Kasal or sakal?

May kinuha Ang Lola ni Cheska sa box na kinuha nito kanina. Mga litrato, ipinakita nito ang mga iyon Kay Cheska.

"Kambal?" tanong ni Cheska sa Lola nito.

"Hindi, sa ating lahi dalawa ang magkamukha lagi. Ang Lola at ang apo"

Napatingin si Cheska sa lalaki. "Nandito ka lang ba para pakasalan ako?"

Tumango lamang si Sunaraw. "Wag kang mag alala, isa lamang iyon ritual"

"Ritual na kasal?" ang weird ng Lola ni Cheska pati na Rin ng lalaki na nasa harap nito.

"Anong mangyayari kung sakaling umayaw ako?" nilakas ni Cheska ang loob upang magtanong.

"Mapapahamak ka. Pati pamilya't Lola mo"

napatingin si Cheska sa Lola niya. "Marami pa akong gagawin. Maaari na ba nating simulan ang ritual?" tanong ni Sunaraw sa Lola ni Cheska.

Nalulungkot siya.

"Opo, nakahanda na po ang Lahat." yumuko pa ang Lola ni Cheska Kay Sunaraw. "Please, sumunod kayo sa akin".

Naglalakad silang tatlo papunta sa basement. Isang kwarto na hindi niya pa nakita ang bumungad sa kanila.

Meron palang ganito sa Bahay ng Lola niya.

"Ipikit mo ang yong mga mata" tinitigan niya lang ng masama ang lalaki at inirapan.

Bakit ba siya pumayag na magpakasal?

Tinitigan niya ulit ang lalaki. Well, mukhang nasa 25-27 and edad kung ibabase sa Mukha. Kaya lang panu kung manyak to???

Hindi alam ni Cheska kung ano ang susunod na gagawin kung sakaling Walang tutul sa kanilang kasal.

"Pwede na kayong pumasok sa loob" utos ng Lola niya sa kanila.

Iniwan si Cheska't Sunaraw sa kwartong iyon. Hindi pa Rin makapaniwala si Cheska na may ganung kwarto ang Lola niya sa Bahay nito.

Hinawakan ni Sunaraw ang kamay ni Cheska at hinila siya nito sa gitna ng kwarto. Inutusan siya nitong lumuhod Hindi sana niya ito susundin kaya lang sila lang ang tao sa loob.

Lumuhod siya kagaya ng Sabi ni Sunaraw. Sumunod naman sa pagkakaluhod si Sunaraw at tinitigan siya.

"Ipikit mo ang iyong mga mata kung ayaw mong mapahamak ang pamilya mo".

"Oyy Teka wag namang mang blackmail" ipinikit kaagad ni Cheska ang mga mata niya. "Ayan.. nakapikit na sir"

Subukan mo lang akong gahasahin may alam ako sa taekwondo.

"Wag kang mag alala kung Hindi Ikaw Ang mapipili ko, Hindi Ikaw Ang pakakasalan ko"

hah? Napadilat si Cheska sa sinabi ng lalaking kaharap niya na magiging Asawa niya daw.

"Pag Hindi ko sinabi na idilat, wag mo munang ididilat ang mata mo"

ah! pumikit muli si Cheska.

May naramdaman siyang init.

Apoy ba Yun?

Teka!!

Mahapdi.

"Ahhhh!!" gusto sanang idilat ni Cheska ang mga mata niya ngunit parang naka glue ang mga ito. "Aaahhhh. Mahapdi Yung likod ko. Mister. Asan ka??? Anong ginawa mo sa akin"

Ngunit walang ingay na galing sa lalaking Kasama niya.

Mukhang iniwan na siya.

"Ahhhh. Mahapdi "

Ano ba to??? Parang nasusunog Yung likod niya . "Lola!!!!" Hindi na niya kaya ang sakit.

"Lola!!!" tawag niya muli. Bakit parang nanghihina siya?. "Lola!!!" sigaw na ulit.

Biglang may naramdamang palad si Cheska na dumapo sa parte ng likod niya kung saan niya nararamdaman ang hapdi.

Nawala na.

Sinubukan niyang buksan ang mga mata niya ng dahan dahan.

Natuwa siya.

Nakakakita na siya.

Pero nawala ang ngiti niya ng lumingon siya sa lalaking Kasama niya.

Lumingon ulit siya.

Hindi niya na mahanap ang lalaki.

Sabi na nga ba at Hindi magandang ideya ang magpakasal.

Naiiyak si Cheska habang nag iisip.

Imbes na siya ang tatakbo, siya pa ang tinakbuhan ng lalaki.Ganun ba siya kapangit? Sabi niya muli sa kanyang isipan.

Lumakad na siya papunta sa pintuan. Nagulat siya dahil nandun ang kanyang Lola nag aantay sa kanya.

"Lola bakit Hindi niyo ako pinuntahan Nung tinatawag ko kayo?" Hindi na mapigilan ni Cheska ang kanyang Sarili.

"Ssshhh tahan na Apo". Pinunasan ng Lola ang luha ng nakakaawang apo. "Anong nangyari sa loob, hija?" tanong niya habang pinupunasan ang luha ng Apo.

"Yung lalaki. Tumakas po. " naiiyak siya pag naaalala iyon.

Pero parang Hindi nagulat ang Lola sa sinabi ni Cheska. "Tapus, habang Hindi ko mabuksan ang mga mata ko. May naramdaman akong hapdi kanina sa subrang hapdi parang tinatakasan na ako ng lakas"

Sa sinabing iyon ni Cheska nagulat ang Lola at minadaling tingnan ang kanyang likod. "Oh my gad Cheska!"

Nagulat siya. "Bakit Lola?"

"Ikaw nga!"

"Ako?.."

"Apo... natutuwa ako" niyakap siya ng mahigpit.

Ano bang meron sa likod niya? "Lola, ano po ba Yun?" nalilito nanaman si Cheska sa inaasal ng Lola niya.

"Ikaw Ang...." sa subrang lapad ng ngiti ng Lola ni Cheska parang mapupunit na Ang pisngi nito.

"Ang .?"

"Ang asawa ni Sunaraw.."

.

.

.

.

.

Maski sa panaginip naririnig ko pa rin at nakikita yung sinabi sa akin ni Lola.

Tumingin si Cheska sa Kalendaryo. Dalawang Linggo na ang lumipas simula nong mamatay ang Lola ni Cheska.

Hindi maintindihan ni Cheska Yung pagkawala ng Lola niya. Ang sigla sigla pa ng Lola niya nong ikinasal siya at the same time tinakbuhan siya. Pano ito namatay kaagad nong Gabi lang. Inantay lang ba nito Yung pangyayaring iyon?

Masakit.

"Hay. Lola, ang Daya mo" naiiyak niyang Sabi.

"Hoy. Bilisan mo nga diyan at inaantay kana sa labas" tawag ng ate ni Cheska sa kanya.

"Sunod ako ate." sigaw niya rin.

"Ang Arte mo. Bilisan mo nga" dinig ni Cheska ang yapak na parang nagdadabog papalayo sa pintuan niya.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw niya sa mama,papa't mga Kapatid niya Kasi parang Hindi siya pamilya kung ituring.

Pinilit niya ang sarili na ngumiti, kahit alam niya sa sarili na masyadong mahirap tanggapin ang sitwasyon. First day of school niya, kaya dapat maging maganda ang results ng Araw niya.

Binuksan niya ang sasakyan at umupo katabi ang mga Kapatid niya. Lima silang magkakapatid, dalawang babae at tatlong lalaki.

Nang makarating na Sila sa ***** Academy ay nagkanya kanya na sila ng mga Kapatid niya ng Landas.

Hindi naman Loner si Cheska sa school, ayaw niya lang ng maraming tao. May mga kaibigan naman siya na nakakausap minsan or nakakabiruan.

"Cheska!" sigaw ng familiar na boses.

Tama nga ang hinala ni Cheska na Ang kaibigan niyang si Analyn ang tumawag. "Oyy ana, kumusta bakasyon mo?" tanong niya ng makalapit na Sila sa isa't Isa.

"Boring nga eh. Dapat kasi sumama ka sa amin." napangiwi si Cheska sa sinabi ni Analyn.

Hindi Kasi alam ng kaibigan niya na masyadong strikto sa kanya ang pamilya niya.

"Ah Kasi... ano... umalis din kami nun ni Lola.." nalungkot ulit siya.

Lola.

Isang mahigpit na yakap ang ginawa ng kaibigan ni Cheska sa kanya. "Ok ka lang ba? " tumango siya. Ayaw niyang magsalita Kasi maiiyak lamang siya. "Ano ka ba. Halata namang Hindi ka ok....Tara, kain nalang Tayo sa Canteen"

wala ng magawa si Cheska Nung hinatak na siya ni Analyn papuntang Canteen. Biscuits and coke lang naman binibili nila lagi Minsan kung Anong Bago sa Canteen na Hindi gaano kamahal.

"Oyy Cheska alam mo ba ang latest chika today?" napatingin siya sa kaibigan.

"Na may boyfriend ka na?" pabiro niyang Sabi sa kaibigan.

Pinalo naman siya nito. "Ano ka ba, wag kang ganyan baka magkatotoo"

tumawa nalang sila pareho.

"Ano ba Yun?" naglalakad na Sila palabas ng canteen.

"May Bago daw na teacher Yung mga senior high school " napa 'ah' lang si Cheska sa sinabi ni Analyn.

Akala niya Kasi interesting, Hindi pala.

"So?" Sabi niya sa kaibigan.

"Ano ka ba Ches" pinalo siya ng kaibigan. Inilapit ni Analyn ang mukha nito sa Tenga niya. "Gwapo daw yung isang teacher ".

Tumingin siya sa kaibigan. " Gwapo? Baka may Asawa na Yun" Saad niya.

"Ay malamang no" patango tango si Analyn habang sinasabi iyon.

Pumasok na Sila sa loob ng classroom ng makarating Sila sa strand nila. As usual, magkatabi nanaman Silang dalawa. May mga kaibigan naman Silang iba bihira nga lang makausap Kasi busy sa karelation.

"Analyn,Cheska. " sabay Sila ni Analyn na tumingin sa babaeng lumapit. Kaibigan din nila, si Roise. "Bakit andito kayo?.. Doon upuan niyo,gurl"

"Hindi, dito na lang kami sa hulian ni Analyn" Sabi niya. Gusto Kasi ng mga ito na lagi silang nasa harapan.

"Cheska, mas maganda sa harapan." pagkukumbinsi ng kaibigan niyang si Roise.

"Hoy Grenila, Dasthyn." tawag nito sa iba pa nilang kaibigan. "Lipat kayo Dito. Dalhin niyo bag ko... Dito Tayo uupo".

Hay naku naman. Sabi niya sa Sarili.

Si Roise ang pinakamatalino sa kanila. Mabait naman ito at .... maganda. Palautos nga lang.

Tatawa tawang lumapit ang dalawa nilang kaibigan. "Cheska, sorry for your lost" niyakap siya ni Dasthyn.

Ngumiti lang siya ng mapait.

"Hoy mga bruha nagiging blooming na kayo hah" si Grenila. Ang kikay sa kanilang lahat.

Tumawa lang Sila sa biro ng kaibigan. "Ayy may chika ako." bukod sa pagiging kikay, chismosa ng taon din ang kaibigan nila. "May gwapo tayong Teacher. Aaarrhhkkk" nagulat naman silang lahat sa hiyaw nito na parang kinikiliti.

"Ano ka ba Grenila" saway niya.

Biglang tumunog ang bell.

"To all students who are still wandering in the campus kindly go to your respective classrooms. The class will start as soon as the teacher arrive. Again, to all students who are still outside of the classroom kindly go back to your respective strands and section. Your teacher will arrive within a minute. Thank you "