Chapter Three

.

.

.

"You're 20 minutes late Ms. De Lapiz" taas kilay nitong sabi

"I'm sorry Madam, nasiraan po yung tricycle na sinasakyan ko" palusot ko na lang

"Sit down, i don't want to this happen again Ms. De Lapiz"

"Yes Madam" yuko kong sabi at naglakad na sa table ko, shock nakakahiya talaga, eto ang unang beses kong ma-late sa klase niya

.

After ng first subject namin ay bigla-biglang nagtanong agad yung katabi ko

"Anyare? Akala ko hindi ka papasok?"

I still don't know her name pero sya yung nagpasama sakin sa mall kahapon.

"Nothing, nasiraan lang talaga yung sinasakyan ko kanina"

"Ohh~" mukang nakumbinsi naman sya

"How about you? What happened to your date?" tanong ko, sya naman ang nag-iwas ng tingin at namumula, nice!

"Alam mo ba Czarina? Napakagentleman niya talaga! Bukod sa physical appearance niya is makadagdag points din ang pagiging maalaga niya, Oh my gosh!" Kuwento niya habang kinikilig

"First time niyo lang magkita in personal, tinamaan ka agad sa kaniya?" iling kong sabi habang kumukuha ng notebook for our second subject.

"Syempre crush pa lang naman, we still have time to know each other ok? May date nga kami uli mamaya eh"

"Don't tell me you still need me as your companion?" Natawa naman sya bigla

"Of course not! Madali namang pakisamahan sya and ayaw ko na makaabala ano!" Natatawa pa rin niyang sabi, i just rolled my eyes for sake! Sya lang ang natatawa.

Biglang napadako ang tingin ko sa librong tsokolate ang kulay habang nagkakalkal ng bag. Wala sa sariling natanong ko ang katabi

"Alam mo ba yung nakakatakot na gubat?" Habang sa libro pa rin nakatingin

"Excuse me?"

"Forbidden Forest, alam mo ba yun?"

"The hell yes! Sobrang nakakatakot kaya ang pumasok doon" tinignan ko sya ng masuri

"Paano mo nasabi? Nakapasok ka na ba doon?"

"Never in my life na papasok ako doon! Pero marami kasing nagsasabi na delikado sa kakahuyang iyun dahil may mga witnesses na may pumasok pero pagkabalik ay kulang na lang sila that's why pinasara yung gubat na iyun and from now on wala ng nagtangkang pumasok."

"Who's the witnesses and nasaan sila?" Medyo curious na ako

"I don't even know Czarina tsaka iyun lang din kasi ang naririnig ko sa mga matatanda"

May nakapasok na rin pala sa kagubatang iyun? I need to know more details, the hell my curiosity is killing me!

"Paano kung hindi naman pala nakakatakot sa kagubatang yun? What if panlabas anyo lang yung nakakatakot pero pag nasa loob ka na ay maganda at maliwanag?"

What the eff did I say? Naguguluhan naman syang tumingin sa akin at nagtataka. Great Czarina, just great!

"Bakit? Nasubukan mo na bang pumasok doon?" Makahulugan niyang saad, Napalunok na lang ako.

"Ahm hindi pa, kaya nga nagtatanong ako eh hehe" jeez! Bakit ba kinakabahan ako?

"Kung ako sayo, hinding hindi ako papasok sa gubat na iyun even if my curiosity killed me. Mas maiging umiwas ng maaga kaysa naman sa kung kailan mapapahamak ka na ay tsaka ka lang iiwas" kibit balikat niyang saad tsaka bumaling sa harap

Tumingin na lang din ako sa harapan dahil dumating na ang second prof namin, para bang lutang ako buong klase at walang maintindihan kahit isang topic sa kanila.

.

.

.

***

"I smell something fishy" sabay lapit nito sakin na naka-krus ang braso

"What?" I ask then put my bag in my shoulder

"Yung mga tanong mo kanina, para kasing may nalalaman ka or may gusto kang matuklas?" Nilapit niya yung mukha niya sakin at halos matumba ako sa pag-atras

"Ano ba? Syempre na-curious lang naman tsaka wala akong balak pumasok doon noh" sagot ko na lang

"Ok, basta binalaan na kita huh? Im going na baka naghihintay na si Calli sakin" kinikilig nitong sabi tsaka umalis ng tatalon talon, napairap na lang ako sa kalandian niya.

Umalis na rin ako sa school at pumila sa sakayan ng tricycle. Kinuha ko ang libro sa bag tsaka tinignan ang kabuuan nito, paanong hindi ako macucurious eh nakapagtataka ang mga nangyari kanina lalo na itong libro, napakamisteryoso.

Sumakay na ako sa tricycle at nagbayad, habang nasa byahe ay muli na naman naming nadaanan ang Forbidden Forest at tulad ng dati nakakatakot talaga ang itsura nito mula sa labas at nakakapantindig balahibo ang malamig na hangin mula rito. Pero sa kalagayan ko, hindi ko na maramdaman ang ganoong pakiramdam at sa halip, mga tanong at kuryosidad na ang bumabalot sakin ngayon.

Pagdating sa bahay ay ginawa ko muli ang lagi kong routine, magluto ng pagkain at kumuha ng libro but this time, libro na nakita ko sa forbidden forest.

Binalikan ko ang mga pahina kanina at hanggang doon na lang talaga ang mga nakasulat.

.

Surrounded by the woods

There's a kind stunning at all

Giving a hope of light

And giving a hope of life

.

A wind is blowing

A river is splashing

The birds are singing

And creatures are playing

.

But there's a thing awaits from all

The beginning of this chapter

An adventure must to do

And a fate that's written by YOU.

.

Wierd kasi ngayong binasa ko uli sya ay hindi ko na maramdaman ang naramdaman ko tulad kanina. Napansin ko rin na simple lang ang kabuuan ng libro, wala syang pamagat sa pinakaharap.

Mukhang naprapraning na ako at kung ano ano na lang ang naiisip, kakabasa ko siguro ito ng mga Fiction. Kumain na lang ako at humiga sa kama, binalik ko ang librong walang pamagat sa bag at kumuha ng bago sa bookshelf tsaka doon tinuon ang pansin.

.

.

.

***

Arggh! Just great! Nakalimutan kong mag-withdraw kahapon, nakapagpadala na kasi si papa ng allowance sakin. Wala na rin akong pera rito dahil naubos sa pamasahe at pagkain kahapon.

Inis akong naghanda sa sarili at umalis kaagad kahit na 10:00AM pa lang, I guess maglalakad uli ako. Nilabas ko ang librong kakaumpisa ko lang basahin kagabi at pinagpatuloy sa sunod na kabanata.

Habang nagbabasa ay nakaramdam ako ng pamilyar na lamig mula sa hangin, itinaas ko ang ulo at napansin na nasa direksyon na pala ako ng nakakatakot na gubat. Wala sa sariling binalik ko ang librong binabasa kanina at kinuha naman ang librong walang pamagat. And there, nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa katawan habang hawak hawak ang libro.

Tinignan ko muna ang orasan sa Cellphone at 10:10AM pa lang naman, medyo maaga pa at 12:00PM pa ang pasok. Kagat labi akong nagpasya at kalaunan ay naglakad papasok sa kagubatan.

Tulad ng dati ay madilim at mahamog ang unang tumambad sakin. I think it's just a physical appearance of the forest, just a front view from the outside. Derederetso lang ako sa paglalakad at naaninag ko na rin ang makakapal na baging and I really hate it! Dumikit at pumulupot na naman sa mga braso ko yung makating baging at muntik na akong masakal! Next time talaga magdadala na ako ng gunting.

Sa huling hawi ko ay nakarating na rin ako sa gitna ng kagubatan, well mukhang ito talaga ang pinakasentro nito dahil isa sa palatandaan ko ay ang misteryosong puno. Katulad ng dati, maaliwalas at masarap ang hangin mula rito, narinig ko na naman ang mga ibon na tila kumakanta at ang pagdaloy ng rumaragasang tubig. I wonder kung saang banda nanggagaling ang mga iyun, bigla rin akong napaurong sa gilid ng may nagtatakbuhang mga usa. Where did they come from?

Magiliw ko lang pinagmasdan ang paligid habang naglalakad, its true that don't judge the book by its cover, katulad na lang ng hindi sila maniniwala kung anong nasa loob ng kagubatang ito kung hindi nila mismo titignan.

Napahinto ako sa paglalakad ng may mamataang daan, pinaliligirang ng matatayog na luntiang mga puno at may kakaibang liwanag sa dulo nun.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad na para bang inaakit akong mapunta hanggang sa liwanag, habang naglalakad ay kapansin pansin rin ang pagliwanag ng mga puno at paligid dahil sa mga alitaptap. Tila ba para silang naglalaro habang ginagayak ako papunta sa liwanag.

Sa huling pagtapak ko ay tuluyan na akong kinain ng liwanag at napapikit sa sobrang silaw.

Pagmulat ng mata ay medyo malabo pa ang paningin ko kaya kinuskos ko ito, sa pangalawang pagkakataon ay nanlalaki ang matang tinignan ko ang paligid. Teka nasaan ako?

.

.

.

.

.

***