XIX- Winter

EVAN

*ALARM RINGING*

Dahan dahan kong dinilat ang aking mga mata at agad pinatay ang alarm clock naka patong sa bedside table ko. Tumayo na ako at nag stretch ng katawan sabay kinuha ko ang robe ko at sinuot ito bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Agad akong nag tungo sa kusina para mag luto ng breakfast at syempre nag timpla narin ako ng kape pampainit sa maginaw na umaga. Sumapit na kasi ang December kaya palapit narin ang winter season. Buti nalang prepared ako. Nang matapos akong mag luto agad akong umupo sa dining table ko na may magandang view sa labas ng glass wall.

Mula dito sa loob ng bahay tanaw ko ang magandang view ng back yard ko, suddenly naalala ko bigla palapit na pala ang last month kong paninirahan sa bahay nato. Kaya hahanap na naman ako ng bagong pwede kong uwian, I was thinking maybe hahanap nalang ako ng apartment.

Agad akong kumain ng niluto kong pancakes, na may kasamang bacon and egg tsaka toasted bread with Coffee. Habang kumakain napatingin ako bigla sa labas ng glass wall at nakitang nag sisimula na palang mag snow.

Naalala ko tuloy yung sinabi ng Korean kong client na if you witness the first snowfall you can make a wish and that wish will come true. Napa shrugged ako ng shoulders, wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko diba? Agad kong ni slide ang sliding door at lumabas patungong back yard at inembrace ko ang first snow fall.

Habang nakapikit akong dinaramdam ang snow, agad akong nag wish sa isipan ko.

I wish I'd be able to see you soon, and I wish di na tayo mag hihiwalay pa..

Bulong ko sa isipan ko kaya napatawa ako slight of how cringe I sound.

Nag stay pa ako sa labas ng ilang segundo para damdamin pa ang snow, at nang medyo nakaramdam na ako ng ginaw pumasok na ako ulit at bumalik sa pagkain ng breakfast.

Uminom muna ako ng kape sabay inabot ko ang librong binigay ni Hanz sakin. Pinag masdan ko ito ng mabuti, ilang weeks lang tong naka standby dito sa bahay at diko pa nabasa dahil sa sobrang busy ng schedule ko.

Habang maigi kong pinag masdan ang libro napansin ko tuloy yung book cover, pamilyar sakin yung picture na ginamit kaya inigihan ko pa ang pag observe dito hanggang sa narealize ko. This picture, kaming dalawa to yung picture namin sa beach together habang nanonood ng sunset.

Akala ko ba yung sunflowerville gagamitin nyang location sa book cover nya?

I was staring at him nang nakangiti habang si John nakatingin lang sa sunset without knowing what I was doing.

Natuwa ako kaya napangiti ako ng matamis, agad kong binuksan ang libro at sa ikalawang pahina may nabasa akong dedication.

I dedicate this book to my beloved, Evan...

Mas lalo akong natuwa kaya napatingala nalang ako at suddenly may luhang pumatak mula sa mga mata ko. After what I have done, after I left him just like that di nya parin ako kinalimutan.

He loves me so much, if only I can turn back time I should've told him that time how much I love him too.

I don't feel sad, what I'm feeling right now is a total Joy.

Agad kong pinunasan ang aking mga luha at agad binasa ang unang chapter ng book nya.

Day off ko naman ngayon kaya tatapusin ko ang pagbabasa neto.

JOHN

Nasa New York na ako today actually kahapon pa kami nakarating kasama si Renee, Mike at Hanz. They have decided that we should take a break for a while kasi nga ang busy namin pareho. Hanz sponsored the trip, para samin kaya tuwang tuwa yung mag asawa kasi it's been a while daw na nag hahangout kaming magbarkada.

Oo barkada, kaming tatlo ako, si Renee at Mike ang naging best friends ni Hanz since highschool nung kakamigrate lang nila sa Philippines.

Narinig namin mula a balita na mag sisimula daw mag snow ngayong araw kaya balot na balot kaming apat. Parehas kaming naka suot ng coat.

"So saan tayo today?" Biglang tanong ni Renee samin habang nag lalakad kami.

"Well, una pupunta muna tayo sa venue para sa event ni John bukas malapit lang naman yun dito kaya lakarin nalang natin" Sagot ni Hanz.

Napatingin yung mag asawa samin na may halong confusion.

"Right di nyo pa pala alam, me and John are now officially divorced" sabi ni Hanz kaya napa nga nga yung dalawa sa gulat.

"What?! Seryoso?!" Gulat na tanong ni Renee sabay tinakpan agad bibig nya ni Mike.

"Ah s-sorry, alam nyo na kaibigan nyo malaki bunganga" sabi ni Mike kaya napatawa kaming dalawa ni Hanz at sinamaan sya ng tingin ni Renee.

"Ano sabi mo?!" Sigaw pa ni Renee sabay binatokan si Mike.

Pinag titinginan na silang dalawa kaya kami ni Hanz nag simula ng maglakad, iiwan namin yung dalawa ang iingay eh.

Agad naman silang sumunod samin at tumigil na sa pag tatalo.

"Kailan pa kayo nag divorce ng tuluyan?" Mike asked kaya siniko sya ni Renee rinig naman namin na nag aww si Mike.

"Last month pa" sabi ko

"Pero okay naman kayo diba? Di naman awk-" naputol yung pagsasalita ni Mike nung kinurot na sya ni Renee sa tagiliran.

"Tumigil ka na kasi babo" bulong ni Renee kay Mike.

"Aray ko baba, tama na" mahinang reklamo ni Mike kay Renee.

Nagtinginan lang kami ni Hanz sabay tawa ng mahina. Kahit kelan talaga si Mike under talaga sa asawa nyang si Renee. Pano ba naman kasi yung kaibigan naming babae, napaka sungit.

"To answer your question Mike, di naman kami awkward ni John kasi we both wanted to get divorce, alam nyo naman siguro kong bakit, pero we realized that we better off as friends. Kaya nung nag divorce kami I told him that It's fine if we both forget about us, pero I don't want to forget the frienship na meron tayong apat, kayong apat ang dahilan kung bakit ako masaya during my highschool days remember?" Sabi ni Hanz pero nagulat kami nung niyakap kami pareho nung dalawa.

"Thank you for letting us know, and we're sorry" Mike said kaya gumanti narin kami ng yakap sa kanilang dalawa.

"It's fine Mike, don't be sorry" sabi ni Hanz sabay may binulong sya kay mike at kay Renee.

"Hoyyyyy ang unfair nyo, dapat ako din" Sabi ko pero di nila ako pinansin.

Suddenly may naramdaman akong bagay na malamig na dumapo sa cheeks ko kaya hinawakan ko ito sabay napatingin sa paligid. Nag sisimula ng mag snow, naalala ko tuloy yung korean drama na napanood.

Sa Korea tawag nila dito first snow at may paniniwala din sila dito isa na dun ang mag wish ka at yung wish mo matutupad.

Pumikit agad ako at nag wish na sa isipan ko.

Sana magkita tayo ulit Evan, Sobrang na miss na kita at kung sakali mang magkita tayo ulit I wish di na tayo magkakahiwalay pa..

Bulong ko sa isipan ko sabay ngiti .

"Uyyy nag wish ka nohh?" Biglang sabi ni Renee kaya napatingin ako sa kanya.

"Panira ka talaga" sabi ko sa kanya sabay tumawa sya.

"Boys mauna nga kayong mag lakad, mag uusap lang kami ni John" Sabi nya at hinila ako katabi nya sa likod.

"I know what happened, you told me everything remember? Nung sabi mong Hanz tried to win back your heart I really thought kaya nyo pang ifix lahat pero di talaga kinaya?" Bulong nya sakin kaya napatango ako.

"Hindi eh, kahit anong gawin ko wala na talaga" sabi ko na medyo disappointed yung tono.

Tumatango tango lang si Renee.

"I understand, masyado din kasing malala yung nangyari kaya I can't blame you for that. And besides tanggap na ni Hanz ang lahat. Pero deserve ko parin makilala si Evan ha, naka ilang kwento kana sakin tungkol sa kanya dapat makilala ko yan soon" sabi nya

"Kung magkikita kami dito sa New York why not diba?" Sabi ko at ngumiti sya sabay inakbayan ako.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, kwentuhan hanggang sa nakarating kami sa venue ng event ko bukas. May inasikaso lang kami at pagkatapos namasyal na kami.

We enjoyed our time together kaya sobrang memorable para sakin. It's been so long since we hangout like this together.

Pero di parin mawala sa isipan ko si Evan, lagi akong nakamasid sa paligid hoping I'll see him anywhere. Pero wala eh, hanggang nakabalik na kami sa hotel wala talaga akong nakitang Evan anywhere.

Ni try ko narin syang sendan ng message sa Instagram kasi desperate na akong makita sya, pero di sya nag rereply.

Gabi na pala, di ko namalayan dahil sa sobrang saya namin kanina sa pamamasyal gabi na kaming naka balik sa hotel.

Napabuntong hininga nalang ako knowing na di talaga sya mag rereply sakin, sabay pinatay ko nalang ang ilaw at natulog na..