CHAPTER 4

Napabuntong hininga siya at lumapit dito.

"Ginoo maaari ka ng tumingin sa akin"Mahinahong sabi niya dito ngunit nakalihis pa rin ang mga tingin nito.

"Hindi nararapat na makita ng isang ginoo'ng kagaya ko ang mukha ninyo binibini"Sa pangalawang pagkakataon ay napabuntomg hininga nalang siya.

"Sana ako'y iyong mapatawad sa aking inasal kanina, sadyang katulad mo ay hindi ko rin nauunawaan ang liham na iyon"Sabi niya dito kahit pa nakalihis ang mga tingin nito.Wala naman kase siyang pantakip sa kanyang mukha ksya no choice siya kundi kausapin ito na hindi ito nakatingjn.

"Ang liham ay nakasalin sa lenggwaheng espanyol at dahil ikaw ang para na ring kanang kamay ng aking kapatid kaya sayo ko naisipan na ipabasa iyon " Tumingin ito sa kanya pero hindi kagaya ng inaasahan niya ang mga tingin nito.Tinging naglilito at malungkot.

"Ang iyong paghingi ng tawad ay aking tatanggapin ngunit ang mga ginawa mo nuon ang hindi ko makakalimutan"Gusto na lang niya na makipag deal sa mga tao sa kasalukuyan kaysa maramdaman ang awa para dito na kahit hindi siya ang gumawa, dahil nasa katawan siya ng taong kapangalan niya ay parang dama niya lahat ang hinanakit na nararamdaman nito para sa kanya.

"Hindi ko alam kung ikaw ba'y totoong nawalan ng alala o nagpapanggap lamang upang ika'y makapanglinlang lamang"Masakit sa kanya na sabihan ng masasakit na salita na para bang hindi niya desered na masaktan sa mga sinasabi nito.

Dahil ang pagkakaalam niya ay isa lang siyang chef na nangangarap araw araw na makilala at ipagmalaki ng magulang niya.Hindi niya alam kung anong kasalanan ang nagawa niya para doble doble ang bumalik sa kanya.

Pero mas nasasaktan siya sa taong nasa harapan niya.Hindi niya akalaing kahit pala sa panahong ito ang mga lalaki ang may kakayahan at kapangyarihan ay naipagkakait din pala ito sa mga lalaking katulad ni Sixto. Alam niya kahit anak ng magsasaka ay may kakayahan na makapag aral at matuto ang mga lalake ngunit bakit hindi ito nakamit ni Sixto.

"Simula bukas ako na ang iyong maestra"Walang gatol niyang sabi. Iyon lang ang bagay na naisip na para magtiwala itong hindi siya masama kagaya ng pagkakakilala nito sa kanya.

"Ako ang magtuturo sa iyo nagsulat at magbasa at tuturuan na rin kita ng wikang ingles" May pag asa siyang nakita sa mga mata nito ngunti agad ding napalitan ng pagkamuhi at galit.

"Gagawin mo talaga ang lahat para makapanglinlang?"Napailing siya.Kung may idea siya sa mga pinag gagagawa ng totoong Alicia sa panahon na to baka mainis din siya sa mga laban nito sa kanya.

"Bukas kung gusto mo talagang matuto hihintayin kita dito bahala ka na kung naniniwala ka o hindi"Tinalikuran na niya ito at dire diretsong umalis duon.

Hindi siya nagtitiwala sa tao ng basta basta kaya alam niyang hindi basta bastang maniniwala sa kanya si Sixto pero hindi rin naman imposible na sumipot ito bukas.

Gusto niyang makilala pa ang lalaki dahil na cucurious siya sa idea na kahit magbasa manlang ay hindi nito alam. Naalala niya yung mga taong mahihirap na hindi nakakapagsulat at basa. Na ang tangnging pangarap lang ay ang kahit makabasa at sulat.

Para sa kanya hindi sukatan ang mataas na pinag aralan para makisama at makibagay sa mga tao ,hindi rin naman nasusukat dito ang ugaling mayroon ka.

Pagkauwi niya sa kanilang mansion ay nakita na agadcniys ang kuya niyang hindi mapakali habang pabalik balik sa may sala.

NIilapitan niya niya ito at ng dumako ang mga mata nito sa kanya ay agaran naman siya nitong niyakap.

"Ako'y lubusang nag aalala sa iyo, saan ka ba nanggaling?"Tanong nito sa kanya.Na guilty siya bigla ng makita ang mga mata nitong nag aalala.

"Akin lamang hinanap si sixto upang humingi ng tawad"Napakunot noo ito.

"Kayo lang dalawa?"Ninunotan niya rin ito ng kilay pero ng may ma realize siya ay nanalalaking mata niya itong tiningnan.

"Hindi ang iniisip mo ang ginawa namin kuya, sadyang gusto ko lang na humingi ng tawad kay sixto."Lumamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

"Sa susunod ay gusto kong may kasama ka kapag ika'y makikipag kita sa isang ginoo dahil baka anong isipin ng mga tao lalo na sa bayan ng Santo Domingo."Tumango siya at yumakap dito.Ewan niya ba feel niya yakapin ito.

"Hindi mo nabanggit sa akin na hindi marunong magbasa si Sixto"Kunot noo naman itong napatingin sa kanya.

"Bakit akin pang babanggitin iyon?"Nagtataka nitong tanong.Umalis siya sa pagkakayakap dito at napanguso.

"Siya ang papabasahin ko ng mensaheng iyong ipapaabot sa mga magsasaka ngunit siya ay masamang tumingin sa akin at umalis"

"Diba aking sinabi sayo na ikaw ang magbasa nuon para sa kanila."Inilihis niya ang tingin.Pano ba niya sasabihin dito na kaya di niya binasa kase hindi naman talaga siya maka intindi ng espanyol.

"Hindi ko maunawaan ang wikang espanyol"Kunot noo ito na kalaunan ay napabuntong hininga.

"Paumanhin aking kapatid aking nakalimutan na ika'y nawalan ng alala hayaan mo ako'y hihingi rin ng paumanhin kay Sixto ukol dito."

"Ano bang nakasaad sa mensaheng iyong pinaparating? At bakit ka nga pala umalis?"

"Tungkol iyon sa pagtaas ng sahod ng mga manggagawa at ako'y umalis dahil ako'y nakatanggap ng liham mula sa maynila na hindi ko dapat ipagpaliban dahil iyon ay lubhang importante."

"Ano bang nakasa-"

"Ika'y magpahinga na "Dali dali itong umalis sa kanyang harapan na ani mo takot sa itaranong niya.Napakamot nalang siya sa kanyang noo.