Nasa Silverio ako ngayon, using a private jet ay sinundo ako ni prinsipe Kai. Mamimigay kami ng invitations sa mga royalties dito.
"Iha, wag mong masyadong pagurin ang sarili mo, hayaan mong si Kai ang mapagod," Tumatawang wika ng reyna.
Ngumiti ako sa kanya,
"Hindi naman po maaaring ganoon," sagot ko dito.
Saglit lamang kaming nanatili sa kanilang mansyon at namahagi na ng invitations. Mababait naman ang royalties sa Silverio, o marahil ay nagpapakabait lamang sa amin.
"You're really pretty, ang swerte ni Kai," sambit ng pinsan ni Kai na si Shawn.
"Hindi naman," nahihiyang sagot ko.
Wala sa tabi ko si Kai dahil busy ito pakikipag-usap sa tiya at tiyo nito. Si Shawn ang pansamantalang nakikipag-usp sa'kin habang hinihintay ko si Kai.
"Ang balita ko ay tinanggihan ng pamilya mo ang prinsipe ng Koreem."
Lumingon ako sa kanya at nakitang nakangisi siya sa akin. Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na sinabi niya.
"I don't know that, but when it comes to royal wedding ang royal court ang nasusunod sa Alteria."
Tumango tango siya sa sinabi ko. Well it's true, they think being a princess is a privilege but the truth is it's a big responsibility. You have to marry a prince, you can not choose, you have to accept whoever they want.
"It must be suffocating."
"Yeah, but it's tradition alam mo naman diba? To avoid war marriage is their solution."
Ngumiti ako sa kanya at gan'on din siya sa'kin. He patted my head like a little kid.
"Veronika."
Napalingon ako kay Kai na nasa harapan na namin, hindi ko siya namalayang lumapit. His serious face and voice almost made me tremble. It's the first time he called my name.
"Aalis na ba tayo?" tanong ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin at lumingon lang siya kay Shawn at tumango dito.
He grabbed my wrist and walk fast, halos makaladkad niya na ako at mahigpit ang hawak niya sa'kin. Binuksan niya ang sasakyan at halos itapon ako sa loob non.
"Ahh..." daing ko sa pagkakasalampak ko.
Padabog niyang sinara ang pintuan at nagtungo sa driver seat.
Nagmamadali akong nagseatbelt ng patakbuhin niya ng napakabilis ang kotse. Hindi ko alam kung anong problema niya, pero nakakasakit talaga siya.
Nakarating kami sa mansyon ng mga Calderon at iniwan niya na ako sa sasakyan. Wala akong nagawa kundi ang mag-isang magtungo sa silid na tinutuluyan ko. Deserve ko ba ang ginagawa niya sa'kin? Tumulo ang luha ko, hindi ko naranasan ang ganitong pagtrato ng kahit sino man, siya pa lang.
Bumukas ang pintuan ng silid kung nasaan ako kaya naman agad kong pinunasan ang mga luha ko. Pumasok si prinsipe Kai, tumingin ito sa akin bago naglakad papalapit. Hindi ako makalingon sa kanya, ayokong makita niya ang mga luha ko.
"Anong kailangan mo?" tanong ko.
Hindi niya ako sinagot at umupo nalang sa tabi ko. Nakaupo ako sa kama. Hinarap niya ako sa kanya at nakakunot ang noo na pinahid ang gilid ng mata ko. Basa pa iyon.
Tinignan niya ang palapulsuhan ko at napansin ang pamumula non.
"Shit." I heard him cursed.
Nanlaki ang mata ko ng halikan niya ang parte na namumula, it's like a magic nawala ang hapding nararamdaman ko doon.
Muli niyang tinignan ang mga mata ko, nagulat ako ng ilapit niya ang mukha niya sa'kin at halikan ang gilid ng mga mata ko. Mula sa kanan at lumipat sa kaliwa.
Akala ko ay lalayo na siya ngunit lumipat ang mga labi niya sa labi ko. Marahang halik ang ginawad niya sa akin. Mabagal ang mga galaw at ninanamnam. Di ko maiwang hindi tugunin ang halik niya.
Bigla siyang tumigil at humiwalay sa'kin.
"Playgirl." sambit niya bago ako tuluyang iniwan sa siilid.