CHAPTER 3

"Hindi ko lubusang akalain na ika'y mawawalan ng alala"Nasa hardin siya kasama ang kanyang kuya, pagkatapos kasi nitong maka usap ang ina nila ay dito na ito dumiretso.

"Sabi sa akin ni Ina ikaw daw ang nagluto ng ating tanghalian ngayon at masaya ako dahil kahit papano ay naalala mong ika'y mahilig sa pagluluto"May ngiting abot mata nitong sabi.

"Salamat kuya, umuwi kayo para sa akin"Napanguso siya ng guluhin nito ang kanyang buhok.

"Para sayo aming prinsesa"

"Ika'y sumama sa akin sa taniman ng mga gulay at bulaklak dahil alam kong matutuwa kang makita muli ang mga bulaklak"Nagliwanag naman ang kanyang mata sa sinabi nito.

Sana lang ay mga pulang rosas ang mga iyon dahil iyon ang sobra sobra niyang gusto.Hindi naman niyang mapigilan na mapayakap dito sa sobrang tuwa. Tawang tawa naman itong yumakap din sa kanya.

NAKANGITI naman niyang tiningnan ang mga rosas na nakatanim.May iilan ring taong nasa paligid nila na sa tingin niya ay mga magsasaka. Napatigil naman ang mga ito ng sila ay makita. Sumenyas ang kuya niya na lumapit ang mga ito.

"Naparito kami dahil sa magandang Balita" Nakita naman niya ang mga itong abot hanggang tainga ang ngiti.May nilabas naman na papel ang kanyang kuya mula sa pantalon nitong pang heneral.

Pero may lumapit dito na sa tingin niya ay kapwa trainee bilang heneral pagkatapon naman nitong mag usap ay tumango ito at bahagyang lumapit sa kanya."Iyon si Sixto ang aking kanang kamay, siya ang nag aasikaso sa mga tao dito, mamari kang magtanong sa kanya."Pasimple naman nitong itinuro ang isang lalakeng seryosong naglalakad papalapit sa kanila.

"Gusto kong basahin mo ito sa kanila ako ay may importante lamang na aasikasuhin"Inabot nito sa kanya ang sulat sa papel at hindi na nagpaalam.

Pilit na ngiti naman ang iginawad niya sa mga trabahador, para naman mga nakakita ng multo ang tao kaya bahagya siyang napasimangot.

Ng tingnan naman niya ang sulat ay halos hindi niya alam ang gagawin ng makitang nakasulat iyon sa lenggwaheng espanyol, at sigurado siyang i tatranslate niya pa ito para sa mga tao dito.

Hilaw siyang napangiti s mga taong halos hindi na makagalaw, nahagip ng mata niya ang kanang kamay ng kanyang kuya at may naisip siya para makatakas sa kahihiyan.

"Sixto"Tawag niya dito na papalapit sa pwesto ng mga magsasaka.Taka naman itong napatingin sa kanya,pero lumapit pa rin sa kanya.

"Basahin mo ito"Utos niya dito ngunit ang mga makakapal na kilay nito'y nagsalubong lang.

Napatingin naman siya sa paligid niya ng makitang nagbubulungan ang mga magsasaka.

"Pinapahiya nanaman niya si ginoong sixto"

"Hindi na naman niya ito tinatawag na ginoo"

Napatingin siya kay sixto na ngayon ay halos magliyab ang mga mata. Napatingin naman siya sa kamao nitong nakayukom.

"Basahin mo na ito ginoo at sa tingin ko'y isa itong magandang balita"Sabi niya pa dito.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago matapos ang nangyari sa' iyo"Sabi lang nito at iniwan siyang nakanganga.

Naguguluhan siya sa inasta nito, anong masamang ipabasa dito ang mensahe gayung ito dapat talaga ang magbasa nuon.

Napatingin siya sa matandang magsasaka at natatakot naman itong nakatingin sa kanya."Iyo pong sabihin kung ano ang aking nagawa"Hindi ito umimik kaya kahit masamang panlakihan ng mata ito ay ginawa niya.

"S-si Sixto ay hindi marunong magsulat at magbasa isa pa ito ay lagi niyo ginagawa ang pangmamahiya sa kanya"Nanlalaking mata naman siyang napatingin dito.

"Masama po ba ako bago ako mawalang ng alaala?"Tumango naman ito na nagpa habag sa kanya.Hindi niya akalain na gnaito ang sinasapit ng mga tao sa totoong Alicia.

"Sa inyong palagay nasaan nagpunta si Sixto"

"Sa Iawa ng kahilingan"Kahit hindi alam kung saang lugar iyon ay dali dali naman siyang nagtungo sa kung saan niya nakitang dumaan si sixto.

Hindi niya kayang matulog ng hindi nanghihingi ng paumanhin dito, hindi lang talaga niya alam ang wikang espanyol at akala niya'y mababasa nito iyon.

Hindi niya alam kung saan na siya basta ang ginawa niya lang ay sinundan ang direksyon kung saan niya nakita si Sixto na dumaan, may mga malalaking puno at tunog ng mga kiliglig ang naririnig niya sa patuloy niyang paglalakad ay unti unti niyang naaaninagan ang lawa.Hindi naman niya alan kung bakit sa sobrang tuwa niya ay abot hanggang mata ang mga ngiti niya habang tumatakbo papunta duon.

Umikot ikot siya ng maramdaman ang natural na simoy ng hangin, naalala niyang sa panahon niya may natural pa ring hangin ngunit mas lamang ang mga pulusyong dulot ng mga sasakyan.

Medyo tinaas niya ang saya niya at pinaglandas ang mga paa sa lawa.

"EHEM"napatingin naman siya sa tumikhim at nagulat siya ng makita si sixto na naka upo malapit sa kinatatayuan niya.

Muntikan na niyang makalimutan ang totoong pakay niya dito, Nilingon niya ito at napakunot noo siya ng makitang hindi ito nakatingin sa kanya. Napatingin naman siya sa paa niya at dali dali niyang binitawan ang saya niya ng may mapagtanto.

Bawal nga pala ni Paa na makita ng mga kalalakihan sa panahong ito.