Chapter 4

.

.

.

Pinagmasdan ko ang buong paligid, tingin ko nasa isang burol ako, nakikita ko ang mga luntiang damo at mga hayop na nagpapaaraw. Dahan dahan akong humakbang at para akong nasa probinsya dahil sa lawak ng lupa, may kubo at farm house rin akong nakikita sa di kalayuan at mga sakahan nito.

"Tabi!!!"

Hindi ko na napansin ang paparating na kabayo at dali daling umatras pero natapilok ako at bumagsak sa lupa, ang sakit ng pwet ko!

"Ayos ka lang ba binibini?"

Yung pwet ko ang masakit! Inalalayan niya akong makatayo habang hinihimas ko ang pwet ko.

"Bakit ka ba kasi paharang harang sa daan?" Tanong niya kaya inis ko syang binalingan pero natulala rin sa kanyang itsura. Shock! Ang ganda ng texture ng mukha niya! Makapal ang kilay, matangos ang ilong, clean cut ang buhok, mapula ang labi at higit sa lahat ang mga mata niya, tila ba nahihipnotismo ako doon.

"Saan ba ang masakit sayo?" Tanong nito muli at sinipat ako sa katawan

"Ahh-ehh wala, maayos naman ako. Hehe" doon lang din ako bumalik sa ulirat

"Sigurado ka ba?" May himig nitong pag-aalala

"Oo thanks." Sagot ko na lang sabay ngiti

"Ha?" sya

Kunot noo ko syang tinignan? Bakit?

"Saan ka ba nakatira?" Tanong niya ulit

"Ahmm" Saan nga ba? Eh hindi ko nga alam kung nasaan ako. Napabaling ang tingin ko doon sa may kubo tabi ng Farm house

"Ah sige mukhang doon ka nakatira, kailangan ko ng umalis binibini" sya sabay sakay ng kanyang kabayo

"Ok, pasensya na kanina take care." Biglang nangunot na naman ang kanyang noo, may mali na naman ba?

"Paalam!" Kaway nito tsaka pinatakbo ang kabayo. Hays hindi ko talaga gets ang nangyayari.

Bumaba ako ng burol papunta doon sa may farm house, baka kasi may tao roon gusto kong itanong kung nasaan ako. Ngayon ko lang din napansin ang suot kong damit, nasaan ang uniform ko?

Hindi ko alam kung anong klaseng damit ito pero dress sya na mahaba hanggang paa. Makapal ang tela, pula at puti ang kulay, naka-off shoulder din ako at corset ang style ng damit ko ngayon. Mukang pang medieval dress ang dating nito sakin.

"Excuse me? May tao po ba rito?" Tawag ko sabay silip sa loob ng farm house, puro mga baboy, baka, tupa at kabayo ang nakikita ko sa loob.

"Tao po!" Sigaw kong muli

"Bakit iha?" Bigla akong napatalon ng may humawak sa aking balikat

"Pasensya na po sa abala hehe" sabay yuko ko

"Anong maitutulong ko sayo?" Sabay ngiti nito sakin, parehas kami nitong nakabistida pero mas plain sa kanya at may butones sa harap, mukha na ring may edad sya.

"Lola gusto ko lang magtanong kung anong lugar po ito." Nahihiya ko pang sabi

"Naku, nawawala ka ba?" Sa tono nitong may pag-aalala

"Hmm parang?" Hindi ko talaga ang sasabihin.

"Kawawa ka naman, halika at mukhang pagod ka na rin. Kumain ka muna" aya nito sa akin sabay gayak papunta sa may kubo.

Nahihiya man ay pumunta kami sa kubo nila at doon ako pinaupo.

"Saglit lang iha at ikukuha kita ng makakain" tumango na lang ako bilang pag sang ayon

Umikot ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila, simple lang sya pero malinis. Ang mga upuan at lamesa nila rito ay gawa sa kahoy, vintage ang datingan sa apat na sulok ng sala nito.

"Eto at kumain ka ng madami" naglapag sya ng tinapay at gatas

"Maraming salamat po lola" kinuha ko yung gatas tsaka inamoy, fresh milk?

"Saang bayan ka ba galing iha?" Tanong nito, ano ba dapat kong isagot?

"Ang alam ko po malayo, ang totoo first time ko lang makapunta rito hehe"

"First time?"

"Opo lola"

"Anong ibig sabihin ng first time?" Buti hindi ko pa nahihigop yung gatas sa baso at baka mabulunan ako.

"Unang beses po" kagat labi kong sabi

"Ahh ganun ba? Mukhang wala kang alam sa lugar na 'toh, buti at napadpad ka rito samin dahil tiyak na wala kang matutuluyan ngayon at baka mapahamak ka pa sa labas." Nag-aalala nitong pahayag

"Mahal napakain mo na ba ang mga manok?" Iniluwa ng kahoy na pinto ang isang lalaki na kasing tanda lang din ni lola, marumi ang puting damit nito at nakasuot ng sombrelong balanggot (it's a native Filipino hat made from nipa leaves, kadalasang suot ng mangbubukid).

"Ay hindi pa pala, saglit lang Dante at may bisita pa akong inaasikaso." Baling sakin ni Lola kaya tumingin na rin sya sa direksyon ko, agad akong tumayo tsaka bumati.

"Kamusta po" ako sabay yuko

"Iha, sya nga pala ang aking asawang si Dante." Pakilala niya

"Kamusta iha?" Tanong ni lolo Dante

"Mabuti naman po, pasensya na sa istorbo."

"Mukhang nawawala sya Dante at hindi alam kung saan pupunta, pati pinanggalingan niya ay mukhang malayo." Lola

"Ganun ba? Dito ka muna magpalipas ng araw dahil maraming mababangis na hayop dyan sa kakahuyan, baka mapahamak ka pa." Lolo

"Sobrang nakakahiya naman sa inyo, hindi ko alam ang sasabihin."

"Ayos lang iha dahil kaming dalawa lang naman ng asawa ko rito ang nakatira." Nakangiting sabi ni lola, napatango na lang din ako

"Ano nga palang pangalan mo iha?" Si lolo Dante sabay upo nito sa kabilang upuan sa harap ko.

"Czarina po"

"Kakaibang pangalan, ngayon ko lang narinig at bagay sayo iha" napangiti naman ako sa sagot ni lolo Dante

"Saglit lang Dante at ikukuha na rin kita ng pagkain, magpalit ka man lang muna sana ng damit mo." Sermon ni lola kay lolo Dante

"Naku pasensya na, nakakahiya sa bisita, eto at magpapalit na." taas kamay na sabi ni lolo habang natatawang umakyat sa 2nd floor. Natuwa naman ako sa kanila, para silang bagets kung kumilos.

"Pagpasensyahan mo na yang si Dante, pasaway rin kasi minsan kung hindi pag sasabihan." Iling na sabi ni lola habang hihilot ang sintido nito.

"Ok lang po lola, nakakatuwa nga kayong panoorin eh" actually sweet pa nga eh, ang cute ng endearment nila mahal ko.

"Ok?"

"Ibig pong sabihin ay ayos lang" jeez mukhang wala silang English subject noong nag aaral pa sila.

"Ako nga pala si Emilla, lola Emilla." Pormal na pakilala nito, binati ko rin sya sa pangalan niya. Ang gaan ng loob ko sa kanilang dalawa ni lolo Dante, hindi naman sila masamang tao eh.

"Saglit at papakainin ko lang muna ang mga manok"

"Sama po ako" presenta ko

"Sigurado ka ba iha?"

"Opo lola Emilla, nakapagpakain na rin naman ako noon ng manok." Naalala ko kasi noong retreat namin, namuhay kaming magsasaka noon. Naalala ko rin ang itsura ng mga kaklase kong nandidiri habang nagpapakain ng baboy at nag gagatas ng mga baka hahaha. Pero syempre hindi ko makakalimutan noong nagpakain kami ng manok, pumasok kami lahat sa kulungan nila at sobrang dami talaga, nagsimula kaming magpakain noon hanggang sa hinabol kaming lahat.

Pumunta kami ni lola Emilla sa kabilang farm house nila at doon ko nakita ang puro manok. I guess this is their poultry farm. Nakahanay paderetso ang lagayan nila ng pagkain.

"Gusto mo bang maglibot-libot muna iha sa buong bukid? Para malibang ka naman habang nagpapakain ako rito ng mga manok." Suggest ni lola Emilla kaya sinunod ko na lang, lumabas ako sa poultry farm at nilanghap ang sariwang hangin. Gustong gusto ko talaga ang ganitong amoy, para akong nasa probinsya.

Hindi ganoon kataas ang init ng araw, sakto lang para maarawan ang balat mo pero hindi yung tipong mapapaso ka kaagad kahit kakalabas mo pa lang. Ang sarap magpicture taking dito, kinuha ko ang cellphone sa bag pero... Nasaan ang bagpack ko?

Kinapkap ko ang sarili pero wala, tanging itong medieval dress na lang ang suot ko pagkatapos kong pumasok sa liwanag.

Umakyat ako pataas ng burol hanggang sa makarating ako sa kalsadang dahilan ng pagsakit ng pwet ko. Hinanap ko kung saan ako lumabas kanina at pumasok sa kakahuyan, nang makita ko ang liwanag ay tumayo ako sa harapan nito. Dahan dahan akong humakbang hanggang sa kinain muli ako ng liwanag at napapikit.

Pagmulat ng mata ay nandito na ako uli sa kagubatan, tinignan ko ang lapag at nandoon ang mga gamit ko pati yung libro. Bumalik na rin yung suot kong uniform, jeez! Tingin ko umabot na ako ng isang oras sa pananatili dito, i check the time and shocked was written on my face. 10:13AM pa lang? As far as i know ay 10:10AM bago ako pumasok sa liwanag at alam kong nagtagal ako doon mahigit 1 hour pero 3 minutes lang ang nadagdag? Wierd.

Sinukbit ko ang bag at lumingon sa liwanag na pinanggalingan ko, I need to relax my mind at baka purong ilusyon na lang lahat itong nakikita ko. Umalis na ako sa kagubatang iyun at dumeretso sa school, I think I need a psychologist.

Dumating ako sa University ng 10:40AM, at katulad ng inaasahan ay ako pa lang ang tao sa classroom dahil maaga pa nga. Umupo ako sa upuan at sumandal na tila pagod kahit wala naman akong maramdaman, kinuha ko ang librong walang pamagat at tinatamad na siniyasat.

Napaayos agad ako ng upo ng makita na may kasunod ng larawan sa pangatlong pahina, pamilyar ang larawan dahil itong-ito ang itsura ng buong farm nila lola Emilla at lolo Dante! Sobrang detail ng istura pero walang kulay, black and white lang sya ngunit sapat ng malaman na kina lola at lolo ang farm na iyun.

Sinarado ko ang libro ng nakatulala at gulong gulo.

"Arrgggh! Hindi ko na alam ang gagawin, nababaliw na ako! Ano ba kasing nangyari?!" Baliw na nga talaga ata ako kasi sigaw ako ng sigaw sa room at sinasabunutan ang sarili, mas lalong dumagdag ang mga tanong at kuryosidad ko sa buong katawan at para na akong mawawala sa ulirat.

.

.

.

.

.

***