XII-Dance with me

EVAN

Me and John are now preparing para sa event na pupuntahan namin.

Inaayos ko yung bowtie ko when suddenly lumapit sakin si John at tinulungan akong ayusin ito ng mabuti.

"Let me do it for you" He gently said. Habang ginagawa nya yung pag aayos ng bowtie ko, napatingin ako sa kanya at nakita ang mukha nyang seryosong pinagmamasdan ang ginagawa nya. He completely look different sa suot nyang black suit with red bowtie tsaka naka slick back yung buhok.

Natapos na nyang ayusin ang bowtie at sinunod nya ring ayusin yung suot kong suit.

Tumingin kami pareho sa salamin at nakita ang buong pagkatao namin. Para kaming mga teenage Gay couple na aattend ng prom.

"It reminds me of my senior year" sabi ko at narinig ko syang mahinang tumawa.

Ilang minuto din naming pinag masdan mga sarili namin sa salamin hanggang sa napatingin ako sa aking gold wrist watch at naalala na malapit na pala mag simula ang event.

Parehas kaming nagmamadaling bumaba ng hotel room at agad nag tungo sa venue na nasa malaking garden ng hotel. The moment na nakarating kami sa garden, napahanga kami pareho dahil sa sobrang ingranding set up ng venue.

Napupuno ito ng mga palamuti at kung ano ano pang desenyo.

Inabot namin sa taga bantay ng entrance ang aming invitation card at tiningnan ang nasa loob neto.

"This way gentlemen" sabi nung babaeng staff at pinasunod kami sa kanya.

Dinala nya kami sa isang table na may dalawang seat lang at may nakalagay na pangalan naming dalawa ni John.

"Miss, excuse me, why are there just two seats available in this table?" Tanong ni John sa babae na medyo nag tataka.

"You're the couple's special guest sir, and we were ordered to only put two seats on this table" sagot ng babae at pormal na nag paalam para umalis. Walang nagawa si John kundi umupo na din kaharap ko.

Nakikita ko sa mukha nya na he looked troubled, di mapakali, nag fifidget, at parang pinagpawisan. He's having anxiety attacks, agad kong hinawakan ang mga kamay nya na naka patong sa table at tiningnan sya maigi.

"Hey, hey, Look at me" bulong ko in my most gentle tone sa kanya at sinusundan ng tingin ang di mapakaling mga mata nya.

"Calm down, look at me" sabi ko sa kanya pero mukhang sobra na yung anxiety nya kaya agad kong hinawakan yung chin nya at pinatingin sakin. Kinakabahan parin syang nakatingin sakin.

"Listen, everything is fine take a deep breath and look at me in the eyes" utos ko sa kanya

"Breath in" sabi ko sa kanya at sinunod nya rin ako syempre sinasabayan ko rin sya.

"Breath out" sabi ko sabay nag breath out din kami pareho.

Inulit ulit namin yung proseso hanggang sa kumalma na sya.

"Just look at me and don't take your eyes off me, okay?" Kalma kong sabi sa kanya at hinaplos yung mukha nya.

Tumango lang sya at ngumiti sabay umayos na kami ng upo dahil saktong dumating na yung babae kasama ang taga serve ng pagkain.

Medyo marami ring na iserve sa table namin kaya medyo napatanong ako sarili ko kung pano namin uibusin to. May ni serve din na wine para saming dalawa na may kasamang wine glass katabi nito.

Pero syempre di kami kumain agad, nakinig muna kami sa mga nag speech sa event para sa couple. Mary and Paul was sitting sa gitna ng platform habang nakangiting nakikinig sa mga nag send ng messages para sa kanila. Nang makita kami ni Mary nag wave sya samin ng nakangiti syempre nag wave back narin kami.

Maya maya lang biglang na mention yung name ko sa host at sinabing ako daw ang mag wine toasting. Kaya tumayo na ako at hinarap ang couple.

"Mary initially took Paul's last name when he stole her heart. All in all, I think everything turned out rather well. Before I continue, I'd like you to turn to look at each other as we raise a glass in honor of Mary and Paul on their wedding day." Agad naman sinunod nang couple yung utos ko sabay sabi.

"To the bride and groom! You're now staring into the eyes of the person who, statistically speaking, is most likely to kill you!" sabi ko sabay nag tawanan ang mga tao pati ang couple at sabay naming itinaas ang wine glass na may roong wine sa ere bago namin ito ininom.

Napatingin ako kay John na napailing dahil sa pag tawa.

"That was a good one" sabi nya nung matapos nyang inomin ang wine nya.

Umupo na ako at nag usap kami ni John saglit. Maya maya lang kumain na kaming lahat habang may bandang nag paplay sa gitna ng plaform, syempre love songs nag tinugtog nila. When I look at John halos napatawa ako nang makitang masayang kumakain.

"This is my first time attending anniversary party this year at natutuwa ko kasi even though di kami close ni Mary, she still invited me" sabi nya sabay ngumiti sakin.

"She invited you because she's never seen me this happy with someone before and also because she trusts and believes in you, besides may unfinished business pa kayong pag uusapan" sabi ko sabay subo ng pagkain.

Suddenly lumapit samin si Mary kasama si Paul.

"Excuse me gentleman" masayang bati samin ni Mary.

"Oh Hi!" Bati naman ni John sa kanya at as usual nag hug at beso silang dalawa, habang kami ni Paul nag manly hug lang.

"Thank you so much for inviting us here today, Mary" sabi ni John ng bumitaw na sila sa hug.

"And I'm glad you really came" Sabi ni Mary ng nakangiti ng napaka tamis.

"And you Evan, what's with that speech?!" Natatawang sabi ni Mary sabay sinapak ako sa balikat kaya napahawak rin ako dito ng natatawa.

"About that one, I think you're right she's literally most likely to murder me especially when she's mad" sabi ni Paul kaya nag glare si Mary sa kanya.

"Someone tell me he didn't just say that" Mary said

"He did say that" pang aasar ko sa kanya.

Just look at how cute this couple is.

Napatingin ako kay John nang nakangiting nakikinig samin.

"Anyway, I would like to borrow John for a while, may I Evan?" Even that nang hihingi sya ng permiso sakin.

Tumango ako as a response.

Agad tumayo si John at sumama kay Mary dala ang envelope nya na may lamang pages ng sinulat nyang libro.

Me and Paul on the other hand, nag usap lang kami.

JOHN

Dinala ako ni Mary sa medyo tahimik na lugar at inabot ko sa kanya ang aking dalang envelope. Tinanggap nya ito at binasa ang nasa loob ng envelope. Habang binabasa nya ang plot ng aking librong sinusulat at ang mga summarize sa mga chapters, diko mapigilan ang makaramdam ng kaba, at nerbyos.

Ramdam ko na naman ang anxiety ko, nag fifidget na naman ako at di mapakaling nag aantay sa reaction nya. May nakikita akong mga expression sa mukha nya pero mixed lahat kaya nahihirapan ako mag predict.

Dahil sa anxiety ko naalala ko bigla yung sinabi ni Evan sakin.

"Look at me" rinig kong sabi nya sa isipan ko, kaya agad akong lumingon at nakita si Evan na masayang nakikipag usap kay Paul. Seeing him this happy makes me calm, I've never experienced this kind of treatment dati, lalo na pag nag anxiety attack ako. Walang nag sasabing look at me, everything will be alright, at kung ano ano pang sasabihin para kumalma ako. Not even Hanz.

Suddenly bigla ko nalang naramdaman na may yumakap sakin.

It was Mary at naramdaman ko nalang na hinahaplos nya ang aking likod. Nung bumitaw sya agad syang nagsalita.

"One of the best stories I've ever read is yours; you stated in the storyline that it is based on your own personal experience, and I do believe that." Sabi nya sabay ngiti.

"Sadness, joy, wrath, and bitterness are all there in the story you created. Everything is incredibly vivid, and I can feel it all." Mary said at hinawakan ako sa kamay na may ngiti.

"I feel your pain, and I also feel how happy and in love you are right now. I am very, very happy you found joy and it was all thanks to Evan, because he was there for you the whole time." sabi nya sabay napatingin kami pareho kay Evan, and coincidentally tumingin din samin si Evan ng nakangiti kaya napangiti rin ako.

"I would like to congratulate you, because you made me proud for the masterpiece you made" Mary said at nag shake hands kami.

"Work on this one, and send me an Email if you're done with your work okay? I'll be in touch." Sabi nya kaya napangiti ako ng sobra.

"I would like you to sign a contract with me, and I would like you to join my publishing agency as a writer," she said.

"I would love to, but would that be okay? Because honestly I'm still a newbie, I still have so much to learn" sabi ko na may pag alala.

"Well you're right you still have a lot to learn, but being a writer doesn't require experience; anyone can be a writer whenever they want, don't worry you got me I'll be your mentor " sabi nya at nag wink sakin.

Tumayo na kami pareho.

"I will keep these sheets with me so I can continue reading the rest of the story, but for now let's head back so we can start the dance" sabi nya na sobrang na eexcite sya tsaka sabay na kaming bumalik sa party.

"Thank you Mary, for doing this for me" pag papasalamat ko sa kanya.

"My pleasure dear" she replied at hinaplos mukha ko.

Nang makabalik na kami sa table agad akong umupo kaharap si Evan habang yung couple bumalik na rin sa platform.

"So how was it?" Tanong nya sakin the moment na nakaupo na ako.

Nag shrugged ako ng shoulders sabay sabi.

"She loved it, and she wants me to sign a contract to be formally part of her Publishing agency as a writer " proud na sabi ko sa kanya kaya tuwang tuwa sya sa kanyang narinig mula sakin.

"That's great! I'm so proud of you!" Masayang sabi nya at hinawakan ako sa kamay ng sobrang saya.

"This is the start of your career, I'll support you with this" sabi nya kaya napangiti ako na may halong kinikilig.

Nung una masaya lang kaming nagkatinginan hanggang sa biglang nag announce yung host na mag sisimula na ang sayawan.

Nung nag start na ang magandang musika, agad tumayo si Evan at nag alay ng kanyang kamay sa akin.

"And because of that, I would like to offer you a dance m'lady just like we practiced" sabi nya.

Napangiti ako ng sobrang tamis sabay tinanggap ang kanyang alok at tumayo na. Sabay kaming nag tungo sa dance floor, we held each other's hand, while my other hand was on his shoulders yung isa ring kamay nya nasa waist ko.

We just dance just like what we practiced kanina, sumasayaw habang sumasabay sa tugtugin.

Suddenly pina ikot nya ako but this time seryoso kaming sumasayaw habang nakangiting nakatingin sa Isa't isa.

Habang sumasayaw kami di ko mapigilang isipin, I really want to kiss him right now.

Nung medyo nag slow na yung music parehas naming sinandal ang aming nga noo sa Isa't isa at naka pikit na mahinang sumasayaw pilit dinadamdam ang tugtugin.

I felt his hand tighten its grip sa waist ko trying to pull me closer. Nag adjust ako pinatong ko yung both hands ko sa shoulders nya at sya naman parehas na nakahawak ang mga kamay nya sa waist ko.

Nakaka gaan sa pakiramdam pag isasayaw ka nang ganito sa taong gusto mo, yung slow at gentle dance, nakaka in love lalo.

"Can we go somewhere quiet?" Bulong nya kaya tumango ako, bumitaw kami sa Isa't isa at hinawakan nya ako sa kamay sabay parehas kaming umalis sa dancefloor at nagtungo sa tahimik na lugar.

Nasa ibang parte kami ng Garden kung saan may fountain. Parehas kaming nakatayo sa harap ng fountain facing each other while holding each other's hand.

Nag eye contact kami, at suddenly hinaplos nya ako sa mukha at dahan dahang inilapit sa mukha ko ang mukha nya.

Napapikit ako ng mata, sabay nag dapo na ang mga labi namin.

We kissed but this time the kissed is different, gentle and passionate.