Chapter 15

[THIRD PERSON'S POV]

Nakatulog ang ginang habang binabantayan ang pasyente na nasa hospital.

Habang natutulog ito ay hindi niya namalayan na nagising na pala ang pasyenteng inaalagaan niya.

"M-mama." tawag ng pasyente sa ginang na mahimbing na natutulog.

[SHANCAI'S POV]

Pagkatapos ng shift ko sa burger stand ay hinatid ako ni Mr. Angelo pauwi ng bahay. Hindi na Shaun ang tatawagin ko sa kanya since tapos na ang deal namin. Sir na lang o Mr. Angelo.

"Kumusta na pala ang work mo Shancai? Naging maganda ba ang kita ngayon?" tanong sa 'kin ni Mr. Angelo habang nagmamaneho.

"Opo Sir. Marami pong customer kanina. Karamihan po ay mga bata dahil sa bagong labas na kiddie meal." sagot ko sa kanya habang nakatingin sa daan.

"Good." ang naging tugon niya. "But next time ay huwag mo na ulit akong tawaging Sir. Just call me Shaun."

Napatingin naman ako kay Mr. Angelo.

I saw him smiling habang nakatingin sa daan.

"Dahil tinuturing na kitang kaibigan simula ngayon." dagdag pa niya.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa sinabi niya.

"Opo. Shaun." tugon ko sa kanya na ikinatawa naming dalawa.

Si Shaun. Hindi lang siya mabuting amo, pero isa rin siyang mabuting kaibigan. Sana ay malampasan na niya ang mga problemang kinakaharap niya ngayon.

*kriiiinnnnnnnngggggggggg!*

Bigla namang tumunog ang phone ko. May tumatawag.

***

Natasha

calling...

***

Kumunot naman ang noo ko. Bakit kaya siya napatawag? Alam naman niya siguro ang sitwasyon naming dalawa.

I answered the call.

("Shancai. I need you right now.") aniya mula sa kabilang linya.

Halatang lasing ito.

"Hello Natasha. Nasaa..."

*toot toot toot*

Hindi natuloy ang pagsasalita ko nang namatay ang tawag. Dahil do'n ay hindi ko napigilang mag-alala.

"Shaun. Huwag mo muna akong ihatid sa bahay. Dalhin mo muna ako sa Dyosa's Bar." sabi ko kay Shaun.

Alam kong nasa Dyosa's Bar ngayon si Natasha dahil do'n siya lagi pumupunta kapag may problema siya.

"Okay, but I'll be with you dahil baka mapahamak ka." tugon niya sa 'kin at lumiko siya.

***

Pagkarating naming dalawa sa Dyosa's Bar ay hinanap agad namin si Natasha. Pero hindi namin ito nahanap.

Nasaan na siya?

"Maybe nasa isa sa mga VIP rooms yung kaibigan mo." sabi sa 'kin ni Shaun.

Isa-isa naming tinignan ang mga VIP rooms hanggang sa makita namin si Natasha sa VIP Room No. 69.

"Natasha, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Nang makita ako ni Natasha ay bigla niya akong niyakap at narinig ko ang kanyang paghagulgol.

"S-shancai." naiiyak niyang sabi.

"Anong nangyari? May problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Si Mommy, gusto nang makipaghiwalay kay Daddy." sagot niya habang umiiyak.

Nalungkot naman ako dahil do'n. "Sorry to hear that Natasha." tugon ko sa kanya.

Isasantabi ko muna ang nararamdaman kong tampo sa kanya. Kailangan ni Natasha ngayon ng kaibigan.

"A-ang sakit Shancai. H-hindi ko kayang maghiwalay sila." aniya.

I comfort her.

"Sshhh! Tahan na Natasha. Siguro may dahilan ang Mommy mo kung bakit gusto niyang makipaghiwalay sa Daddy mo. Kung ano man ang mangyari. Nandito lang ako bilang kaibigan mo." sabi ko sa kanya.

Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sa 'kin sabay pahid ng luha niya gamit ang kanyang braso.

"Salamat Shancai. At sorry rin sa ginawa ko sa 'yo. Ginawa ko lang naman 'yon dahil gusto ko si Jameshin. Pero ngayon ay naka-move on na ako sa kanya." tugon niya.

"Ayos lang 'yon. Kalimutan mo na 'yon." ani ko.

Maybe I should give her a chance. Nararamdaman ko namang nagsisisi siya sa ginawa niya.

"Pero mag-iingat ka kay Jameshin. Kung ano ang nakikita mo sa kanya, hindi 'yon ang ugali niya." aniya.

Napakunot naman ang noo ko. Hindi ko naiintindihan ang sinabi niya.

"Ha?" 'yon lang ang nasabi ko.

"May balak siyang kunin ang ana..." - Natasha

"Ehem." - Shaun

Hindi natuloy ang pagsasalita niya nang biglang naubo si Shaun.

"Oh hello." ani Natasha nang makita niya si Shaun.

"Nakalimutan ko pala. Siya nga pala si Shaun..."

"Boyfriend mo? Wow! He's handsome." - Natasha

"Ah h-hindi Natasha. Boss ko siya." sagot ko.

"Oh... Ah hello Shaun. Nice to meet you." bati ni Natasha kay Shaun.

"H-hi. Nice to meet you also." tugon naman ni Shaun.

Sinamahan namin ni Shaun si Natasha na uminom.

"So what happened ba?" tanong ko kay Natasha.

"Narinig ko kasi si Mommy na nagsasawa na raw siya sa ginagawa sa kanya ni Daddy. Hindi ko alam kung ano 'yon pero gusto na raw niyang makipag-annulment kay Daddy." kwento sa 'min ni Natasha.

"It really looks like a problem. Ganyan din ang nangyari sa parents ko dati. Muntik na silang maghiwalay. Pero buti na lang ay naayos nila ang kanilang problema." narinig kong sabi ni Shaun.

"Ano ba ang ginawa ng parents mo para magkaayos sila?" tanong ni Natasha kay Shaun.

"Kailangan lang naman nila mag-usap nang maayos. Intindihin nila ang isa't isa at huwag magpadala sa galit. Maybe your Mom needs to hear your father's side para magkaroon sila ng pagkakaintindihan and to fix their problems to each other." mahabang paliwanag ni Shaun.

Nagpatuloy lang kami sa pag-inom. Na-fi-feel kong close na agad sina Shaun at Natasha dahil may sarili silang topic.

"You're right, masarap talaga ang spaghetti kapag may ketchup. Na-try ko na rin 'yan." sabi ni Shaun na lasing na lasing na.

"At ito pa, masarap din ang burger kapag may patty. At french fries kapag isawsaw sa suka." lasing ding sabi ni Natasha.

"AT MASARAP ANG FISHBALL KAPAG ISINAWSAW SA SAUCE! HAHAHAHAHAHAHA!" sabay nilang sabi at tawa.

-______- ako

Okay, sila na ang may sariling mundo. Baka isipin ng mga tao na nababaliw na ang dalawang 'to. Pero buti na lang nasa VIP room kami. Well at least ay okay na ang pakiramdam ngayon ni Natasha hindi gaya kanina.

Kanina pa ako umiinom dahil hindi naman ako pinapansin ng dalawang 'to. Inaantok na nga ako eh.

"Pero alam mo ba kung ano ang mas masarap para sa akin?" - Natasha

"What is it?" - Shaun

"Ang labi mo. Parang ang yummy." - Natasha

At nakatulog na nga ako.

- NEXT DAY -

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Kumunot ang noo ko habang dahan dahan kong minumulat ang mga mata ko.

Medyo masakit ang ulo ko.

"Good morning sleepyhead."

Napatingin ako sa nagsalita and I was surprise nang makita ko si Jameshin.

"You're awake. Pinagluto nga pala kita ng soup para mawala ang hangover mo." sabi pa niya sabay lagay ng mini table sa harapan ko na may nakahandang soup.

Wala akong maalala na nangyari kagabi. Ang natandaan ko lang ay dinalaw ako ng antok dahil sa kalasingan.

"Teka Jameshin, paano nga pala ako nakauwi?" tanong ko sa kanya.

"Well Natasha called me. She drunk called me at sinabi niyang lasing ka na raw kaya pinuntahan agad kita sa Dyosa's Bar because I was worried." sagot sa 'kin ni Jameshin.

"And then..." sabi ko.

"Then nang makarating ako sa bar ay hinanap ko agad kayo. Hanggang sa makita ko kayo sa isang VIP Room. I saw them making out and you we're lying on the sofa. Hinayaan ko silang dalawa then I take you home." kwento niya.

Ah... 'Yon pala ang nangyari.

O_____O

"Wait! Ano? Making out? Sino?" tanong ko bigla sa kanya.

"Shaun and Natasha." sagot ni Jameshin na ikinalaki ng mga mata ko.

Paano nangyari 'yon? Kahapon pa lang sila nagkakilala pero nag-make out na agad sila?

"You should eat now para mawala na ang hangover mo." sabi sa 'kin ni Jameshin.

Kakausapin ko mamaya si Shaun o Natasha tungkol sa nangyari kagabi. Pero sa ngayon ay kakainin ko muna ang hinandang soup sa akin ni Jameshin. Naaamoy ko pa lang ay masarap na.

*kriiiiiinnnnnnnngggggg!*

Habang kumakain ako ay tumunog naman ang phone ko.

***

Aling Stella

calling...

***

Sinagot ko ito.

"Hello Aling Stella?"

("Shancai, ang Mama mo. Gising na.") narinig kong sabi niya.