XX- Book signing

JOHN

Alas nuwebe na nang umaga ng dumating ako sa venue, medyo marami rami naring tao ang nagsidatingan at marami ring media ang naka abang. Akala ko walang media, kasi di naman ako artista dito sa New York, pero naalala ko yung mukha ko nasa billboards pala one of the bestselling author of the year ako.

I never thought na sisikat yung novel na ginawa ko, pero thanks kay Mary dahil big success yung nangyari sakin.

Nang makarating ako ng main hall agad akong sinalubong ni Mary and as usual nag hug and beso kami. Masaya syang nakita ako at masaya din akong makita sya. Agad nyang sinuot sa leeg ko ang name tag ko tsaka inayos ang suot ko.

As usual I wore formal Vintage clothes, kasi nga that's my style.

Napatingin ako a paligid ang daming dumalo sa event but most of them ay mga taong gaya ko na parte ng LGBTQ+ community. Nag wave sila lahat sakin kaya nag wave back narin nang nakangiti.

"Thank you Mary, I never thought I'd come to this" sabi ko kaya ngumiti sya at tumango sabay tap sakin sa balikat.

"Come on let's get you settled so we can start the event soon" sabi ni Mary at sinamahan akong mag tungo sa mahabang table na tinabunan ng white cloth. Agad kaming umupo at nag simula na.

Syempre nung una pinakilala muna ako ni Mary telling them how we met and how I was able to create such a masterpiece. Pero syempre di nya sinabi lahat kasi gusto nya sakin mang galing ang informations. As soon as natapos sya sa kanyang speech pamalakpak yung mga audience.

Inabot sakin ni Mary ang mic kaya tinanggap ko ito.

"So first of all, thank you all for coming here today, I actually didn't anticipate that so many people would show up today.." sabi ko sabay nginitian ko sila. Suddenly may biglang nag taas ng kamay kaya napatingin ako reto.

"Mr. John, can you tell us about the story because most of your fans are actually asking the same thing" sabi nang babae kaya tumango ako. Lumapit sakin si Mary para sa mic sabay sabi.

"Can you be more specific, ma'am?" Mary asked ng natatawa.

"Yeah, the question is, is your novel based on real events?" The moment na tinanong yun nang babae natahimik ako at napatingin kay Hanz nasa special guest na naka upo. Pero nag thumbs up lang sya sabay ngiti.

"Ahmmmn, to be honest yes that is based on my personal experiences" I simply answered kaya nag bulongan sila. Di ko nga pala naisulat sa book na it was based on my personal experiences. Kasi I don't want to destroy Hanz's reputation

I told them about the story and I also told them how I was able to write it. Hanggang sa umabot na ang oras para mag book signing.

Mostly sa pinag sasign ko ay nakabili na ng book ko yung iba naman nasa kabilang table para bumili ng book ko tsaka sumasama sa linya para mag pa sign sakin. Medyo marami rami din sila kaya nangangalay na kamay ko.

Yung iba habang nagpapasign sakin sumasabay narin magpa pic kaya medyo matagal tagal talaga matatapos to. Kapagod pala neto kala ko madali lang. Tapos may iba ring nagbibigay ng mensahe nila para sakin.

Some say they really hoped that Evan and I would be able to see each other again.

Yung iba they really hate my ex-husband na may halong pag tawa

Pero di talaga mawawala yung mga linyahang 'I really love your book, I would be glad to visit that place you went to' at kung ano ano pang mensahe.

Suddenly a familiar face approached me when I realized kung sino iyon napangiti nalang ako.

"Hi, You must've known me now" sabi nya nang nakangiti sakin.

"Of course, it's nice to see you Jean" sabi ko kaya napangiti din sya sabay abot nung libro para mag pa sign.

Medyo awkward pero kinaya ko.

"Ahmm about what happened during your trip, I just want to personally apologize for what I did, and I know I made you feel jealous that time and I'm sorry" sabi nya

Ngumiti lang ako at inabot sa kanya ang libro sabay nag offer ako ng shakehands.

"It's fine Jean, no worries" sabi ko at nag shake hands kami.

"If you want to see him I can give you his address" sabi nya

"I would love to, but I don't think he wants to see me anyway" sabi ko

"Well one thing you should know about Evan, is that sometimes He's scared to admit what he truly felt, so anyways I'll be in touch " sabi nya sabay nag wave at umalis na.

Sumapit na ang hapon at sa wakas kunti nalang ang naka linya. Kaya mas binilisan ko ang pag sign.

Suddenly isang pamilyar na kamay ang nag abot sakin ng libro nya, pamilyar sakin ang kamay nato lalo na ang suot nitong bracelet. Agad akong napatingin sa kanya at nagulat ako sa aking nakita.

"I don't like the ending, I really think you need to write a sequel" sabi nya pero wala akong maisagot it's been months pero It felt like a lifetime yung pag aantay ko sa kanya.

"Evan" tanging nasabi ko sabay napatayo ako at niyakap sya ng mahigpit. Alam kong nagulat sya dahil naramdaman ko ring na nenerbyos sya.

I felt our hearts beat so fast na para bang nakikipag karera. And suddenly naramdaman ko nalang na gumanti narin sya ng yakap sakin.

Alam kong pinag titinginan na kami pero wala akong pake.

"I missed you" bulong ko sa kanya habang pinipigilan ko ang sarili ko sa pag iyak.

"I missed you too more than you know" ganti nya at mas hinigpitan pa nya ang yakap nya sakin.

Nag stay kami sa ganung posisyon ng ilang minuto at maya maya lang bumitaw narin kami, pero huli na nung marealize kong nakatingin na pala samin yung ibang fans habang pinipicturan kami pareho.

Agad namang lumapit samin si Mary

"My God Evan! What took you so long?!" Sabi ni Mary at nag yakapan sila with beso.

"You knew he was Coming?" Tanong ko kay Mary att ngumiti lang sya sabay tango.

"I didn't tell you because I don't want to ruin the surprise" napa iling nalang ako.

"Actually I came here early, and I was able to listen to your speeches though" sabi ni Evan

Nagkwentuhan pa kami saglit tsaka ako nagpatuloy sa pag sasign ng mga book.

They even congratulated me dahil nagkita kami ulit ni Evan, and they said it was very romantic kasi sinurpresa ako. Well tama naman sila nakakilig nga, pero at the same time naiinis parin ako dahil ang tagal nyang nagpakita sakin.

Nang matapos ang event agad akong lumapit kay Hanz at niyakap sya.

"Plinano mo to diba?" Marahan kong tanong sa kanya at tsaka sya gumanti ng yakap sakin pero di sya umimik.

"I know you, and I thank you for doing this for me" sabi ko at bumitaw na kami sa pagkakayakap.

Alam kong sya ang may pasimuno neto, kilala ko sya kung saan ako sasaya he will do everything para mapasaya ako.

Nakita ko syang nag wipe ng mata nya.

"I have nothing else to say, but I'm happy for you" sabi nya at ngumiti.

Hinawakan nya ako sa mukha at tiningnan ako nang maigi, I know This may feel awkward for me for him to do this, but somehow I feel like he needs to kaya hinayaan ko nalang.

Bumitaw na sya at nag iwas ng tingin halatang pinipigilan ang sarili sa pag breakdown.

"I'm sorry gusto lang hawakan mukha mo for the last time, I'm sorry " sabi nya kaya nginitian ko lang sya sabay tap sa shoulders nya.

"I'll get going then, I'll see you soon John"

"I'll see you soon too Hanz" sabi ko sa kanya tsaka sya nagsimula nang umalis.

May inasikaso muna ako saglit kasama si Mary pagkatapos ay lumabas narin ako ng venue. Pag labas ko nakita ko si Evan nakatayo sa harap ng sasakyan nya.

"Kanina kapa dyan? Pumasok ka muna sana kanina ang lamig oh tas nag snosnow pa" sabi ko habang palapit sa kanya at agad naman nya akong nilapitan at isang matamis na halik ang sumalubong sakin. Nung una nagulat ako pero kalaunay napapikit narin ako ng mata at gumanti na sa matamis nyang halik.

Suddenly bigla kaming napatigil at tiningnan ang mga mata namin sa isa't isa na may halong ngiti sa mga labi namin.

"C'mon ihatid na kita it's freezing, baka magkasakit tayo pareho neto" sabi nya kaya tumango ako at sabay na kaming sumakay sa sasakyan nya.

Agad nyang inayos ang seatbelt ko tsaka nya tuluyang pinaandar ang sasakyan nya. While driving nag kwentuhan kami, kinwento nya sakin kung pano sila nag communicate ni Hanz through Instagram. He told me na Hanz messaged him first, telling him how I was doing those past two and half months.

Pero nagulat ako sa sinabi nya.

"Hanz wanted to see me in person nung dumating sya dito sa New York, akala ko nga gagawa sya ng deal sakin para lang layuan at kalimutan kita pero mali ako. Nakipag kita sya sakin to let me know that You and Him finally got divorced. And also di lang yan, he even gives your book at sinabihan akong dumalo sa book signing event mo. He wanted me to surprise you and I did" sabi nya habang mag dadrive.

"I'm glad nagkita tayo ulit, I hope di na tayo magkakahiwalay pa" sabi ko sa kanya kaya napangiti sya hinawakan ako sa kamay.

"I won't ever leave you again, never" sabi nya ay hinigpitan pa ang paghawak sa kamay ko.

"I shouldn't have left just like that, And I should've told you how much I love you too, pero naduwag ako and I'm sorry about that" he explained

"I don't care about what happened, Evan what matters now is nagkita at magkasama tayo ulit. This is more than what I've asked for and I'm very thankful for that" sabi ko at ngumiti kami pareho. I don't know pero every time na magkausap kami di talaga nawawala sa mga labi namin ang ngiti. Parang ang saya namin lagi pag magkasama kami.

Nagkwentuhan pa kami habang nag dadrive ng biglang huminto kami sa harap ng isang bahay kaya napatingin ako sa kanya.

"This is not the hotel I was staying at" sabi ko sa kanya pero tumawa lang sya at bumaba na ng sasakyan kaya bumaba narin ako.

"Evan what's going on?" Tanong ko sa kanya habang sinusundan ko syang papasok ng bahay.

"Well, Hanz didn't tell you right?" Tanong nya sakin habang binubuksan ang pinto ng bahay gamit ang susi na dala nya. So this must be his house.

Binigyan ko lang sya ng pagtatakang mukha sabay binuksan nya na ang bahay nya at pumasok na kami.

Pagkapasok ko nakita ko agad si Evohn na naka upo sa couch kaya napatakbo akong lumapit dito at niyakap sya ng mahigpit.

"Evohn I missed you so much, I'm sorry mommy forgot about you" sabi ko kay Evohn habang hinahug sya.

"Evohn has forgiven you a long time ago, and masaya syang naiwan mo sya dahil nabasa ko yung letter na iniwan mo sa hotel" sabi nya sabay hubad ng coat nya.

So he came back..

"Kaya ba dinala moko dito so I can see Evohn again?" Tanong ko sa kanya. Ngunit ngumiti lang sya sakin sabay sabi.

"Hanz told me that you need a place to stay kasi di pa natatapos yung renovation ng bahay mo kaya nag volunteer akong sakin ka muna mag stay, besides namiss natin ang isa't isa so how about you stay here with me just for now and we'll separate until your house is done?" Tanong nya kaya napa iling ako.

"No, how about after two months you move in with me sa bahay ko. Total two months nalang din naman bago ka lumipat ng ibang bahay diba?" Nagulat sya sa sinabi ko kaya napatawa ako.

"Pano mo nalaman yun?" Pagtatakang tanong nya sakin sabay pareho kaming napa upo sa couch, nakapatong yung braso nya sa sandalan ng couch habang nakangiting nakatingin sakin.

"Well naka display kasi sa mesa mo yung notice kaya alam ko na, napaka observant kong tao I know" proud kong sabi sa kanya.

Tumawa lang sya at tinitigan ako bigla sa mata kaya medyo na intimidate ako at kinakabahan I know that look eh, alam na alam ko yan. Nag iiwas ako ng tingin sa kanya ng bigla nya akong hinawakan sa mukha at pinatingin sa kanya sabay hinalikan ako agad.

"Can we do it?" Tanong nya sakin kaya tumango at bumalik sa pag halikan.

I missed him so much....