Chapter 5

Hindi tirik ang araw at tahimik, tangging ingay lang ng mga ibon.

Kanina pa si Alicia sa Lawa ng kahilingan, katulad nga ng kanyang sinabi kay sixto ay nag antay siya dito at dala dala niya ang isang pluma papel at na hiningi pa niya sa kanyang ama.

Nagpaalam pa siya dito na tuturuan niya si sixto na hindi nito kinasang ayunan pero dahil nga isa siyang dakilang mapilit at ginamit ang paglalambing niya dito ay pumayag naman ito.

Nakasuot siya ng traje de mestiza na kulay light blue at payneta. Na ilang pa nga siya ng una sa soot niya dahil mabigat pero sasanayin nalang niya ang sarili niya.

"San na ba yun"Lukot na mukha niyang sabi.Siguro ay hindi ito naniniwala sa kany,gusto lang naman niya na turuan ito.

Bumuntong hininga siya at kinuha sa gilid niya ang mga gamit na dinala niya.Mukha naamn na nag aantay lang siya sa wala sinasayang lang niys sng oras niya.

Tumayo na siya at handa ng umalis ng sumalubong sa kanya ang isang mukha."My god nakakagulat ka"Pano ba naman na hindi siya magugulat,ang lapit nito sa kanya.

Ng ma realize nito na malapit ito ay humakbang ito pabalik ba nakaharap pa rin sa kanya at namumula pa ito."Binibini pumapayag ako na ako'y iyong turuan ngunit siguraduhin mo lang na tama ang iyong mga impormasyon na ituturo sa akin"Inikutan niya ito ng mga mata.

"Ano akala mo sa akin manlilinlang?"Tinalikuran niya ito at umupo sa may puno ng kahoy na inupuan niya kanina.

"H'wag tayo dito"Sabi nito sa kanya na kina taas niya ng kilay.

"Saan naman tayo?"

"Sumunod ka nalang sa akin binibini."Tumayo naman siya para kunin ang dala niya pero inunahan na siya nito at ito na ang nagdala nuon.Napa iling nalang siya at sumunod dito.

Katahimikan ang namayani sa kanila habang naglalakad sila.Medyo napapalayo na ang nilalakad nila pero hindi nalang siya nagrereklamo dito.Ng makarating sila sa dulo ng lawa ay hindi niya maiwasang mamangha.May maliit na kubo duon.

"Wow meron pala niyan dito"Ngiti niya dito at nakangiti naman itong tumango sa kanya.Sumunod naman siya dito ng pumasok duon.

Sa loob ay may maliit na lamesa at kusina sa gilid naman ay makikita ang maliit na papag na kakasya ang isang tao.

"Dito ba tambayan mo?"Tanong niya dito pero nagtataka nanaman itong nakatingin sa kanya.

"Tambay?Ano iyon binibini"Napangiwi nalang siya.

"Dito ka namamalagi kapag ika'y walang ginagawa?"Iba niya at hindi pinandin ang tanong nito.

"Ito ang aking tahanan"Nakanganga siyang napatingin dito pero nilihis nito ang tingin at pumunta sa maliit na sala nito at umupo duon.

Hindi niya akalain na ganito pala ito ka hirap, dito pala ito nakatira at naaawa siya sa katulad nitong parang pinagkaitan ng mundo.

"Maari mo na ba akong turuan binibini?"Napakurap siya at dali daling tumabi dito.Pero napakunot siya ng bigla itong dumistansya.

"Hindi maaling dumikit ang iyong katawan sa aking katawan"Napakamot siya sa noo.

"Ang aking ituturo ay pagsusulat paano kita matuturuan kung hindi kita gagabayan?"Tanong niya dito at napa isip din naman ito.

Ipinatong niya ang pluma, papel sa lamesa at ang ink..Lumapit siya dito at lumayo nalang ito,napaangat naman siys ng tingin.

Natulala siya sa mukha nito. Hindi ito mukhang pilipino mas mukhs nga itong espanyol.Mula sa kulot nitong buhok, nakadipinang mga panga, matangos na ilong at maputlang labi ngunit babagay naman sa kulay nitong kayumanggi na sa tingin niya ay dahil sa araw araw nitong nasa taniman.

Napakurap kurap siya at dali daling lumayo dito.Hindi niya naisip na baka kung anong isipin nito sa pagtitig niys dito."Ma-mag umpisa muna tayo sa pagbabasa"Mahina niyang sabi dito.

"BA-O, Ba-so, Ba-ba-e"Basa niya sa sinulat niya sa papel na binabasa niya ngayon at susundan naman ni Sixto.

"Ikaw naman"

"Bao, baso, babae"Mabagal nitonf bigkas.

"Madali ka naman palang matuto eh, sige ulitin mo lahat."Pinabasa niya ulit ang lahat ng sinulat niya sa papel at napapalakpak siya ng ma bigkas nito iyon lahat.

"Ang galing mo naman pala rh hindi ka naman pala mahirap turuan."

"Bukas tuturuan kitang magsulat at bawal humindi"Iniba nito ang tingin.

"H'wag kang mag alala bukas maaari kang magsama ng ibang tao para hindi ka mailang at isa pa kailan mong maging propesyonal dahil ako ang iyong maestra."Sabi niya dito.

"Mauuna na ako"Tumayo na siya at handa ng umalis pero hinawakan naman nito ang braso niya na agad naman nitong inalis ng malamang mali iyon.

"Paumanhin sa aking inasal binibini ako lamang ay nais magpasalamat dahil hindi mo ako nilinlang."Nginitian niya ito at ginulo ang buhok nito, nag iba ang mukha nito pero hindi niya pinansin.

"Araw araw may nagbabago sa itsura ng isang tao diba? ganun din sa pag uugali, araw araw may nagbabago"Tinalikuran niya ito agad.Ayaw niyang maramdaman ang nararamdaman niya ng makita ang mata nitong mapungay na nakatingin sa kanya.

Saglit lamang silang nagkasama pero ang nararamdaman niya ay iba na ayaw niyang maramdaman.

Hindi niya kailangang makaramdam ng ganuon dahil hindi niya ito mundo.Hindi siya para dito at alam niyang panandalian lang ang lahat.

Kailangan na niyang gumawa ng paraan para makabalik sa panahon ng kasalukuyan bago pa magbago ang lahat.