"Princess Veronika Velasquez!"
Wearing my above the knee dress I slowly walked down the stairs. Sa ibaba ng hagdan ay naghihintay sa akin si Kai na nakangiti. Everyone is clapping their hands elegantly. Nang makarating ako sa harapan ni Kai ay bahagya s'yang yumukod at nilahad sa'kin ang kanyang kamay. Inabot ko iyon ng nakangiti at sabay kaming naglakad patungo sa harapan ng lahat.
"Good evening everyone," panimula ni Kai.
"First of all, thank you, thank you for coming her to witness our engagement, I hope all of you are present to our wedding too!"
Nagpalakpakan ang lahat bago nagsimula na muling magparty. They are interacting with each other. Kadalasan naman ay tungkol sa kanilang mga kaharian.
"Stunning, sayang sa akin ka dapat."
Nagulat ako ng may lalaking lumapit sa akin at sinabi iyon. Nararamdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Kai sa bewang ko.
"Sorry but she's mine now." matigas na wika ni Kai.
"You never know, hindi pa kayo kasal," wika ng lalaki bago kami tinalikuran at humalakhak ng malakas, nakuha niya ang atensyon ng marami pero balewala lang ito sa kanya.
"What happened?" Tanong ni Karina.
"I don't know?" Hindi ko siguradong sagot dahil hindi ko naman talaga alam, hindi ko rin naman kilala ang lalaking iyon.
"Don't mind him," sambit ni Kai.
Tumango na lang ako pero nagsalita pa si Karina ng bagay na ipinagpakaba ko.
"I don't think hindi natin ipagsawalang bahala ang isang iyon, I heard from dad na pinipilit niya paring makipagkasundo sa Alteria para makuha ka Veronika."
"As if I'll let him have his way," seryosong wika ni Kai.
Hindi ko alam pero iba ang kabang nararamdaman ko sa lalaking iyon. Ang kaharian ng Koreem ay kilala sa pagiging maraming asawa ng hari at prinsipe. Hindi namin sila kaalyado ngunit hindi mo masasabing kaaway, ang Koreem ay independente hindi sila nakikipag alyado sa kahit sinong kaharian.
Natapos na ang party at nakahiga na ako sa aking kama ngunit ang puso ko ay hindi mawala ang kaba.
Kinabukasan ay sa hapag pa lamang ay nagtanong na ako sa aking ama.
"Dad is it true about Koreem?"
"Don't worry about that Veronika, the royal court won't agree with them, just focus on Kai."
Gumaan ang pakiramdam ko ng sabihin iyon ng aking amang hari. Alam kong hindi magiging maganda ang buhay ko kung sakali ng matagumpay nga na makuha ako ng prinsipe ng Koreem.
Lumipas ang isang buwan at hindi inaasahag pangyayari ang gumimbal sa buong Altria, at tila nagpaguho ng mundo ko. Isang umaga habang kumakain kami ng almusal ay bigla na lamang akong naduwal ng maamoy ko ang pritong isda, matapos kong sumuka ay nawalan ako nang malay at nagising na lamang ako sa royal clinic.
"The crown princess is pregnant," malungkot na pagbabalita ng royal doctor.
Nanigas ang katawan ko at nagsimula nang bumaha ang mga luha ko. Why? bakit kailangang mangyari pa ito. Papaano ko maipapaliwanag ito.
Nakita ko ang aking ama at ina na nakatulala lamang sa akin, hindi sila makapaniwala at kitang kita ko ang sakit sa kanilang mga mata.
"Veronika, how... How could you?" mapait na tanong ng aking ina.