Nakakatuwa kasi iyong theme ng mga story ko (at least the last two) ay pareho sa manner ng pagpo-post ko sa kanila: again. Iyon bang nauna ko na silang na-post, tapos ngayon ipo-post ko ulit. Just like the protagonists of the stories, mula sa dating pagmamahalan, nagkalayo at ngayon ay nagkitang muli.
Kagaya na lamang nina Ryan at Jenneth. Ang totoo, wala ang mga characters na ito sa pinakaunang version ng story na naisulat ko noong high school. This story was a reply to my classmate's obsession with a certain crush. Natuwa ako at nasabi ko na parang nai-inspire akong gawan sila ng istorya. Kaya hayun, ginawan ko nga sila.
At naisip ko rin na isama ang plot nila sa story nina Samantha at Kenneth, para na rin mailayo ng tuluyan ang story na iyon sa movie na naging inspirasyon noon. At, ito nga ang naging resulta.
Kaya naman, heto ang kwento nina Ryan at Jenneth. Ano nga ba ang nangyari sa kanilang dalawa noon? Paano sila umibig sa isa't isa at paanong nasira ang napakagandang pag-iibigan nilang dalawa?
Kung first time ninyong makita itong story, I suggest na basahin n'yo muna ang kwentong Moonville Series 2: Maybe This Time. Pero bago iyon, kailangan n'yo munang basahin ang Way Back Then: Prelude to Moonville Series 2: Maybe This Time. Pero pwede rin namang hindi. Nasa inyo naman iyon.
O kaya, pagkabasa ninyo dito ay isunod ninyo iyon. Iyong nga lang, medyo maiiba ang order ng mga kwento, dahil ang kaganapan ng istorya nina Ryan at Jenneth ay nangyari pagkatapos naman ng kwento nina Samantha at Kenneth. Konting adjustment lang naman, pero keri na.
Sana magustuhan din ninyo ang istorya na ito. Please include this in your library and collections, and maybe send me some love by giving gifts, or at least comments and reviews.
Happy reading!