Chapter 15
Tama si Donovan. What he showed me will make me forget the traumatizing incident. I was able to sleep in peace after that.
Pero nanaginip ako ng kakaiba although kaunti lang ang naaalala ko. Epekto na rin siguro ng tanawing ipinakita sa akin ni Donovan at sa naikwento niyang propesiya.
I was in the same tower wearing the most beautiful dress with a man beside me. We were sitting and there were fluffy clouds that surrounded us.
None of us were talking. We were cherishing the beautiful scenery in front of us... in front of the Waning Crescent moon which influences humans to rest and restore. It is as if we're savoring the time to reflect.
Nakatulala ako sa kawalan habang binabalikan ang scenario-ng iyon sa panaginip ko.
The affection I had with that anonymous man in my dream feels real. His presence is warmth and very comfortable... which strangely feels familiar.
Nabalik ako sa katinuan nang bumukas ang pinto at niluwa nito si Donovan. He's wearing a different robe now which obviously shows he just finished taking a bath.
Sa likuran niya ay mga maids na may dalang cart.
Naunang makalapit sa akin si Donovan. At nang makasunod ang mga maids, kinuha niya ang baso ng gatas at inabot sa akin.
"Drink that and eat your breakfast. We'll go to Tanni Puquio in Liyubez after."
"No," mabilis na tanggi ko dahilan para mapatingin siya sa akin nang may pagtataka.
"We need to find Zane," sabi ko ng seryoso.
He looked up. As if he wanted to roll his eyes. "Fine. As you wish, Your Highness."
"Can I ask for a horse?" tanong ko kay Donovan habang papalabas kami ng palasyo.
Tiningnan niya ako habang naglalakad. "Why?"
Of course, ayoko ng umangkas sa'yo. "I can ride a horse myself, Your Highness," ang sabi ko nalang.
Tumaas ang sulok ng labi niya. "I know you do," sabi niya at binilisan ang paglalakad.
Napatigil ako sa paglalakad dahilan para tuluyan niya akong maiwanan. Akala ko ay tutol siya, pero nagtawag siya ng servant at inutusan na magdala ng magandang kabayo na siyang ipapagamit sa akin.
Ako ang nauuna habang naglalakbay kami. Minsan sinasabayan ako ni Donovan, pero madalas ay nasa likuran ko siya. Mayroon rin kaming mga guards na kasama.
Medyo naiilang nga ako kasi hindi naman ako expert sa pagpapatakbo ng kabayo at baka nababagalan sila sa akin. Knowing na beterano sa pakikipaglaban ang mga kasama naming guard and even Donovan himself.
Nang makarating sa Kraxuris, ipinagtanong namin sa bawat bayan kung mayroon bang nakakita kay Zane.
I would never forget how people look intimidated with Donovan's presence. Halos hindi sila makatayo ng maayos and they barely look up to see him. Puro sila mga nakayuko at kapansin pansin ang pagiging uneasy.
Nag-offer ng pabuya si Donovan sa makakapagturo kay Zane. Ngunit wala kaming napala. Ilang bayan na ang pinuntahan namin at inabot na kami ng dilim kaya nagpasya si Donovan na magpahinga muna sa isang ligtas na kagubatan na nadaanan namin.
"Bukas na natin ituloy ang paghahanap," sabi ni Donovan at mabilis na bumaba ng kabayo.
Agad niya akong nilapitan para alalayan bumaba. Hinawakan niya ako sa magkabilang bewang at binuhat pababa ng kabayo. Inayos niya ang damit at buhok ko tapos bumaling sa general. Inutusan niya itong dito na magtayo ng tent. Tumango naman ito at agad ipinasa ang utos sa ibang royal guards.
Ang iba ay nag-aayos ng tent habang ang iba ay umalis para maghanap ng gagamiting kahoy para sa bonfire. Mayroon namang naglalabas at inihahanda ang mga pagkaing binaon. Halatang sanay sila sa ganitong set-up.
Nilingon ko si Donovan na tinatali ang kabayo ko sa puno. Tapos na niyang itali ang kanya.
Madilim. At nagkaroon ako ng trauma sa bansang ito kahit na hindi ko naman dapat idamay ang lahat ng tao sa bansang ito. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang matakot.
Lumapit ako sa kanya dahil sa kanya ako komportable.
Siya lang naman kasi ang kilala ko rito.
Inabot niya sa akin ang water jag niya. Kinuha ko naman iyon at uminom. Doon ko lang na-realize na nauuhaw ako. I appreciated his gesture. Hindi na niya ako tinanong kung nauuhaw ba ako, kusa na niyang binigay ang tubig niya.
"Your highness, you and the princess can sit here." Tinuro ng general ang isang malaking bato, the one that can be sitted most comfortable in.
"Let's go." Hinintay akong maglakad ni Donovan bago siya sumunod.
Nasa likuran ko siya habang naglalakad kami papunta sa batong itinuro ng heneral. Doon din sila nagsisimulang magsindi ng bonfire.
I feel secure with Donovan behind me. Kahit papaano ay naibsan ang takot na naramdaman ko kanina.
"Are we going to sleep in the same tent?" hindi mapigilang tanong ko.
Ngumisi si Donovan. "Don't worry, Princess. We will not."
Napatango nalang ako at pinanood ang mga guards na mag-ihaw ng isda sa bonfire. Tapos na ang iba sa pagtayo ng mga tent. Nakapalibot sila sa amin. Ang iba ay nakaupo sa bato habang ang iba ay sa lupa.
"Your highness, let me guard the princess so you can go inside your tent and take some rest."
"No. I want to look after the princess myself. I will be fine."
Nagising ako nang may marinig akong nag-uusap mula sa labas. Umupo ako sa camping bed at tumingin sa labas. Naaninag ko ang dalawang tao na nag-uusap.
Tumayo ako para buksan ang tent.
Natanaw kong kakapasok lang ng isang guard sa tent. Binalingan ko si Donovan. Nakatitig siya sa akin.
"Have we woke you up?" tanong niya sa mahinang boses.
Umiling ako. "Bakit ka nandyan? Di ka pa matulog, kamahalan?"
Nakaupo siya sa folding chair sa labas ng tent ko.
"Kanina, nakaupo lang ako doon habang binabantayan ka." Tinuro niya ang tent niya na nakapwesto sa tapat ko. "Pero hindi ako makuntento. Di ako mapakali. Kaya dito nalang ako mismo sa tapat ng tent mo para mas masiguro ko ang kaligtasan mo."
"Nakaka-touch, oo. But you need to sleep, Your Highness."
"I can't. I'd rather stay here all night to ensure your safety."
Napabuntong-hininga ako. Ang kulit ng male lead nyo!
"Okay," sabi ko at lalong binuksan ang tent. "Go inside. At least you won't get cold."
Lumiwanag ang mukha niya. "As you wish, Princess." Binuhat niya ang folding chair at pumasok sa loob.
Hindi ko alam pero napangiti ako habang pinapanood siyang may bitbit ng upuan. Para kasing hindi ko ma-imagine... knowing him as a Crown Prince.
Umupo ako sa camp bed paharap sa kanya.
"Hindi ka ba inaantok?"
Umiling siya. "I was 14 years old when I first joined the war. That time, nagsimula akong matuto, masanay maging alerto at hindi matulog habang may digmaan."
"Pero wala namang digmaan. At nandito tayo sa teritoryo niyo. Although nasa ibang bansa, sakop ng inyong empire itong Kraxuris."
"Yeah, but what if you get nightmares again? I want to be by your side."
Natahimik ako sa sinabi niya.
"No more, please." Maging ako ay nagulat sa sinabi ko.
Pareho kaming nagulat.
"What do you mean?" curious na tanong niya.
Umiling nalang ako.
Nasabi ko iyon dahil natatakot ako... natatakot akong baka magustuhan ko siya na hindi pwedeng mangyari.
May boyfriend ako sa realidad.
At higit sa lahat, maiiwan ko din siya sa mundong ito.