Chapter 14
Oh, my holy cow!
Napasinghap ako at napatakip ng bibig nang makarating kami sa secret tower.
Nasa entrance palang ay naramdaman ko na ang lamig. Ang buong lugar ay may mga ulap na kumakalat. Nang lingunin ko si Donovan, nakita kong nakangiti siya habang pinagmamasdan ako.
"Is this even real?"
Outside is a sea of cloud. Nasa mataas na parte kami ng kastilyo, singtaas na ata ng bundok para maabot namin ang karagatan ng ulap.
I bend over a little para maabot ang ulap. I didn't really feel like anything, just a little moist. Of course, clouds are actually composed of vaporized water.
"Here's the best part." Hinawakan ako ni Donovan sa magkabilang braso para igiyang tumayo muli at iniharap sa kanang bahagi.
Hinawakan niya ako sa bewang at hinatak palapit sa isang mataas na gate. Mas lalong napapalapit kami sa gate, mas maraming ulap ang nagkalat. Palapit ng palapit, mas napupunta kami sa makakapal na mga ulap na halos hindi ko na makita ang sahig na nilalakaran namin.
Napahawak ako sa braso ni Donovan. Napapa-overthink ako na baka mamaya may hole tapos hindi ko alam tapos mahulog ako.
"Are you ready to see the prophecy?"
Sa kabila ng overwhelming na nararamdaman ko dahil sa kagandahan ng kapaligiran, kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What prophecy? Parang wala naman akong naaalala na may ganoon sa book. Or baka meron talaga pero hindi ko alam kasi hindi ko naman natapos basahin ang libro?
Hinaplos niya ang diamond na nakaukit dragon na nakadikit sa magarbong gate. Ilang segundo ay biglang bumukas ang napakataas na gate at dahang-dahang sumilay ang mas makapigil-hiningang tanawin.
"Where the eff is this world?" bulong ko sa sarili habang nakatulala sa isang literal na makapagil hiningang tanawin.
The sky outside is color pink with a touch of violet mixed. There are also stars scattering around that look like diamonds.
Hindi ko ma-imagine kung paanong nagsama-sama ang buong phases ng moon sa kalangitan nang magkakasabay-sabay. Tumambad sa amin iyon nang tuluyan nang bumukas ang gate.
Ilan ba ang moon sa mundong ito? Sa earth kasi isa lang. Where in the universe is this, by the way?
Napayakap ako sa sarili ko dahil mas lalong lumamig. Gawa na rin siguro ng madaming ulap na nagbigay lalo ng malamig na temperatura.
Tila napansin ni Donovan na nilalamig ako kaya inakbayan niya ako at niyakap. Iyon bang nakapulupot ang braso niya hanggang collarbone ko kung kaya't nabalot ako ng robe niya. It made me feel better. Nabawasan ang lamig na nararamdaman ko... at napakakomportable.
"My late grandfather told me a secret prophecy about the Goddess of Gold being reincarnated as a princess. And the empire she supports will be more powerful and be able to dominate the entire world." Sabi niya habang nakatingin sa magandang tanawin.
"Bakit naging sikreto ang propesiyang iyon?"
"Dahil magkakagulo. Mag-aagawan ang iba't ibang kaharian upang makuha ang Dyosa ng ginto."
"Ayun ba ang dahilan kung bakit tayo itinakdang ikasal ng kamahalan?"
He glanced at me over his shoulder. Tumango siya. "My father and mother are the only ones who are aware of the obscure prophecy. Ipinasa ng aking lolo ang nalalaman niya tungkol sa propesiya sa aking ama bago siya mamatay. Pero ako, bata palang, naibahagi na iyon sa akin ng namayapang hari.
Kinwento niyang akala niya siya ang nabanggit sa propesiya na mapapalapit sa dyosa ng ginto. Sinubukan niyang pakasalan ang iyong lola, pero hindi siya nagtagumpay. Hindi niya nasabi sa akin kung paano, pero napatunayan niya raw na nagsimulang mangyari ang nasa propesiya nang ipinanganak ka."
Napakurap ako. Interesado sa ikinikwento niya.
"He then discovered this," tinuro niya ang phases of moon. "And built this secret tower that only I... and you know can enter. Me, being able to open the door with you on my side, proves that the prophecy is real. You have no idea how many times I tried to open this door but only now I succeed.
I'm glad... it's you." Kuminang ang mga mata nya habang tinitigan ako ng mataimtim bago sya nagpatuloy. "Every phase of the moon influence the world and its people. And this scenery can only be witnessed up here."
New Moon
clean starts, cleansing, new beginnings, clarity
Waxing Crescent
intentions, motivation, attraction, success
First Quarter
creativity, divination, calming, action
Waxing Gibbous
refine, observe, good health, momentum
Full Moon
charging, cleansing, power, clarity, healing
Waning Gibbous
undoing bindings & curses, introspect
Third Quarter
break bad habits, banishing, break curses
Waning Crescent
balance, success, wisdom, atonement
"Sabi ng aking lolo, nang ipananganak ka, nagkaroon ng balanse ang mundo. Nagkaroon ng kapayaan sa kabila ng digmaan na dati ay puro kaguluhan lamang. Nagkaroon ng pagkakasundo ang iba't ibang bansa na dati ay puro kasakiman." Kwento nya matapos ang ilang sandaling katahimikan habang pinagmamasdan namin ang phases of moon.
Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Mayroong propesiya. Pero hindi talaga ako si Callista. Mas lalong gumulo ang pag-iisip ko. Idagdag mo pang tragic love story ni Donovan at Callista.
I'm aware na ang pinakadahilan ng arrange marriage ay para sa kapangyarihan ng magsasanib na dalawang bansa. Pero hindi ko pa rin matanggap ang thought na ikakasal ako para lamang doon. Sa mga hari pabor ang ganoong set-up dahil legal sa kanila ang magkaroon ng maraming asawa o concubine. They can get the power they aim to have while marrying another woman they truly love on the other side. Habang ang babae, walang choice kundi pagsilbihan ang hari at hindi siya maaaring humanap ng iba. Parang ikinulong.
"Is that... why you are so eager to marry me?" Nagulat ako sa sariling tanong. Why would I even care? Aalis naman na ako dito, hindi ba?
He flashed a genuine smile and touched my cheek with his finger. "True or not, that you are the reincarnated Goddess of Gold in the prophecy, I would still want you. You are the only woman I wish to have as my consort."
Sinabi niya iyon nang hindi naaalis ang pwesto namin. He's still hugging me with his arm covering me with his robe.