Chapter 16

[SHANCAI'S POV]

Papunta kami ngayon ni Jameshin kasama ang anak namin sa hospital. Hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Aling Stella. Gising na si Mama at ang saya saya ko. Dalawang buwan siyang na-coma kaya ganito ako kasaya ngayon. Sobrang na-mi-miss ko na siya.

"Malapit na tayo." narinig kong sabi ni Jameshin.

Nang makarating kami sa hospital ay agad na pinuntahan namin ang kwarto ni Mama kung saan siya naka-confine.

"Mama." naiiyak kong sabi at agad ko siyang nilapitan.

"A-anak." narinig kong tugon ni Mama.

"Salamat sa Diyos at gising ka na Mama." ang nasabi ko.

"A-anak, pasensya na sa ginawa ni Mama ha. Dahil sa akin ay napagastos ka pa dito sa pagpapagamot ko sa ospital. Kung hindi lang sana ako tumawid agad sa daanan ay hindi sana ako mababangga at maaaksidente." sabi sa 'kin ni Mama.

Hinawakan ko naman ang kamay ni Mama.

"Wala po 'yon Mama. Lahat naman ay gagawin ko para sa 'yo. Pamilya tayo eh. At isa pa, wala ka pong kasalanan sa nangyari. Wala namang may gustong maaksidente." tugon ko kay Mama.

"Salamat anak dahil nandito ka pa rin para tulungan ako. Sobrang swerte ko talaga dahil ikaw ang naging anak ko." ani Mama.

"Hindi Mama. Mas maswerte po ako dahil ikaw ang naging nanay ko. Nang mawala si Papa ay ikaw na ang tumayo bilang haligi at ilaw ng tahanan para sa akin at kay Jamieshin." sabi ko sa kanya.

Napatingin naman si Mama kay Jamieshin. "Kumusta na ang apo ko." tanong nito sa anak ko.

"Okay na okay po Lola lalo na't okay ka na po. Tapos Lola, nakilala ko na po si Daddy habang natutulog ka po." sagot ni Jamieshin.

"Talaga apo? Pogi ba siya kagaya ni Dao Ming Si?" tanong ni Mama.

"Sabi po ni Mama oo at tama nga po siya. Para nga pong hindi totoong tao si Daddy dahil sa sobrang pogi." sagot ni Jamieshin.

Pinandilatan ko naman ng mga mata ang anak ko. Eh kasi naman yung sinabi niya... Nakakahiya... Nandito pa naman si Jameshin.

"Bakit po Mama? 'Di ba ang sabi niyo po huwag po akong magsinungaling? Sinabi niyo naman po talagang pogi si Daddy ah." sabi sa 'kin ng anak ko.

"Oo nga Kirsten, at saka kitang-kita naman eh. Ikaw pa nga nagsabi na gwapo ako." sabat ni Jameshin at kinindatan pa niya ako.

"Wala akong sinabing ganyan at saka ang hangin mo. Gwapong-gwapo ka sa sarili mo kahit hindi naman." pagsisinungaling ko.

I admit na gwapo talaga siya. Kahawig niya si Mike Angelo. Yung thai actor na nasa China ngayon.

"Sigurado ka ba? Parang yung nababasa ko sa mukha mo eh kabaliktaran sa sinasabi mo." sabi niya habang nakangiti.

"At kailan ka pa naging face reader?" tanong ko sa kanya.

"Anak. Masyado naman obvious sa mukha mo na nagagwapuhan ka sa ama ni Jamieshin. At saka totoo namang gwapo siya. Pwede na siyang maging fifth member ng F4." biglang singit ni Mama.

"Okay fine, I admit na pogi siya. But it doesn't mean na na-a-attract ako sa kanya." ang pag-amin ko.

Napatingin naman si Mama kay Jameshin.

"Hello iho, alam kong kilala mo na ako. Pero ako nga pala ang Mama ni Shancai." pagpapakilala ni Mama sa sarili niya.

"It's pleasure to meet you Madame. I'm Jameshin. The father of your granddaugher, Jamieshin." pagpapakilala naman ni Jameshin.

"Naku iho. Tawagin mo na lang akong Mama since manugang naman kita. Ang gwapo mo pala sa personal." sabi ni Mama na ikinalaki ng mga mata ko.

"Mama! Hindi naman kami eh para gawin mo siyang manugang." inis kong sabi kay Mama.

"Hahaha! Hay anak. Alam ko namang sa kasal din kayo hahantong. At saka boto ako kay Jameshin para sa 'yo. Mukha namang siyang mabait." tugon ni Mama.

"Pero Mama, baka may girlfriend na po siya." ang nasabi ko bigla. 'Yon kasi ang lumabas sa bibig ko.

Doon ko na-realize na mali pala ang sinabi ko.

"A-ang ibig kong sabihin..."

"May gusto ka na ba sa akin Kirsten?" tanong sa 'kin ni Jameshin na may nakakalokong ngiti.

"H-hindi sa gano'n. Mali ang pagkakaintindi..."

"Anak, huwag ka nang mahiya kung gusto mo si Jameshin. Iniisip mo pa talagang may girlfriend ang manugang ko kaya ayaw mo siyang maging boyfriend kahit gusto mo naman. Pero teka, may girlfriend ka ba manugang ko?" ani Mama.

"I'm single Mama." sagot ni Jameshin kay Mama.

"Kung gano'n, may chance ka pala anak." sabi sa 'kin ni Mama.

"Ma, wala pa siyang feelings sa akin." naiinis kong tugon kay Mama.

And again. Mali na naman ang nasabi ko.

"Wala pa siyang feelings sa 'yo? Ibig bang sabihin nito ay may chance siya sa puso mo?" tanong sa 'kin ni Mama.

Ba't pakiramdam ko ay namumula na ako?

"Ma, kakagising niyo po palang ay ang daldal niyo na. Kailangan niyo po munang magpahinga para gumaling agad kayo." sermon ko kay Mama.

"Oo na anak, basta ship ko kayong dalawa ni Jameshin. Sana mag-sail agad." ani Mama.

Si Mama talaga.

Nang makapagpahinga na si Mama ay lumabas na kami sa kwarto niya. Naiwan naman si Jamieshin sa loob.

"Pagpasensyahan mo na si Mama. Ganyan lang talaga 'yan kapag may kasama akong lalaki." sabi ko kay Jameshin.

"It's okay. Ang cool nga niya. Boto raw siya sa akin para sa 'yo." tugon niya sa 'kin.

"Huwag mo nang intindihin ang sinabi niya. Alam naman nating imposibleng mangyari 'yon." sabi ko kay Jameshin.

"What if kung mangyari talaga ang sinabi ng Mama mo?" Napatigil naman ako sa sinabi niya.

Ba't parang may laman ang sinabi ni Jameshin?

"A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Kirsten..." tawag niya sa 'kin.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"I think I like you." dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.