Chapter 1

Hingal na hingal si Alicia na napabangon dahil sa pag aakalang muntikan na siyang ma lunod ngunit ang kanyang pinagtataka ay kung bakit nasa isang silid siya na ang haligi ay alam niyang gawa sa puno ng Narra.

Napahawak si Alicia sa kanyang dibdib pero kumunot ang kanyang noo ng mapansing iba ang suot niya. Naka Traje de Mestiza siya.

"Diyos ko ang binibining Alicia ay gising na "Napatingin siya sa isang ginang na nasa Fourty na ang edad.

"Nasaan ako?Sino kayo?"Tanong niya dito.Nanlalaki ang mga mata nitong napatingin sa kanya.

"Binibini ako ang inyong Taga silbi ang ngalan ko'y Nilda bakit hindi niyo ako kilala Binibini?"Dahan dahan itong lumapit sa kanya.

"H'wag kang lalapit bakit ako nandito? anong ginawa mo sa akin?Bakit ganito ang suot ko?"Napatakip ito sa bibig at maluha luhang napatingin sa kanya.

Nasa ganuon itong ayos ng makarinig siya ng mga yabag na ani mo'y nagmamadali at kasunod nuon ang pagbungad sa kanya ng isang ginang na tantya niya ay nasa Trenta anyos palang.

"Anak salamat sa diyos at ayos ka lang "Lalo lang siyang naguluhan ng makita ito.Hindi niya alam kubg nasaan siya at kung paanong parang nasa sinaunang lugar siya,nagtataka din siya kung bakit ang mga taong ito ay kilala siya.

"Pinaglololoko niyo ba ako?Sino ba kayo? Bakit ako nandito?"Sunod sunod na tanong niya.Tumayo siya at nilampasan ang dalawang babaeng naiyak na nakatingin sa kanya, naiinis siya dahil sa nakikita niya itong naiyak na nagpapagulo sa kanya.

"Anak alicia saan ka pupunta?" Sigaw nito sa kanya ngunit wala na siyang pakialam pa, hindi niya alam kung paano makaka uwi sa maynila pero napahinto siya at natulala nalang.

"Sana sa wala nalang ako sa panahong ito, sa panahong puro sakit at hinanakit ang aking nararamdaman"

Bumalik sa alaala niya ang huli niyang nabanggit sa manong na kasama niya sa balsa.

"Anak ano ba naman ang nangyayari sa'iyo bakit hindi mo kami kilala, magpahinga ka muna anak ng sa ganun ay lumakas ka"Hindi niya namalayang hawak hawak na pala siya ng babaeng nagpakilalang ina daw niya at inalalayan siya patungo sa kanyang silid.

Kahit gusto niyang alamin ang mga nangyari sa kanya ay mas minabuti niyang matulog muna, oras na ng siesta at pinapatulog muna siya ng ina daw niya kuno.

Naalimpungatan siya sa mahinang katok.

"Binibini kayo'y pinapatawag ng inyong ina para maghapunan"

"Opo susunod nalang po ako"Tugon niya dito.Sa tingin niya hindi lang isang taga silbi niya si Nilda kundi ang mayor doma dito sa mansyong ito.

Ng wala na ito ay inayos niya muna ang kanyang hinigaan at bumaba na.Naabutan niya ang kanyang ina na nasa hapagkainan at inaantay siya, umupo naman siya sa tabi nito.

Nag umpisa sila sa isang panalangin at tahimik na kumain, hindi siya sanay na hindi nagdadaldal sa harap ng pagkain peri dahil nga ang mga tao dito ay sobrang makaluma at magagalang ay rerespetuhin nalang ito.

Pagkatapos nilang kumain ay agad aiya nitong hinila papunta sa nay sala at nakangiting humarap sa kanya pagka upo pa lang nila.

"Nagagalak akong malamang kahit paano ay hindi ka na naguguluhan pa"Bahagya siyang ngumiti dito at hinawakan ang mga kamay nito.

"Ina maaari po bang magtanong?"

"Ano iyom anak?"Ngiti nitong tanong.

"Ano pong taon na?"Nagsalubong ang mga kilay nito, napatitig sa kanya at kalaunay ngumiti din

"Ika walo ng abril taong 1890" Hindi lingid sa kaalaman niya na nasa ibang panahon siya dahil sa hiling niya prro hindi niya ibaasahan sa panahon pa ng kastila siya dadalhin ng tadhana.

"Ina paumanhin po kung ganoon ang aking inasal"Malumanay itong tumingin sa kanya.

"Aking nauunawaan ang iyong inasal sa pagkat hindi lingid sa aming isipan na ika'y nawalan ng alala"Sabi nito

"Ang tangging hihilingin ko lamang sa iyo ay sana h'wag mong ipipilit na ika'y makaalala maaari naman tayong gumawa ng mga masasayang memorya kasama ang iyong ama at kuya"

Dagdag nito na nagpagaan ng kalooban niya. Ang ibig sabihin lang nuon ay hindi na niya kailangan pang magpanggap na nakakaalala pa sa ibang tao dahil alam naman na niya sila na ang uunawa sa kalagayan niya.

"Gusto ko na pong makilala ang aking ama at kuya" Hinaplos siya nito sa pisngi

"Alam kong magugulat sila pag nalaman na ika'y nawalan ng alala ngunit alam kong matutuwa sila sa pagkat hindi nanganib ang iyong buhay mula sa pagkakalunod sa Tierra De Deseo" Hindi niya alam kung anong lugsr ang tinutukoy nito ngunit alam niyang isa iyong dagat o lawa kung saan siya nalunod.

"Ina maaari ko po bang malaman kung anong dahilan kung bakit ako'y nalunod?"Gusto niyang malaman ang totoong dahilan ng pagkalunod ng totoong Alicia, hindi niya rin alam kung totoong may kinalaman ang kahilingan niya o nagkataon lang na nalunod din ang totoong alicia sa panahong ito at nagpalit sila ng kaluluwa.

"Naisin ko man na ipaalam sa'iyo ang totoong dahilan ng iyong pagkalunod ngunit iniisip ko ang iyong kalagayan ayaw kong ipilit na makaalala ka"Gusto niyang kulitin pa ito ngunit naisip niya na baka makulitan lang ito sa kanya.

"Sana ako'y iyong maunawaan Alicia"Isang bagay lang ang kaya niyang sabihin dito.

"Marami pong salamat ina "