Humahagulhol sa silid ko si Karina. Sumugod agad siya dito ng malaman niya ang nangyari.
"Ito na nga ba ang kinakatakot ko Veronika!"
Walang patid ang kanyang mga luha.
"Paano na? Alam mo ang magiging desisyon ng royal Court, siguradong matatanggap ka bilang royal princess, paano na lamang kayo ng magiging anak mo?"
Tama si Karina maaaring ipatapon ako sa mga pangkaraniwang tao, ayos lamang iyon ngunit ang tanong ay kung kakayanin ko ba? Papaano ang magiging anak ko, na damay pa siya sa aking pagkakamali.
Natigil si Karina sa pag-iyak ng makarinig kami nang kaguluhan sa baba. Agad kaming tumayo at nagmamadali ng bumaba.
Si Kai sa harap ng aking magulang.
"Baka naman kaya niyo pong gawan ng paraan, pakiusap."
Hindi ko inaasahan iyon, sa pakikitungo niya sa'kin ay hindi ko inaasahag pupunta siya dito at makikiusap.
"Wala akong magagawa sa bagay na iyan, kahit gaano ko ka gustong iligtas si Veronika, royal court ang masusunod," sagot ng aking ama.
Napahawak sa ulo niya si Kai at wala sa sariling ginulo ang kanyang buhok.
"Is there anything that I can do?" tanong niya.
Umiling ang aking ama,
"Hindi maaaring makialam ang kahit na sinong kaharian sa usaping ito."
Kitang kita ko kung paano parang nahihirapan si Kai.
"Even if it's mine?"
Nanlaki ang mata ng aking ama.
"Anong sabi mo?"
"It's mine," seryosong sagot ni Kai sa aking ama.
Napailing ang aking ama at tila hindi ito naniniwala.
"Do you think royal court will believe you? They will think na sinusubukan mo lang iligtas si Veronika," paliwanag ng aking ama.
Tama naman ang ama ko hindi basta basta maniniwala ang royal court. Nanlumo ako at nawalan na ng pag-asa. Wala na akong magagawa kundi tanggapin ang kaparusahan sa ginawa kong pagkakamali.
Iisang linggo ang nakalipas ay pinata wag na ako sa royal court, saksi ang lahat ng royalties at pamilya ko sa magiging hatol sa akin.
Sa unahan ay naroroon ang limang miyembro ng royal court at ang hari at reyna. Kitang kita ko ang mga luhang pinipilit punasan ng aking inang reyna. Patawad ina, dinungisan ko ang pangalan natin, patawarin niyo sana ako.
Tumayo na ang pinuno ng royal court hawak ang isang papel nalalaman ng aking kaparusahan.
"Ang royal court ay nagkasundo sa iisang desisyon, si Veronika Velasquez na nagkasala at hindi sumunod sa tradisyon at batas ng Alteria ay tinatanggalan ng korona bilang prinsesa at palalayasin sa mansyon ng mga Velasquez. Veronika ikaw ay maninirahan kasama ng mga pangkariwang tao, walang sino man mula sa iyong pamilya ang maaaring tumulong sa iyo."
Para akong dinudurog ng marinig ko ang hagulhol ng aking ina, labis na sakit ang nakikita ko sa kan'ya alam kong nahihirapan sila ni ama dahil wala silang magawa para sa akin. Kitang kita ko rin ang pagluha ng aking mga tiya at pinsan.
Sa isang gabing kalayaan na hinayaan ko ang sarili kong maging marupok ay ito ang naging kapalit.
Lumapit na sa akin ang mga royal guards at inalalayan ako palabas. Pagkalabas ay sumakay kami sa isang van. Matapos ang mahaba ng byahe ay nakarating kami sa isang liblib na lugar sa Alteria. Bumaba na kami at bumungad sa'kin ang isang maliit na kubo na marahil ay kung saan ako maninirahan.
Naririnig ko ang mga mamamayat na nag-uusap tungkol sa akin.
"Yan na ba an prinsesa? Sayang lamang at inuna niya pa ang kalandian."
"Tama napakaamo ng mukha ngunit malandi naman pala."
Hindi ko magawa ng ipagtangol ang sarili ko sa kanila, dahil kasalanan ko rin naman kung bakit ganoon ang tingin nila sa akin.
Umalis na ang royal guards at naiwan ako sa loob ng kubo kung saan kahit maliwanag naman ang ilaw ay pakiramdam ko ay napakadilim.