CHAPTER 2

Maraming mga naglalakad na tao at masasayang nag uusap, ang iba naman ay sakay ng kani kanilang mga kalesa.

Makikita mo talaga ang kapayapaan sa mga lugar at kalinisan, yan ang hindi makakalimutan ni Alicia.Isang bagay na s tingin niya ay madadala niya kahit nasa kasalukuyan na siyang panahon.

Kasalukuyan siyang nasa loob ng simbahan at nananalangin, pinapanalangin niya ang ang mga mangyayari sa kanya dito sa nakaraang panahon, sana lang ay hindi na siya mangamba pa sa mga mangyayari sa kanya.Naniniwala naman siyang kahit na naguguluhan pa rin siya ay hindi naman siya pababayaan ng panginoon.

Mula sa pagkakaluhod ay umupo na siya ng maayos, hindi niya maiwasang pagmasdan ang ina niya dito, hindi niya akalaing mayroon palang inang sobrang bait kagay nito.Napayuko siya ng maalala niya ang totoo niyang mama, kamusta na kaya ito naalala niya ng malaman niya ang paghihiwalay ng mga magulang niya ay iniwan niya itong umiiyak hindi naman ito naging masama sa kanya pero pakiramdam niya wala siyang nagawa para dito.

"Alicia"Napaangat siya ng tingin sa Ina niya ng tawagin siya nito. Nag senyas ito na lumabas na sila, ng tumayo naman ito ay agad niyang sinundan.

Naalala niyang hindi siya nakapagsalita ng kahit english man lang sa harapan nito na ipinagpapasalamat niya malaki rin ang naitulong ng araw araw na pagtatagalog niya sa Europe dahil sa halos mga pilipino rin ang nakakasalamuha niya duon.

Na miss na rin niya ang pagluluto ng ibat ibang European Cuisine.Gusto niya ipagluto ang kanyang ina ng ganuong mga pagkain ngunit baka hindi pa ito na dediscover sa panahon ngayon.

"Ina"Tawag pansin niya dito.Nasa kalesa na sila at kasalukuyan itong nakatingin sa labas ng bintana.

"Ano iyon Alicia?"Nahihiya siyang tumingin dito, nag aalangan kase siyang magsabi na ipagluluto niya ito dahil sa naalala niyang wala nga pala siyang maalala.

"Naalala ko pong nakakapagluto ako ng iba't ibang potahe gusto ko sana kayo'y ipagluto"Kahit na hindi naman niya talaga alam kung marunong magluto ang totoong Alicia, lumawak ang ngiti nito.

"Nagagalak akong malamang kahit papano ay naalala mong isa sa mga bagay na mahilig mong gawin ay ang pagluluto, ikalulugod kong matikman muli ang iyo'ng luto anak"

"TIYAK akong matutuwa ang iyong kuya at ama, na kahit paano ay naalala mong isa sa iyong hilig ay iyo pa ring naalala"Sabi sa kanya ni Nilda

"Can i ask something?"Tanong niya dito.Ngunit wala siyang sagot na nakuha dito, tiningnan niya naman ito at naguguluhan itong nakatingin sa kanya.

"Binibini hindi ko maunawaan ang inyong sinasabi"Napangiwi naman siya, nakapag english nga pala siya.

"Ang ibig kong sabihin ay maaari ba akong magtanong?" Ngumiti naman ito.

"Ano iyon binibini?"

"Alam ba ng aking ama at kuya ang aking kalagayan?"Malumanay niyang tanong dito.Magluluto siya ng Adobo dahil sa tingin niya ito ang pinaka masarap na putahe sa panahon ngayon.

"Kahapon ay nagpadala ng sulat ang iyong ina patungkol sa iyong kalagayan at sa palagay ko'y alam na nila"

Nagpatuloy siya sa pagbabantay ng niluluto niya at nagpaalam naman si Nilda dahil aasikasuhin pa daw nito ang mga labahin nito.

Napapansin niya ang ibang kasambahay dito ay hindi nalapit o makatingin man lang sa kanya, kanina ngang bago sila pumunta sa simbahan ay binati niya ang mga ito pero nagulat lang ang mga ito at habang papalayo sa kanya ay bagbuulungan ang mga ito.

Isinalin na niya ang adobo sa maayos na lalagyan at inilagay sa hapag kainan, wala pa ang kanyang ina dahil nasa garden ito at nagdidilig ng mga halaman nito.

Lamabas siya para sana tawagin ang kanyang ina ngunit nakasalubong niya ang isang kasambahay na yukong yuko ng dumaan ito sa kanyang harapan ay hinawakan niya ito sa braso.

"Hindi na po mauulit seniorita"Dali dali naman niyang binitawan ito dahil sa takot na takot itong napayuko.

"Bakit takot na takot ka sa akin?"Malumanay niyang tanong dito.

"Wa-wala po"Lalo lang siyang naging interesadong alamin kung bakit takot ito sa kanya.

"Ano iyon ayaw kong ika'y magsisinungaling"May diin ngunit sa maliit na boses niya itong tinanong.

"Binibi-"

"Alicia"Napatingin naman siya sa taong tumawag sa kanya.Dali dali namang umalis ang katulong sa kanyang harapan.

Dalawang lalake itong malungkot na nakatingin sa kanya, at sa tingin niya ito ang ama at ang kuya niya sa panahong ito.

"Aking ipapaliwanag ang kalagayan ni Alicia. Federico, Franco "Biglang sumulpot ang kanyang ina at hinawakan ang kanyang braso.

Tahimik na sumunod naman sa kanila ang dalawa.Ng umupo naman sila ay nasa gitna ang kanyang ama at nasa gilid naman ang kanyang ina katabi siya, nasa harapan naman niya ang kuya niya.

"Anastasia paano nahulog ang ating anak at sa anong kadahilanan?"Tanong agad ng kanyang ama.

"Kumain na muna tayo at aking ipapaliwanag ang kanyang kalagayan mamaya"Napatingin siya sa kanyang kuya na halos paiyak na nakatingin sa kanya.

Sa suot nitong uniporme para sa kanya ay hindi kaaya ayang tingnan na may mga luha sa mata kaya naman kahit naiilang siya dito ay binigyan niya ito ng isang tipid na ngiti.

Pinangunahan ng kanyang ina ang panalangin at tahimik silang kumain.