Chapter 5

Now playing: Isa lang by Arthur Nery

Tala POV

Pagkatapos naming mananghalian ni Lexie ay agad na naglakad na kami. Hindi ko mapigilan ang hindi ma-excite dahil finally, makakapag-ilog na rin kami.

Hindi ko na talaga kinakaya dahil kating-kati na akong mag-explore sa buong baryo na ito at puntahan lahat ng mga magagandang lugar na madalas nilang ikwento sa amin.

Hinatid kami ng Tito ni Lexie, kinailangan naming maglakad ng ten to twenty minutes makarating lamang sa pinakamalapit na ilog. Dahil baka raw gabihin kami kung sasadyain pa namin ang pinakamalaking ilog na meron dito.

Paano kasi hindi kami hahapunin eh tanghali na nagising si Lexie. Hmp!

Papalapit pa lamang kami sa ilog ay maririnig na ang agos ng tubig mula rito. Mas lalo naman na naging malawak ang ngiti ko nang tuluyan naming marating ito. Pagdating namin doon ay agad na nagpaalam na rin si Tito Berto, ang tiyuhin ni Lexie dahil siya raw ay may mga gagawin pa.

"So, paano ba 'yan? Makakaligo na rin tayo ng ilog---" Natigilan ako nang makita ko si Lexie na namumutla bago naupo sa ibabaw ng isang bato.

"O-Okay ka lang ba? You look so pale, Lex." Mabagal na napatango ito.

"Masama kasi talaga nag pakiramdam ko kanina pa---aray ko naman!" Bigla ko kasi itong napalo sa balikat niya.

"Nakakainis ka kasi! Sana sinabi mo kanina pa na masama pala ang pakiramdam mo." Pagkatapos ay inis at nag-aalala na tinalikuran ko na ito.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito sa akin.

"Uuwi." Sagot ko. "Kaysa naman sa kung mapano ka pa rito---"

"Baliw ka ba?" Putol nito sa akin. At ako pa talaga ang baliw ngayon ha?

"Ako lang ang uuwi. Mag-stay ka na dito kaya ko naman eh. Hindi ko lang talaga kayang lumublob sa tubig, o kung gusto mo hihintayin na lang kita na matapos sa pagligo." Dagdag pa niya.

Napahinga ako ng malalim at hindi kumibo. "Swear, I'm fine, Tala." Pagbibigay nito ng assurance. "Ngayon ka lang napunta sa lugar na ito kaya dapat lang na sulitin mo." Dagdag nitong muli.

"O-Okay."

"Wag kang mag-alala, safe dito at walang masasamang tao." Grabe! Sigurado ba talaga siya?

"Sure kang kaya mo talaga?" Tanong ko sa kanyang muli. Gusto ko lang din masigurado kung ayos lang ba talaga siyang maglalakad pauwi at mag-isa.

"Don't worry." Sagot niya.

Hindi nagtagal nga ay mag-isa na lang akong naiwan sa ilog. Napahinga ako ng malalim. Mukhang safe naman at isa pa ang sarap lang sa pakiramdam 'yung katahimikan, at wala akong ibang naririnig kundi ang pasgaspas ng mga dahon lamang, pati na rin ang pag agos ng tubig.

Naglakad pa ako sa may unahan hanggang sa marating ko ang may kalaliman na parte ng ilog.

Nagpapalinga-linga ako sa paligid.

Safe bang maghubad dito? Tanong ko sa sarili.

Hays! Bahala na nga. Mukhang safe naman eh! Kaya naman agad na nagbuhad ako ng saplot ko, hanggang sa wala ng ibang naiwan na kahit ano sa katawan ko. As in wala!

Pagkatapos ay agad na nag-dive sa malalim at malamig na tubig.

Ngunit noong sandaling napaahon na ang aking ulo mula sa ilalim ng tubig, ay siya rin namang pag-ahon ng mukha ng isang magandang dyosa sa harapan ko mula rin sa malalim na tubig.

Hindi ko mapigilan ang mapatili at ang mapasigaw, ganoon din siya dahil sa nagkagulatan kaming dalawa.

"What are you doing here?!" Singhal ko sa kanya.

"What are YOU doing here?" Ganting tanong nito sa akin. "Kanina pa ako rito!" Dagdag pa niya habang nakakunot ang noo at hindi inaalis ang mga mata sa akin.

Habang ako naman ay tila ba biglang napaisip, parang narinig ko na rin kasi 'yung boses niya eh. Masyadong pamilyar. Una iyong perfume niya, ngayon naman 'yung boses niya. Ngunit mabilis at agad ko itong iwinaksi sa aking isipan at taas noo na muling ibinalik ang mga mata sa kanya.

"So? Pagmamay-ari mo ba ang ilog na ito?" Sarcastic na tanong ko sa kanya ngunit napangisi lamang ito.

Habang tahimik na nakatitig lamang sa aking mukha. Iyong titig na nakakailang pero masarap sa pakiramdam.

Ang ganda! Wala akong ibang masabi kundi ang ganda-ganda niya.

Noon ko lamang din napagmasdan ang kanyang mukha ng ganitong malapitan, matitigan siya ng ganito kalapit sa aking paningin. Ang kinis ng kutis niya na para bang hindi man lamang kilala ng pisngi nito ang sinasabing tigyawat. May konti siyang eyebag pero hindi naman iyon nakabawas sa taglay nitong kagandahan. Ang perfect din ng shape ng lips niya at ang tangos tangos ng ilong niya. Hindi halata na lumaki siya sa ganitong klase ng lugar, or should I say na isa rin siyang dayo kagaya ko? Hindi ko rin alam.

At higit sa lahat, her eyes. Damn! Her natural ocean blue eyes. Hindi na rin ako magtataka pa kung bakit medyo makulimlim ngayong araw, maybe because all the blue from the sky is in her eyes.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapalunok.

"Y-Your eyes." Hindi ko napigilan na hindi bigkasin. Muling napakunot ang noo niya. Katulad ko ay hindi pa rin magawa nitong alisin ang kanyang mga mata sa akin.

"What about my eyes?" Naguguluhan na tanong niya.

"Stole all my words away." Hindi ko iyon sinasadya. But her eyes seemed to be hypnotizing me.

Awtomatiko naman na namula ang mukha nito, ganoon din ako. Napakagat siya sa kanyang labi, halatang pinipigilan ang mapangiti.

"If my eyes stole all your words away..." This time siya na naman ang napalunok. "can I steal you from the future then?" Cool na dagdag pa niya dahilan upang maguluhan ako.

"H-Ha?" Hindi ko ba talaga siya gets o ayaw ko lang maging feeler? I don't know.

"I just want to make sure you end up with me." Ngunit tila ba nabingi ako sa sumunod na niyang sinabi.

"W-WHAT?!" Gulat na tanong ko sa kanya ngunit huli na dahil nakaalis na ito sa harap ko at paahon na ng tubig.

Susundan ko pa sana ito ng aking mga mata, pero mabilis din akong napatalikod agad dahil katulad ko, wala rin pala itong kasaplot-salot sa katawan.

"A-Alis ka na ba?" Biglang kinabahan na tanong ko. Kasi kung nandito na siya kanina pa, posible na may ibang tao pa na dumating kapag nakaalis na siya at mag-isa na lang ako rito.

"What kind of question is that? Is that another way to say, 'please stay with me for a while? 'Cause am scared to be alone here." Napatirik ang mga mata ko.

"Oh, shut up!" Saway ko sa kanya. "Umalis ka na lang kung gusto mo." Sabi ko pa at nananatili pa ring nakatalikod.

"Okay, if you say so." Napapikit ako ng mariin.

Alam ko namang hindi kami close pero...talaga bang iiwanan niya ako rito?

Dahil doon ay walang nagawa na mabilis akong napaharap sa kanya. Ngunit agad din akong napamura nang makita ko itong ubot hubad pa rin, at prenting nakaupo lamang sa ibabaw ng bato kung saan banda ang mga hinubad niyang damit.

Mabilis na muli akong napatalikod.

"Won't you cover your body?!" Inis na saway ko sa kanya.

Naiinis ako kasi kapag nakakakita ako ng katawan ng ibang babae, 'yung gabing iyon kasama ang isang estrangherong babae ang bumabalik sa aking isipan. At wala akong ibang magawa kundi ma-miss ang moment na iyon.

Damn it!

"What if someone else sees you?" Dagdag ko pa. Ngunit narinig ko lamang itong napatawa ng mahina.

"There is no one else here but us. And no one else will try to come here. Because this river Ms. is private property. And this property is owned by our family." Paliwanag nito sa akin bago ito muling nag-dive.

Gosh!

Hindi ko mapigilan ang hindi mapasulyap sa kanyang katawan. Nagwowork-out ba siya?

"I-Ibig mong sabihin hindi pwedeng pumasok dito ang kahit na sino?" Tanong ko sa kanya at pagkukumpirma nang muling umahon ang kanyang ulo mula sa tubig.

"Yup!" Sagot nito. Noon ko naman naalala na mayroon nga palang guard post kaming nadaanan kanina, habang kinausap naman ng Tito ni Lexie ang on duty na guard na naroon.

Okay, now it makes sense. Napapatango na sabi ko sa aking sarili.

"Oo nga pala, may sunburn ka ba?" Tanong nito habang may nakakalokong mga tingin.

Sunburn? At paano naman ako magkaka-sunburn?

"Wala. Bakit?"

"Oh, so you just always this hot, huh?" Saad niya na mas lalong nagpakamatis sa itsura ko dahil may kasamang pagkindat pa. Parang milyon-milyong paru-paro tuloy ang nagliliparan ngayon sa sikmura ko.

Ganito ba talaga siya makipag-usap sa hindi niya kakilala? O ganito talaga siya sa lahat? Tss!

"Nasaan nga pala si Lexie? Bakit hindi mo kasama?" Tanong nito, pag-iiba na rin ng usapan. Kaya naman napangiti na ako.

"Miss mo?" Tuyo ko. Napairap naman ito. "Duh! 'Di kami talo." Depensa naman niya agad at muling pumailalim sa tubig. Kaya sinundan ko siya. Wala naman sigurong masama kung makikita ko ang private parts niya, hindi ba?

I mean, yes she's gay pero parehas naman kaming babae. At isa pa, straight ako.

Noong muling pumaibabaw ito sa tubig ay siya rin namang paglapit ko sa kanya. Magpapaka-feeling close na ako. Hangga't may lakas ng loob akong makipagkilala ngayon.

Napansin ko na napapalunok ito ng mariin habang napapahinga ng malalim bago napaiwas ng tingin sa aking mukha.

"Tala." Pagpapakilala ko sa kanya ngunit tinignan lamang ako nito sa aking mukha. Iyong tingin na para bang gusto nito akong lapain kaya napaiwas ako ng tingin.

"Hey, are you okay?" Basta na lamang kasi itong umahon sa tubig at isa-isang dinampot ang kanyang damit para muling suotin.

Hindi na rin ako bother pa na makita ang katawan niya total proud naman siyang ipagmalaki ito sa harap ko.

"I'm not." Tipid at masungit na sagot niya.

"Why? What happened---"

"Hindi ka pa ba uuwi? Magdidilim na oh!" Putol nito sa akin sa may mataas na tono ng boses.

Napahinga na lamang ako ng malalim bago tuluyang umahon na rin sa tubig. Hindi ko pa na-e-enjoy eh! Pinapauwi na niya ako. Tss!

"Ba't ba ang sungit mo, BLAKE?" Tanong ko at bigay diin sa kanyang pangalan habang naglalakad patungo sa mga hinubad kong damit.

Hindi ito kumibo at halatang tapos na sa kanyang pagbibihis.

"Kahit naman sabihin ko, wala ka rin namang magagawa." Sagot niya habang naglalakad na ngayon para makaalis na, which is dadaan siya sa gilid ko. Hindi man lamang ba talaga niya ako hihintayin?

Saktong nakalapit na siya sa akin nang mabilis ko siyang mahawakan sa laylaysan ng kanyang suot na t-shirt, dahil bigla itong nadulas mula sa kanyang naapakang bato. But too bad dahil kapwa pa rin kami nadulas at bumagsak sa batuhan. Mabuti na lang at hindi nabagok ang aking ulo. Ako kasi ang pumailalim sa aming dalawa.

"Fuck!" Rinig kong pagmura nito.

Noon naman na-realized ko na wala pa nga pala akong saplot at ang kanyang mukha ngayon ay nakasubsob sa dalawang hinaharap ko. Awtomatiko na naramdaman ko ang pang-iinit ng aking buong mukha.

"Get dress now, Ms. Author. Habang kaya ko pang magtimpi." Pagkatapos ay walang sabi na tumayo na ito at basta na lamang akong tinalikuran. Hindi na rin siya nag-abala pang tulungan ako.

But wait...

Tama ba ang dinig kong tinawag niya akong Author? And how did she know that I was an Author?

Oh, well. Maybe isa siya sa mga reader ko, right?