Chapter 1

Year: 1351

Simula Nung mawala si Sunaraw ang kalangitan ay lagi ng nababalot ng dilim, ni Minsan hindi manlang pinayagan ng Diyos Alaran ang nais ng kanyang mga nasasakupan na ibalik muli ang liwanag.

Simula ng mawala si Sunaraw, si Rainulan na ang nagbibigay ng kasiyan sa lahat. Ngunit, ang delobyong Hindi inaasahan ng karamihan ay kusang dumarating kung kelan Masaya ang lahat.

Ang kapangyarihan ni Rainulan ay nagkaroon ng kunting Galit na nagresulta ng pagbagyo at Pagbaha ang ganitong pang yayari ay hindi kailangan mawawala sapagkat ang ano Mang Bagay na gawa ng Isang Diyos ay hindi dapat na baguhin magpakailanman. kahit anong Gawin niya ay Hindi niya matutumbasan ang galing ni Sunaraw kung kaya at nagresulta ng ganitong pangyayari.

Kung may magagawa lamang siya upang maibalik ang dati at gagawin niya.

Nakikita niya ang kanilang mga nasasakupan, humihingi ng tulong sa Diyos Alaran. Dahil dun mas lalong nagkakaroon ng kunting tampuhan sa pagitan ng mag ama sapagkat mas pinapakinggan nito ang hiling ng mga nasasakupan kesa sa kanila.

Nasa batas ng mga Diyos na Hindi dapat nagkakaroon ng ganung Galit o tampuhan sa pagitan nila sapagkat ito ay nagreresulta ng kapahamakan at panganib sa sanlibutan Hindi lamang sa kanilang templo.

.

.

.

** Mundo ng mga Tao

"Nay, bakit po umuulan lagi?" tanong ng munting bata sa ina. Nagulat ang Ina sa tanong ng kanyang inosenteng anak, Bigla ay tinakpan ng Ina ang big ng kanyang Anak. Ayun sa Sabi Sabi, ang sino mang mag tanong kung bakit laging may ulan ay minamalas ang buong pamilya.

"Ssshhh, Rosas. Hayaan mo na Yan at titigil din Yan" May Galit na madadama sa tono ng Ina dahil kung Hindi siya magagalit Hindi titigil ang anak sa katatanong na pwede nilang ikapahamak.

Ngunit huli na ang lahat. Dahil narinig na ng Diyos Rainulan ang katanungan ng bata.

Biglang bumukas ang mga bintana at pintuan ng munti tahanan ng mag Ina dahil sa malakas na pwersa na Hindi nila alam kung saan bang galing.

"Aaahhhh!!!" sigaw ng Ina dahil sa gulat. Napahawak ang bata sa damit ng Ina dahil sa takot.

"Nay, Anong nangyari?"

kinakabahan man ay pinilit tumayo ng Ina upang isara ang pinto at bintana, ngunit biglang kumidlat ng malakas sa labas.

"Aaahhhh!" sigaw muli ng ina. Nakakatakot Ngayon ang ulan, Sabi ng ina sa kanyang isipan.

"Ano bang nangyayari?" Hindi mapigilan ng Ina ang magtanong.

"Nay, natatakot ako " dahil sa narinig na iyak ng anak. Mabilis na isinara ng Ina ang pintuan at Bintana. Niyakan niya ng mahigpit ang anak ng siya ay makalapit na.

Akala nila magiging ok na.

akala lang pala nila.

Dahil, Isang puting usok ang biglang pumasok sa mga butas ng Bahay. Isa lamang iyon usok para sa karamihan, ngunit, ang usok na iyon ay hindi Normal.

Walang usok na kumikislap na parang tubig na tinatamaan ng araw.

"Nanay, ano bang nangyari?" iyak ni Rosas dahil sa takot.

Maski ang Ina Hindi alam ang nangyayari.

Hindi kaya---------

Napaluhod ang Ina habang hawak hawak ang anak.

Hindi maaari --------

"Nay, umalis na Tayo Dito" iyak muli ni Rosas.

Biglang natauhan ang Ina sa sinabi ng Anak. Tama, tumakas. Ang pagtakas ang mabuting paraan sa mga oras na iyon.

Ngunit huli na.

Dahil nakumpleto na Ang transpormasyon ng isang Diyos.

Si Rainulan.

Isang tao na ganito ang itsura ang maglalakas ng loob para magtanong tungkol sa biyaya ng Diyos? Mga hangal.

sa isip isip ni Rainulan. Walang ano ano ay inilabas niya ang kanyang kapangyarihan at kumuha ng tubig galing sa ulan upang sakalin ang mag Ina.

Mga hangal na tao.

"Aaahhhh. An-anakkk"

"Aaahhhhhh. " sigaw ni Rosas habang umiiyak. hindi na siya makahinga.

Sino ba to? tanong ng inosenteng utak ni Rosas. Bakit sinasaktan Sila ng nanay niya? Wala pa nga Silang nakain simula kaninang Umaga dahil sa ulan.

Narinig iyon ni Rainulan.

Nasaktan siya dahil sa sinabi ng bata. Isa siyang Diyos kaya, kaya niyang marinig ang sinasabi ng mga utak nila.

Isang bata? Isang katulad ng batang ito?

Nang gigigil na pinakawalan niya ang mga leeg ng mag Ina.

"Oh Diyos ko, patawarin mo kami sa aming pagkakasala" kahit Hindi pa nakakabawi ng lakas ang Ina ay lumuhod pa rin ito at nagawang halikan ang paa ni Rainulan. "Maawa kayo sa Amin. Hindi na kami uulit" naiiyak na Sabi ng Ina.

"Nay!" napatayong umiiyak ang bata dahil umiiyak din ang kanyang Nanay. Lumapit siya Kay Rainulan.

Walang alam ang bata.

Halatang inosente ito sa mundong ginagalawan nito.

"Ang Sama mo" pinalo ng inosenteng kamay ang isang Rainulan. "Sinasaktan mo kami. Pinapaiyak mo si nanay. Bakit ka ba ganyan? Sino ka ba?" Walang tigil sa pag palo ang bata.

Ngunit ang lakas niya ay hindi maikukumpara sa lakas na Meron si Rainulan.

Hinawakan niya ang maliliit nitong kamay at tiningnan sa mata.

Liwanag...

Nakita niya

Hindi siya maaaring magkamali

kitang Kita niya sa mga mata ng batang ito

Sunaraw anong ginawa mo?

Tiningnan niya ang Ina ng bata. "Kung papatayin ko ang anak mo, may magagawa ka pa ba?" nagulat ang Ina sa tanong ng bata.

"Diyos ko. Wag. maawa ka sa kanya. Ako nalang ang patayin niyo. Ako nalang"

Walang balak na paslangin ni Rainulan ang dalawa dahil sa nakita niya.

Napangiti siya.

"Hindi ko kayo papaslangin sa Ngayon kung papayag kayo sa kasunduan"

Nagtaka ang Ina.

Makikipagkasundo siya sa Isang Diyos.

"Anong kasunduan?"

Mas Lalong napangiti si Rainulan.

.

.

.

.

.

.

**Kweba ng katotohanan

Madilim at mapanganib ang Lugar na ito ngunit gusto malaman ni Rainulan kung totoo ba ang kanyang nakita.

Napangiti siya dahil naalala niya ang ginawang kasunduan kanina sa Ina ng batang Dala niya Ngayon Dito sa Kweba ng Kasunduan.

Pumasok na Sila.

Naramdaman niya na biglang napakapit ang bata sa kanya.

Mga tao nga naman. Alam na nga nilang Kasama nila ang Diyos pero takot pa rin.

Nakarating Sila kaagad sa Zel kung saan nakakulong at nakaposas si Sunaraw. Walang kapangyarihan ng Diyos ang makakayang tanggalin ang kadena na ginawa ng isang makapangyarihan Diyos gamit ang kanyang Galit.

"Si nanay... gusto ko na pong umuwi"

Ngumiti siya at tumingin sa ibaba niya.

"Hindi kana makakauwi" Sabi niya. "Nakikita mo ba Yan?" itinuro ni Rainulan ang Mahal na Kapatid na nanghihina dahil sa kadena.

"Sino siya?" inosenteng tanong ni Rosas.

"Kapatid ko." mapait niyang Sabi. "At Ikaw" sa Ngayon kailangan niya maging masamang Diyos upang may mailigtas. "Ikaw Ang magliligtas sa kanya."

Hindi maintindihan ng bata ang nais ipahiwatig ni Rainulan kaya tumango lang ito. Dahil gusto na niyang umuwi.

"Ililigtas ko siya" pinahid niya ang sipon gamit ang kamay pati ang luha gamit ang dalawang kamay.

Dugo ang kailangan....

Alam niya.

Na Ang batang ito ang magliligtas sa kapatid niya.

Inilabas niya ang kanyang sandata na tubig. Tinitigan niya si Sunaraw.

"Paano natin siya ililigtas ginoo?

Ngumiti lang si Rainulan sa bata at nagtungo sa likod nito.

Ito ang dapat upang maibalik ang liwanag sa Mundo.

Titigil lamang ang delubyo kung babalik si Sunaraw.

"Rainulan?" nagulat siya at napatitig sa nanghihinang boses.

Kitang Kita niya kung pano nanlaki ang mga mata ni Sunaraw ng Makita ang bata.

Nakita din siguro nito ang nakikita niya sa mga mata ng bata.

Patawarin mo ako Mahal Kong Kapatid. Sabi ni Rainulan sa kanyang isipan.

Alam niyang naririnig siya ng kanyang Kapatid.

Itinaas niya ang sandata at itinusok iyon sa likod ng bata.

"Waggggg!!" nanghihina man ay nagawa pa Rin ni Sunaraw sumigaw na kayang magpayanig ng Mundo.

Ngunit dahil nasa loob siya ng Zel sa Kweba nga Katotohanan ay napaka impossible na marinig iyon ng mundo.

Tinitigan ni Rainulan ang bata. Ngunit nagulat siya sa kanyang nakita.

Alam na niya pero iba pala pag nagiging totoo na.

Napangit siya.

Ang dugo ng bata ay hindi ordinaryong dugo.

Hinawakan niya ang dugo ng bata.

"Kun menri di ho timlo sapud barakula, er per besan horto nertpemdemsu. Saha yutre were vermin labustinggo." unti unting nagiging liwanag ang dugo ng bata. Napangit siya. Tama nga siya sa kanyang hinala. "Forte teres beku daw tyada ig in bu harta."

"Rainulan, Anong ginawa mo sa kanya. Itigil mo yan. Mamamatay siya. Tumigil ka."

"es okli mon gurhu man perti!!!!".

Nabalot Bigla ng liwanag ang buong Kweba.

.

.

.

.

Year: 1456

Ilang taon na Ang nakalipas ngunit ang Galit na nararamdaman ni Sunaraw sa Kapatid na si Rainulan ay nandun pa rin.

Minabuti niya munang hindi bumalik sa templo.

Pag naaalala ni Sunaraw ang ginawa nitong pag paslang sa batang dinala nito sa Kweba ng Katotohanan ay hindi niya kayang ipikit man lang ang mga mata at huminga.

"Hahanapin Kita" bulong niya sa isang bulaklak na pinatigas niya gamit ang kapangyarihan ni Coldamig.

Nagkaroon pala ng kasunduan ang Ina ng bata at si Rainulan, na Hindi na ang pamilya nito magdudusa pagdating sa buhay hangga't nabubuhay ang mga lahi nito, ngunit kapalit nun ang pag sama ng bata Kay Rainulan.

Napabuntong hininga si Sunaraw sa ginawa ng Kapatid. Alam ni Sunaraw na ginawa iyon ni Rainulan upang Hindi umabot ng 100,000 na taon ang kanyang pagkakakulong sa Kweba nga Katotohanan.

Ang kanyang misyon.

Hanapin ang pamilya ng bata.

Ibinigay niya ang Kalahati ng kanyang kapangyarihan sa kaluluwa ng bata. Dahil mahina pa siya ng mga panahon na iyon, mag aantay siya ng ilang taon upang makita ang bata.