Two Old Friends: Phase 8

Kinagabihan ay nag-bonfire ang grupo sa may beach area. Tuwang-tuwa si Darlene habang nag-iihaw ng marshmallow sa apoy at ang apat naman ay popcorn ang pinapapak.

"Daddy, kwento naman po kayo nung magkaklase pa kayo ni Tita Sam," hiling ni Darlene kay Kenneth.

"Well, you now know that Sam is my best friend."

"Opo. Pero, paano po kayo noon? Lagi po ba kayong magkasamang mamasyal? Nagbi-beach din po ba kayo?"

"Actually, this is the first time that we went together on a beach." Tumingin si Kenneth kay Samantha.

"Eh kasi, puro X-Files yung inaatupag ninyong dalawa," ang sabi ni Ryan.

"Eh kaysa naman sa iyo," ganti ni Samantha. "Puro pambu-bully."

Si Ryan naman ang hinarap ni Darlene. "Bully po ba talaga kayo nun, Ninong? Ang sama po ng mga bully."

"Hindi ko naman ipagkakaila iyon," ani Ryan. "Aminado ako na bad ako nun pero may dahilan pa rin iyon."

"Still, it's not enough reason for you to bully me," ani Kenneth sa kaibigan.

"Bakit ba Ingles ka ng Ingles diyan?" tanong ni Ryan kay Kenneth. "Nagpapa-impress ka, ano?"

"Me? Impress? No, no, no, no, no!" Kinaway-kaway pa ni Kenneth ang hintuturo to strengthen his argument.

"Kunwari ka pa. Eh gusto mo lang namang makapunta sa America kaya nagapa-impress ka diyan kay Sam para isama ka niya," ani Ryan kay Kenneth.

"Ganoon ba?" ani Samantha na nakikisakay din naman sa biro ni Ryan. "Naku, hindi ako madaling ma-impress."

"Really?" Itinaas pa ni Kenneth ang kanang kilay nito.

Natawa ang lahat sa reaksiyon ni Kenneth.

"Ang taray nun, Pare," komento pa ni Ryan.

"Pasensiya na kayo, ha? Ingles kasi ng Ingles yung kausap kong kliyente kanina." Tsaka ito tumingin kay Ryan. "Si Mr. Evans."

"Ano ka ba naman, Pare? Bakasyon ngayon. Huwag munang trabaho ang inaatupag mo," ani Ryan sa kanya.

"But, I can't help it, you know. The client is very demanding," ani Kenneth na ginaya pa ang accent ni Mr. Evans. "He wants updates on his orders. Sabi ko nagbabakasyon yung OM namin. Bawal istorbohin. Baka tumandang binata for life."

Ryan gave him an irate look. Natawa na lamang si Samantha sa reaksiyon nito.

"Daddy, huwag po kayong maingay. Baka malaman ni Tita Jhing yung secret natin," ang sabi naman ni Darlene.

"Shh! Ling!" saway ni Ryan dito.

"Secret?" tanong ni Jenneth. Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa apat.

"Ah... wala iyon," ani Ryan. "Di ba, guys?" Tumingin si Ryan kina Samantha at Kenneth. "Ito naman kasing si Darlene, eh. Halika nga at maglakad-lakad tayo sa dalampasigan."

"Ninong, nagluluto pa ako ng marshmallows," tanggi ni Darlene.

"Nagluluto... Nag-iihaw! Ah basta! Nakarami ka nang naihaw. Halika na."

Walang nagawa si Darlene nang kargahin siya ni Ryan. Pero bago umalis ay kumuha pa ng isang bowl ng popcorn si Ryan.

"Amin na rin ito," aniya. Pagkatapos ay si Darlene naman ang hinarap niya. "Ikaw bata ka, marami tayong dapat pag-usapan. Kaya halika na at marami akong sasabihin sa'yo."

Tuluyan na ngang binitbit ni Ryan sj Darlene palayo sa bonfire. Nasundan na lamang sila ng tingin nina Kenneth at Samantha.

"Ano ba iyong secret?" tanong ni Jenneth sa dalawa.

Hindi makasagot ang dalawa. Si Kenneth ay nanatili lamang na nakatunganga kay Jenneth habang si Samantha ay napakibit-balikat lamang dito.

"Ryan!" Tumayo na si Jenneth. "Hey, Ryan! Wait! What's that secret?"

Sinundan ni Jenneth sina Ryan at Darlene. Nasundan na lamang ito ng tingin nina Kenneth at Samantha.

"Come to think of it," wika ni Kenneth makalipas ang ilang sandali. "Wala nga pala tayong masyadong pasyal noon, ano?"

Tumango si Samantha. "Eh kasi, mga bata pa tayo nun."

"Hindi naman din kasi uso pa noon ang travelling. Basta nakakapaglibang tayo, okay na."

Samantha smiled. "Basta nakakanood tayo ng X-Files."

Napangiti na rin si Kenneth. "Yeah... Well, at least we still could hang out like this now. Lalo na pwede na tayong gumala dahil matatanda na tayo."

"At sinong matanda? Thirty pa lang ako, ano!" ani Samantha.

"O sige na. Ako na ang thirty-two," ani Kenneth. "But you know, there are some things that we cannot do however we want."

"Ano naman iyon?"

"Like our high school prom."

"What about that?"

"We never got the chance to dance."

Natigilan si Samantha. Oo nga naman. Iyon ang isang bagay na hindi nila pwedeng ulitin pa.

"Or maybe we can."

Biglang tumayo si Kenneth at saka binuksan ang space grey iPhone 5S nito. Si Samantha naman ay nakatingin lamang at naghihintay sa susunod na gagawin nito.

Biglang tumugtog ang isang melodiya mula sa hawak na cellphone ni Kenneth. Pagkatapos ay tinignan nito si Samantha.

"Can I have this dance?"

Hindi malaman ni Samantha kung ano ang gagawin. She just stared at Kenneth, not knowing if she'll take his hand and dance with him or look away and turn him down.

𝘓𝘰𝘴𝘵 𝘪𝘯 𝘢 𝘥𝘢𝘯𝘤𝘦, 𝘸𝘢𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘤𝘩𝘢𝘯𝘤𝘦.

𝘈𝘭𝘭 𝘐 𝘳𝘦𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘯𝘦𝘦𝘥𝘦𝘥 𝘸𝘢𝘴 𝘵𝘰 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶...

"Sam..."

Kenneth's eyes are begging her. How can she resist? She held out her hand, eventually held onto his. A moment later, they were dancing to the sweet melody of the song, under the bright starry sky with the moon watching above them. The moment was so perfect, the mood is very romantic. Hindi na nakaiwas pa si Samantha at tuluyan na siyang nadala sa eksenang iyon.

"I wonder how you looked like back then at the prom," Kenneth said.

Samantha looked away. "You wouldn't like it."

"I don't think so."

Samantha looked at him, so she saw the way he looked at her when he said, "I'm sure you will be very beautiful. You are beautiful."

She suddenly felt breathless. She tried so hard to not get noticed, so she did her best to steady her wobbling knees. Good thing she was holding on to him. Wala na siyang nagawa kundi ang tuluyang kumapit kay Kenneth at magpatangay sa pagsayaw nito.

But technically, they were not really dancing. Kenneth is just holding her, tightly, possessively, as if this is the most important moment of his life. Why wouldn't it be? He finally realized his true feelings for his best friend.

His first love.

Oo, ngayon nalaman niya na hanggang ngayon pala, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para kay Samantha. Akala niya sa loob ng maraming taon ay nawala na ang nararamdaman niya, na nagawa na niyang magmahal ng iba at magkaroon ng sariling pamilya. Pero hindi pa pala. Dahil kung anuman ang naramdaman niya noon para sa matalik na kaibigan ay nasa puso pa pala niya.

For what she felt for Samantha is not an ordinary feeling of affection. It's the greatest love a person could ever feel for someone.

And he has to tell her. He has to tell her how he feels. Right now. Because if he didn't, he might not have the chance again.