masayang pamilya.

Dahil sa kagustuhang maitago ang kanyang nararamdaman ay agad siyang tumalon sa dagat.