"Ano?" Hindi makapaniwala si Cheska sa narinig Mula sa kanyang Lola. "Lola ako lang ba ang apo niyo, bakit kayo ganyan sa akin?"
Hindi siya makapaniwala sa Lola niya. Malapit ng mawala sa Mundo ang Lola niya, Mahal na Mahal niya ang Lola niya pero ang pakinggan ito sa dying wish nito na magpakasal sa ipapakilala nitong lalaki at hindi siya papayag.
"Cheska, hija. Ikaw lang ang nag iisang babae na kahawig ko."
Kahawig niya? Anong Ibig Sabihin nun? Ang layo layo ko nga sa itsura nila. Kaya napagkakamalan akong ampon.
"Lola ang unfair niyo naman. Bakit Asawa agad hindi ba pwede boyfriend Muna?"
umiling ang Lola niya.
Nanghina siya.
"Lola Senior High School palang po ako, ano nalang sasabihin ng mga classmate ko. Na Ang landi landi ko."
Nanlaki ang mga mata ng Lola ng marinig ang sinabi ng Apo. Kaya Bigla niya itong kinurot sa hita.
"Arayy Lola "
"Anong Aray. Hindi lang Yan ang aabutin mo pag Hindi ka pumayag. Hayyy naku, bakit ba napaka iba mo sa mga Kapatid mo?" mahinahun lang yun ngunit nasaktan pa Rin ang loob ni Cheska.
Ikinumpara nanaman siya.
" Bakit kasi kailangan ko kaagad magpakasal? Mamamatay na ba kayo bukas?"
Hinawakan kaagad ng Lola ang buhok ni Cheska. "Naku bata ka, napaka pilya mo pa Rin"
"Arayy.lola buhok ko" mahigpit Kasi pagkakahawak ng Lola sa buhon ni Cheska.
"Bibitawan ko lang ito kung papayag ka."
"Bakit kasi biglaan? Hindi ba pwede after Graduation nalang ng College?" mas lalong hinigpitan ng Lola ang pagkakakapit.
"Ano!" napaka pasaway talaga ni Cheska. Yun ang nasa isip ng Lola.
" Ok. ok. Kahit pagtungtung ko nalang ng 2nd year college,Lola" nagmamakaawa na siya sa Lola niya.
Ano bang pumasok sa utak ng matanda at gusto siya nitong ipakasal kaagad. Malamang naaawa nanaman ito sa Lagay niya kung saka sakaling pumanaw ito.
"Hindi!" binitiwan ng Lola ang buhok ni Cheska at umupo sa upuan. Ano bang gagawin niya Kay Cheska mukhang ayaw nito.
Napahawak siya sa dibdib niya. Alam niya na malapit na siyang mawala sa Mundo, kaya gagawin niya ang lahat. "Haaa..." biglang nanikip ang dibdib niya. Napapikit ang Lola dahil sa nararamdaman.
Nataranta naman si Cheska. "Lola?" lumapit siya kaagad. Anong gagawin niya?. "Lola, ok ka lang?"
Umiling lang Kay Cheska ang Lola niya. Shit. Wala siyang ibang masabi kundi ang magmura.
Nararamdaman niya na naghihina ang kanyang Lola kaya bigla niyang pinindot ang intercom ng kwarto ng Lola niya upang magtawag ng tulong.
"Lolaaa. Wag niyo naman akong iwan please ". naiiyak na siya. Panu nga ba siya kung sakaling Wala na Ang Lola niya. May magulang pa naman kaya lang mas malapit siya sa Lola niya. "Lola" naiiyak na siya. "Pag maging ok ka, papayag na akong magpakasal kahit Ngayon pa."
Napadilat ng mata ang kaninang naghihina na Lola. "Talaga!"
Nagulat naman si Cheska sa naging reaction ng kanyang Lola. "Teka! fake ba Yun?"
Humagalpak ng tawa ang Lola niya. Nadali niya Kasi ang Apo niya. "Totoo Yun. Masakit ang dibdib ko kasi ayaw mong pumayag" tumayo ito upang yakapin ang apo.
"Lola naman! Alam mo ba mababaliw na ako kanina sa subrang takot at pag aalala." ngumiti lang ang Lola at lumakad papunta sa loob ng damitan.
Kung ikukumpara sa ibang mayayaman, mayaman talaga ang Lola niya. Namana niya daw lahat iyon sa mga Magulang nito na namana din sa mgulang ng magulang ni Lola na namana lang naman sa magulang ng magulang na magulang ng magulang ni Lola at namana --------- basta naman nila lahat sa mga magulang nila.
Sinundan ni Cheska ang Lola niya.
Biglang may kinuha ito Mula sa Isang cabinet.
Box?
Natawa siya. "Ano to la, mga alahas mo na Hindi mo naipakita sa mga apo at magulang ko? Ibigay mo nalang sa akin at ibebenta ko. Wag kang mag alala, 50/50 tayo."
Ngunit Hindi nakita ni Cheska na ngumiti ang Lola. Kaya sumeryoso nalang siya.
"Bigkasin mo ang pangalan na Yan" Isang papel ang dinukot ng Lola sa box at ibinigay Kay Cheska.
Sunaraw? what a weird name. Natawa siya.
"Cheska!" saway ng Lola Kay Cheska alam nito na nagiging pilya na naman ito.
"Tapus ano mangyayari?"
"Pwede ba bata. Sundin mo Muna ako Bago ka magtanong" tumango tango siya sa sinabi ng Lola.
Sunaraw? Pangalan ba to?
"Sun--" natawa siya. Nagpipigil siya ng natawa dahil sa pangalan. "Sunaraw".
Tumingin bigla ang Lola sa paligid at lumakad papunta sa bintana. Sinundan naman siya ni Cheska.
"Bakit Lola, may nararamdaman ba ulit kayo?"
"Pano nangyari to?"
"Ano Lola?" may sinasabi ba Lola niya? Hindi Kasi marinig ni Cheska.
"May Mali "
"Mali? .... saan?" tumingin din si Cheska sa bintana.
"Binasa mo ba ng maayos ang nandun sa papel?"
"Oo. Sunaraw. Sunaraw. Sunaraw. Yun ang nandun sa papel di ba?"
Tumango tango ang Lola.
Hindi siya maaaring magkamali na si Cheska ang pwedeng pumalit sa kanya. Kaya lang bakit Hindi nito natawag si Sunaraw?
Isang malaking katanungan iyo sa isipan ng matanda.
Sigurado siya na Apo niya si Cheska.
Ano bang Mali.?
Umupo ang Lola sa higaan niya.
"Lola, wag naman kayong ganyan. Ano bang nangyayari sa Inyo?" lumapit si Cheska sa Lola niya
"Cheska apo." hinawakan niya ang kamay ni Cheska at ngumiti. "Wag na natin ituloy ang kasal"
Ngunit isang malakas na kidlat ang biglang tumama sa lupa kung saan malapit lang sa Bahay ng Lola nila.
Nagulat Sila ng Lola niya. "Oh my ghad." Napatayo si Cheska. Maganda naman ang sigla ng Araw bakit nagkaroon ng kidlat.
end of the world na ba?
Tumingin si Cheska sa Lola niya. "Lola nakita niyo Yun? Kumidlat kahit -------"
Nagulat siya dahil sa mata ng Lola niya. Tila may tinitingnan ito sa likod niya.
Kumunot ang noo niya Bago niya tingnan ang tinitingnan ng Lola niya.
"Aaaahhhhh! Magnanakaw. Lola, may rapist" tumakbo siya papunta sa likod ng Lola niya.
Teka Mali, panu kung saktan nito si Lola?
Kinuha ni Cheska ng unan ng Lola niya at ibinato sa lalaking nasa harapan nila.
"Cheska tumigil ka!" saway ng Lola niya sa kanya.
Nagulat siya sa Lola niya.
Ano to? Na hypnotize ba ang Lola niya sa lalaki na ito? Ha! so may alam pala itong magic magic.
"Cheska!" saway ulit ng Lola niya ng susugurin niya ang lalaki.
"Lola, Hindi ka ba natatakot sa kanya? Akyat Bahay to" turo niya ang lalaki na nasa harapan niya. Mukha ngang estatwa Kasi Hindi gumagalaw at nakatitig lang Kay Cheska. "Gwapo lang yan Lola, wag rating manghinayang lalo na kung sasaktan Tayo".
Ngunit isang malakas na batok lang ang ibinigay ng Lola niya sa kanya bilang tugon. "Tumigil kana Kasi Cheska" mahinahun na pakiusap ng Lola.
Tinitigan niya ng masama ang lalaki. "Wag kang magkakamali, kundi tatawag ako ng pulis"
Tumingin si Cheska sa Lola niya. "Lola" lumapit siya kaagad dahil mukhang luluhod ito.
"May masakit ba sa inyo?"
"Gayahin mo nalang ako" gusto pa sanang magtanong ni Cheska kaya lang hinatak na siya ng Lola niya upang lumuhod.
Tinitigan niya ng masama ang lalaki.
Ngayon lang napansin ni Cheska ang kasuotan ng lalaki. Mukhang may event na dadaluhang Kasama ang president ng pilipinas.
Sa suot niyang Yan Hindi Bagay ang akyat Bahay.
"Mahal na Sunaraw" sambit ng kanyang Lola.
Sunaraw? Tao pala talaga siya.
"Ang aking apo siya ang susunod sa akin. Sana ay mapatawad niyo siya sa kanyang inasal Ngayon." pagsusumamo ng Lola niya.
Hayyy ano ba kasing nangyayari?
"Wag kayong mag alala, hanggat ako ay nabubuhay tuturuan ko ang aking apo na maging mabuting Asawa niyo "
Teka, parang may Mali.
"Lola!... Asawa.. siya... magiging Asawa ko?" napaturo si Cheska sa lalaking nasa harapan niya.
Tumayo siya at nilapitan si Sunaraw. "Hoyyy lalaki anong mahika ang ginamit mo at naging ganyan ang Lola ko"
"Cheska, ano ka ba" hinila siya ng Lola niya.
"Lola, ano ba naman kayo. Bakit niyo ako ipapakasal Dyan. Alam ba ito ng mama at papa?" Umiling sa kanya ang Lola niya.
"Lola, illegal tong ginagawa niyo. Walang consent galing sa magulang ko"
"Cheska. Alam kong nahihirapan Kang intindihin. Alang alang sa pamilya mo at sa akin, kailangan natin Gawin to" mas lalo siyang naguluhan sa sinabi ng Lola niya.
"Hindi ko po kayo maintindihan".
"Pag matapos ang Ritual na kasal ninyo saka ko ipaliliwanag" .
May mangyayari ba sa Lola niya pag Hindi siya pumayag?
"Lola" Hindi niya alam kung Anong gagawin o sasabihin. May mapapahamak ba kung sakaling umayaw pa Rin siya? "Kailangan ang kasal?"
Tatakas siya. Yun ang tanging paraan.
"Ngayon/Ngayon" nagulat siya. Kasi nagsasalita pala Yung lalaking nasa harapan nila.
"Ngayon?? as in now?... Lola, masyado naman kayong atat niyan." nakakabaliw naman talaga.
Ano ba naman itong si Lola parang ano din. sa isip isip ni Cheska.
"Cheska, kailangan mong Gawin ito. Alang alang sa akin at sa pamilya mo".
"Lola, panu naman ang future ko. Nails niyo po ba Yun?" naiiyak niyang Sabi.
Hinaplos ng Lola niya ang Mukha ni Cheska at ngumiti. " Nakita ko na ang iyong hinaharap"
" Lola naman eh" mukhang Hindi ata papaawat ang Lola ni Cheska sa pagpapakasal niya. "Papagalitan ako ni mama't papa pag ikinasal ako sa kanya".
Umiling lamang ang Lola. "Hindi. Dahil itatago mo ito"
Itatago?
"Ang sekretong kasal ay hindi dapat malaman nino man"
"Sekreto?... itatago ko? Pero bakit"