Prologue : The beginning

Paalala: Ang kwentong ito ay ayun sa nais ng author at kung sakali man ang istoryang ito ay nahahawig sa simbahan, politika, sa pangalan ng tao, lahat ng mga iyon at nagkataon lamang upang mapaganda ang takbo ng storya.

........

Lahat ng nakikita ng mata ay may pinagmulan.

Ngunit saan ngaba tayo nagmula? Sino nga ba ang totoong may gawa?

Lahat ng nakikita ng mata, lahat ng nararamdaman ng katawan, lahat ng naaamoy ng ating ilong, isang malaking palaisipan kung totoo nga ba ang lahat ng mga sinasabi ng science.

Ngunit panu naman Yung may mga karamdaman na tao na mahirap ng malutas ng science?

Sino nga ba ang may gawa?

Malamang mapapatanong ka, akala mo siguro ang Diyos walang ginawa kundi magbigay ng hirap sa mga taong katulad natin na nahihirapan na sa Buhay.

Akala mo siguro isang malaking biro na nabuhay ka sa mundong ito.

Hindi mo ba naisip, na kaya ka nakakagising ay dahil ginigising ka niya. Am not talking to the God who created everything. Am talking about the God who always listen, hugs, and caress you without you knowing it.

Tama. May ganun. Isa siyang anak ng Diyos, ngunit dahil sa Isang nilalang magbabago ang lahat. Hindi lang sa kanya kundi pati na Rin lahat.

.

.

.

.

.

.

.

Nasa kalagitnaan ng pagsasaya ang mga Diyos, Diyosa, Gobyerno at Lider ng templo Dito sa malaking bulwagan na ito.

Ang templo at isang sagradong lugar na itinayo ng Diyos at Diyosa, na pinagsisilbihan ng mga Gobyerno at Lider upang mapanatili ang kapayapaan at katahimikan sa pagitan ng mga Diyos at Diyosa.

Maririnig ang iba ibang halakhak ng mga naroon. Ang iba nagbubulong bulongan tungkol sa mga nagawa nila sa Kani kanilang posisyon.

Ngunit lingid ng lahat na may Isang Diyos na paparating. Ang anak ng Diyos.

"Ama!" sigaw ng isang lalaking humahangos papasok sa templo. "Amaaa!" hinanap hanap niya ang malaking bulwagan kung saan may nagaganap na kasiyahan at pagpupulong.

Galit. Yun ang makikita sa kanyang mga mata. Nais ng lalaki na saktan ang kanyang ama dahil masyado nitong inagrabyado ang Isang nilalang na pinapahalagahan niya higit pa sa Sarili niya.

"lapastangan!" sigaw ng isang tinig. Ang kanyang Ina. Maski siya'y nagulat sa inasal ngayon ng kanyang Anak.

Nasa kalagitnaan sila ng pagsasalo-salo ng mga gobyerno at leader kaya walang sino man sa mga anak ng Diyos ang pwedeng pumunta o sirain ang pagsasalo salo. Ang sino Mang lumabag ay may haharaping parusa.

Dahan dahang humakbang ang anak palapit sa Ama. Siya ang unang anak ng Diyos, si Sunaraw, siya ang may hawak ng liwanag ng Mundo.

"Paano mo nagawa sa akin to?" Dahil sa kanyang pighati kaya hindi napigilan ni Sunaraw na magtaas ng kanyang boses sa Ama.

Naawa ang ama sa kanyang unang Anak. Alam nito kung bakit ganun si Sunaraw, alam nito ang rason. Siya ang Diyos, hawak niya ang kapalaran ng Tao at ng ibang nilalang na nakapaligid sa kanya. Ngunit minsan nagkakamali siya sa pag kontrol ng kanyang kapangyarihan, at Yun ang rason kung bakit Galit si Sunaraw.

Naalala ng Diyos ang isang Merhende. Ang Merhende ang may hawak tungkol sa kung sino ang mapapangasawa ng Isang nilalang, kung magiging maganda ba ang resulta ng kanilang pagsasama o puro sakit at pagdudusa.

Pinayuan ng Merhende ang Diyos, tungkol sa unang anak. Na iibig ito at babaguhin ang nakasaad sa Buhay ng aklat. Ang iniibig ng unang anak ay magkakaroon ng malubhang sakit. Hindi daw dapat makialam ang Diyos sapagkat ikapapahamak ito ng templo at sanlibutan.

"Amaaa! Bakit...bakit?" Hindi na napigilan ni Sunaraw ang kanyang Sarili't biglang bumuhos ang kanina pang nagpipigil na mga luha sa kanyang mga mata.

Napapikit ang Diyos Alaran. Hindi niya alam kung pano niya ipapaliwanag sa Mahal na anak.

"Sunaraw..." gusto sanang lapitan ng Diyosa ang anak ngunit hinawakan siya ng Mahal na Asawa, naawa ang Ina Kay Sunaraw. Ni minsan hindi niya pa ito nakitang umiyak simula nung iniluwal siya ng kanyang bulaklak sa kanyang Garden.

Tumingin ang Ina sa kanyang Mahal na Asawa. Hindi niya alam ang nangyayari, siya ang Asawa ngunit ang kanyang papel ay Hindi Kasama ang makialam sa ganitong sitwasyon.

Siya ang Ina, ang tanging kapangyarihan niya'y awa,pagmamahal, Galit at kalungkutan.

Sa Asawa at anak niya lang Hindi nagagamit ang kanyang kapangyarihan sapagkat may batas sa kanila na dapat sundin.

"Alaran -----" sambit niya sa pangalan ng Asawa.

"Ang kapalaran ay Hindi dapat mabago. Kung babaguhin man yun---------" . Biglang napatigil ang Diyos na si Alaran dahil biglang lumuhod ang kanyang panganay na Anak.

"Ikaw Ang gumagawa ng kapalaran. Kung kailangan ibalik ko sa iyo ang aking kapangyarihan, gagawin ko, baguhin mo lang ang nakasaad sa aklat ng Buhay".

Biglang nag ingay ang mga tao sa loob ng malaking kwartong iyon na puno ng magaganda at magagarbong Bagay.

"Alam niya ba ang sinasabi niya?"

"Nahihibang na ba ang Mahal na Sunaraw?"

"Ano bang nangyayari sa kanya?"

"Mahal na Diyos, Anong nangyayari sa Inyo at ganyan ang inyong gawi sa inyong ama?" tanong ng Isang Lider Kay Sunaraw.

Yun ang mga salitang maririnig sa loob ng kwarto.

Walang alam ang mga ito sa nangyayari Kay Diyos Alaran at Diyos Sunaraw.

"Ama..." napigil ang sasabihin ni Sunaraw dahil biglang nagsalita ang ama.

"Ibinigay ko sa iyo ang kapangyarihan dahil Yun ang dapat at Ikaw Ang karapat dapat. Ngayon naman at ibabalik mo sa akin dahil Galit ka?" biglang kumulog at kumidlat sa buong templo.

Alam ng lahat kung sino ang may gawa ng kulog at kidlat. Alam na lahat na kapag kumulog at kumidlat Galit ang Diyos, Ngayon, Hindi inaasahan ng mga dumalo sa pagtitipong iyon ang nagaganap sa Pamilya ng mga Diyos at Diyosa.

" Ano bang nangyayari sa iyo?" tanong ng Diyos Alaran sa Mahal na Sunaraw.

Bibihira lang kung mag kagalit ang mga ito, Mali, Hindi dapat Sila nagkakagalit Galit sa bawat Isa. Dahil Sila ang Diyos ang makapangyarihan at nangangalaga sa mga nilalang na nakapaligid sa kanila.

Sa bawat Galit na nagaganap sa kanilang mga puso, Isang delobyo ang magaganap na Hindi nila aasahan na darating.

Yun ang kinakatakot ng karamihan.

"Bakit, sinabi ko ba na ang bulaklak ko ang piliin niyo upang mailuwal ako at maging isang Sunaraw sa mga mata niyo.?" Nagulat ang lahat sa sinabi ni Sunaraw. Hindi nila inaasahan na ang Isang Diyos ng Liwanag na Walang ibang ginawa sa kanyang Buhay kundi sumunod ayun sa gusto ng Diyos Alaran at Diyosa Trocen.

"Sunaraw!" pigil ni Diyosa Trocen.

"Kung hindi niyo ako pag bibigyan. Ako nalang ang gagawa" tumayo bigla si Sunaraw at inilabas ang kapangyarihan, biglang lumiwanag ng subra sa paligid na halos nabalot na ng Liwanag ang buying paligid

Pinipilit ng lahat na ibuka ang kanilang mga mata ngunit nasasaktan sila dahil sa subrang liwanag.

Ang mga gobyerno at Lider halatang naguguluhan at Hindi nagugustuhan ang nangyayari Ngayon. Alam nila na Hindi dapat Sila mag usisa dahil Wala Silang karapatan sapagkat sila'y itinalaga base sa Kani kanilang kakayahan.

"Ahhhh!" sigaw ng karamihan "Ang aking mata, Diyos Alaran!" sigaw ng Ilan.

"Bulag na ata ako sa subrang liwanag"

maririnig Mula sa labas ang ingay sa loob ng bulwagan.

Ngunit, biglang may naramdaman ang Diyos Alaran. May Mali. Alam niyang may Mali.

Sinubukan niyang tingnan gamit ang kanyang kapangyarihan at nakita niya si Sunaraw hawak ang Aklat ng Buhay.

Anong nangyayari? Sa isip isip niya.

Mukhang may Bago sa Aklat ng Buhay.

Bigla niyang ikinumpas ang Kanyang kaliwang kamay upang higupin ang liwanag.

Ginamitan niya ng kunting mahika ang bawat Isa upang maghilom kaagad ang sakit na naramdaman nila dahil sa liwanag.

"Trocen, ang Aklat ng Buhay binuklat ni Sunaraw upang baguhin ang nakasulat sa Isang pahina".

.

.

.

.

.

.

.

"Alam mo ba ang iyong ginawa, Sunaraw?" Galit na Galit ang Diyos Alaran ng Makita ang anak sa harapan ng Aklat ng Buhay.

Binago ng anak ang takbo ng Buhay ng Isang nilalang na Hindi dapat nito ginawa.

"Inilagay mo ang Buhay niya sa alanganin kung sakaling ang bulaklak ay bumuka."

Napatigil si Sunaraw. Anong ibig Sabihin ng ama?

"Dahil sa ginawa mo paparusahan Kita ng pagkakakulong ng higit 100,000 na taon sa kweba ng katotohanan."

"Ama!" sabay na sabay na Sabi ng mga Kapatid ni Sunaraw. Hindi nila napansin na kanina pa pala nakikinig ang tatlong Kapatid ni Sunaraw na Sina:

Rainulan - ang pangalawang anak ng Diyos Alaran. Siya ang may hawak sa ulan at laging di kasundo ni Sunaraw.

Coldamig -ang pangatlong anak, hawak niya ang kapangyarihan ng nyebe.

Ibol- ang pang apat na anak, siya ang may hawak ng kapangyarihan para pangalagaan ang kapaligiran. Siya ang Lider sa pagbabantay ng Garden ng kanyang Ina.

Sinabihan Sila ng ama na tulungan siya upang pigilan si Sunaraw. Kaya Dali Dali Silang nagtungo sa Porta. Isang kwarto na Ang tanging laman lang at Aklat.

" Sabihin mo sa akin ama" mukhang hindi natakot si Sunaraw sa sinabi ng kanyang ama. "Mangako ka, na Hindi mo na babaguhin ang nakasaad sa Aklat ng Buhay. Kahit Anong mangyari" tumingin si Sunaraw sa ama. "Mangako kayo".

Hindi paman nakapag salita ang mga Kapatid upang tutulan ang Kapatid nilang si Sunaraw bigla na itong naglaho.

Wala na silang magagawa. Ang desisyon ng Diyos Alaran ang lamang sa lahat.

Matagal.

Mahirap.

Dalangin nila na sana makayanan ni Sunaraw ang lahat ng hirap sa Kweba ng Katotohanan.