Chapter 4

Now playing: The way you look at me by Christian Bautista

Tara POV

Napapakunot ang noo ko habang tinitignan 'yung babae papalayo. Parang pamilyar kasi 'yung pabango na gamit niya. Hindi ko lang matandaan kong saan ko ito unang naamoy dati.

"Type mo?" Napansin ko kasi na grabe at ang lagkit ng tingin ni Lexie doon sa babae eh.

"O-Oo eh!" Napakamot ito sa kanyang batok. "I mean, look at her! Who wouldn't fall for her? She's--- she's stunning. It's not obvious that she's from this village." Paliwanag nito sa akin bago napahinga ng malalim habang hindi pa rin inaalis ang tingin doon sa babaeng tinawag ko kanina.

Hindi man lang siya nag-thank you sa akin.

"Stunning, huh?" Napapatango na komento ko. "Para mo na rin sinabi na mas maganda pa siya kaysa sa akin na best friend mo." Kunwari na nagtatampo na dagdag ko pa.

Pero sa totoo lang. Napakaganda naman talaga ng babaeng iyon.

I mean, whoever first sees her, could be really starstruck at how beautiful she is, lalo na kapag unang beses mo pa lang siyang makita, something in her face, especially in her eyes na hinding-hindi na mabubura sa iyong isipan.

Yup! I only saw her face for a moment yesterday, but see? I remember where I first saw her and what she looked like.

Gosh! I really thought she was dead yesterday. I mean, why would she even think of sleeping everywhere? Especially with her beauty and flawless skin, what if she gets raped? Mahirap na magtiwala sa panahon ngayon, 'no? Hindi na safe! Lalo na at naka-summer dress lamang siya kahapon.

Ugh! Anyway, that's her life. Ano bang pake ko?

Ang problema ko ngayon, paano makokontak ang PI ko. Kailangan kong malaman kung ano na bang balita sa taong pinahahanap ko.

Dahil masyadong mabagal ang signal kahapon sa napuntahan namin. Hindi kami magkaintindihan kahit pa tawagan ko ito.

Haaayy. Napapahinga na lamang ako ng malalim.

---

"Lex, saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Lexie dahil kanina pa kami rito palakad-lakad, pinagtitinginan na rin kami ng ibang mga tambay at Marites sa paligid. Isa pa madilim na ang paligid.

"Naghahanap ka ng barbecue, hindi ba?" Tanong nito. Napatango ako. "Yun ang hinahanap natin kaya 'wag ka nang tanong ng tanong d'yan. Dito lang daw yun sa unahan sabi ni Tito." Walang nagawa naman na napakamot na lamang ako sa aking batok.

Narinig ko nga kanina, may sikat daw na barbecue-han rito at talagang binabalik-balikan, lalo na kapag ganitong Summer at maraming mga turista.

Hindi nagtagal ay nakarating kami ni Lexie sa tapat ng isang puting bahay. Sa harap noon ay ang sinasabi ng tito ni Lexie na bilihan ng barbecue.

Mukhang tama nga ang sinasabi nito dahil maraming mga natambay at bumibili sa kanila. Isang may katandaang babae ang nag-iihaw ng mga ito, sa kanya rin nagbabayad at siya na rin ang nababalot kapag may take-out.

Mayroon din itong binibentang kanin. May apat na plastic na lamesa ang nakahilira sa paligid, na may tig aapat na upuan ang nakapalibot sa bawat lamesa, kung saan may mga customer na nakaupo habang kumakain.

Agad na pumila si Lexie. Kumaway ito sa Aleng nag-iihaw ng barbecue na tila ba magkakilala sila. Kunot noo na napatingin ako sa kaibigan ko.

"Kilala mo?" Tanong ko. Agad na gumughit ang kakaibang ngiti sa mga labi niya. Iyon bang parang kinikilig siya bago napanguso sa may unahan.

Agad naman na sinundan ng dalawang mga mata ko kung saang direksyon siya nakanguso.

"That's her niece!" Sabi nito.

Awtomatikong napalunok ako nang sabihin iyon ni Lexie. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit tila ba hindi ko yata magawang alisin ang aking mga mata, doon sa babaeng makikita yata namin sa baryo na ito araw-araw.

I don't know her name yet. But I'm sure na sing ganda nito ang pangalan niya.

Kung hindi pa ako kinalabit ni Lexie, hindi ko pa mamamalayan na nasa harap na pala kami ng ihawan. At sumakto rin na wala ng mga karne na dapat na iihawin.

"Hello po." Parang feeling close na pagbati ni Lexie sa Aleng nagtitinda.

"Ang gaganda niyo namang mga bata kayo. Ikaw ba ang pamangkin ni Berto?" Napatango si Lexie.

"Oho! Ako nga ho!" Masayang pinakilala rin ako nito sa Ale na ang pangalan ay Nora. Pagkatapos ay nakisuyo ito sandali sa akin na lumapit sa sinasabi nitong pamangkin niya na si Blake, para kumuha ng mga natuhog ng barbecue na iihawin.

Habang sila naman ni Lexie ay nagpatuloy lamang sa pagkukwentuhan. Mabuti na lang at hindi na masyadong mahaba ang pila.

Nang makarating ako sa tapat ni Blake, ay hindi kaagad ako nito napansin. I tried to call her name pero bigo pa rin ako, saka ko lamang napansin na may nakasuot pa lang earpods sa magkabilaan nitong tenga. Kaya naman no choice ako kundi ikampay ang dalawang kamay ko sa harap niya at inabot ang kabilang earpods nito sa tenga, bago iyon marahan na tinaggal.

Mabilis na tinanggal naman nito ang nakasukbit sa kabila niyang tenga. Habang gulat na gulat ang mga matang napapatitig sa aking mukha. Ako naman ay sinalubong ko siya ng mga ngiti ko.

At bago pa man ako hypnotise ng mga mata niyang napakagandang pagmasdan, ay napaiwas na ako ng tingin.

"Hi." Parang tanga na pagkaway ko sa kanya ngunit sa ibang direksyon naman nakatingin. Napatikhim muna ako bago muling ibinalik ang aking mga mata sa kanyang mukha.

What the hell is wrong with me? Why am I so nervous in front of this woman?

Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan eh hindi niya inaalis ang mga mata niya sa mukha ko. Gosh! Tutunawin ba niya ako gamit ang pagtitig niya?

"Hi." Pangalawang 'hi' ko na.

Ano ba Kristala! Umayos ka! Saway ko sa aking sarili.

"S-Sorry, I have to remove your earpod so you can hear me." Paliwanag ko. "Pwede ba akong patuhog?" Dire-diretso na tanong ko sa kanya. Napansin ko na nanlalamig na rin ang mga palad ko.

Damn it!

Awtomatiko naman na namula ang mukha nito ngunit may kung anong nakakalokong ngiti ang gumuhit sa labi niya pagkatapos.

"S-Sorry? Gusto mong...gusto mong tuhugin kita?"

"No! Sorry for the word." Mabilis na putol ko sa kanya habang lihim na napapatampal sa aking noo. Noon lamang kasi nag-sink in sa aking isipan ang sinabi ko. "I mean, w-wala na kasing maihaw na barbecue." Sabay turo ko sa iniihaw ng Auntie niya.

Agad naman na napakagat ito sa ibabang parte ng kanyang labi, halatang pinipigilang matawa.

Napanganga naman ako in disbelief.

I knew it!

She wouldn't react like this if she wasn't gay. Am I correct?

"I didn't mean to say that. I mean---"

"It's okay." Putol nito sa akin habang iniaabot ang mga stick ng barbeque na iihawin. But still, ganoon pa rin ang reaction ng mukha niya na para bang nakarinig ng musika na gustong-gusto niyang marinig.

Ang pervert lang ng dating. Tss! Pasalamat siya at maganda siya.

Well, sabi nga nila, looks can be deceiving.

Magsasalita pa sana akong muli nang lumapit na sa aming dalawa si Lexie na halatang kilig na kilig nang malapitan si Blake. Noon naman ako tumalikod na para dalhin ang iihawin na barbeque kay Aleng Nora.

"Hi, Blake!" Masiglang pagbati sa kanya ng best friend ko.

Blake.

Hindi ko alam pero may kung ano sa pangalan niya na tatatak na rin yata sa isipan ko, tulad na lang ng pagmarka ng kanyang mukha sa akin.

I'm not into girls but the memory of that stranger woman I slept with that night, 11 months ago, comes back to my mind again.

And all of that was just because of the woman named, Blake.

Napasulyap akong muli sa kanya at sa best friend ko, pero mabilis rin akong nagbawi muli ng aking mga mata nang mahuli ko itong nakatitig pa rin pala sa akin kahit na nasa harapan na nito si Lexie.

The stare that burns my skin.

Agad akong napalunok at pinagpawisan ng malamig. Hindi ko rin mapigilan ang mapahaplos sa aking tiyan, dahil nararamdaman ko ang kakaibang kiliti mula rito. Lalo na noong kusang gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

Iyong ngiti na para bang ibang may ibig sabihin.