Muntikan nang mabangga ni Ryan ang puting Honda Vios sa kanyang harapan. Mabuti na lamang at kaagad siyang nagpreno. Naka-pula pala iyong stoplight pero hindi niya napansin. Buti at naitigil niya ang sasakyan bago pa man niya masagi ang nasa harapan niya.
Nope, he wasn't sleepy. Or maybe, he is. And maybe, it's doubled by the fact that from last night, he had been occupied by memories from their high school. Kasalanan lahat ito ni Darlene. Or maybe, it was Kristine's fault. Kay Kristine naman kasi galing iyong sulat na ibinigay sa kanya ni Darlene.
Kristine is his high school friend. Barkada niya ito at ng asawa nitong si Kenneth. Si Darlene naman ang naging anak nina Kenneth at Kristine. Inaanak niya si Darlene at close talaga siya dito. Parang sariling anak na niya ito. Siguro kasi sobrang close din sila ni Kenneth. Her dad was his only friend. He's a jerk and jerks don't get a lot of friends.
Kristine died of the killer cancer two years ago. Bago ito mamatay, may iniwan itong sulat sa kanya. Ang sabi nito, ibigay daw niya ang sulat kay Darlene pagkatapos ng dalawang taon. Na ginawa naman niya. At iyong sulat na iyon ang dahilan kung bakit medyo wala siya sa sarili ngayon. Sa sulat kasing iyon sinabi ni Kristine na hanapin daw nila si Samantha de Vera at gusto nitong iyon ang maging second wife ng asawa nitong si Kenneth.
"She's crazy," ani Ryan sa sarili nang maalala ang sulat. "Akala ba niya ganoon kadali ang pinapagawa niya? Eh hindi ko nga alam kung saang lupalop ng mundo makikita iyong Samantha de Vera na iyon."
Or maybe, he knows. "Oo nga at nasa America siya. Ang laki kaya ng America! Nababaliw na talaga iyong Kristine na iyon."
Napatingin siya sa sketchpad na nasa passenger seat ng kotse niya. Nakaipit doon iyong sulat na buong magdamag niyang binasa kagabi.
"Eh kaya lang naman umalis si Sam, dahil sa kanya. Tapos ngayon pababalikin niya. Hindi ba niya naisip na mahirap nang ayusin iyong mga nangyari noon?"
Sam was Kenneth's best friend. Silang tatlo talaga ang magkakaibigan noong high school. Tapos biglang dumating si Kristine sa eksena. Na-in love ito kay Kenneth, and in the process ay naagaw nito si Kenneth kay Sam.
"Alam naman niyang may feelings din si Sam para kay Kenneth. Pero ang sarili pa rin niya ang inuna niya."
Busina ng kotse ang nagpabalik sa isipan ni Ryan sa daan. Nag-green na pala ang stoplight. Dali-dali niyang pinaandar ang kanyang sasakyan patungo sa kanyang destinasyon sa araw na iyon.
Kung hindi niya binasa iyong sulat kagabi, natapos sana niya iyong designs ng furniture para sa susunod na collection nila. Pero dahil nga doon sa sulat ay wala siyang nagawa kaya tuloy kailangan niyang pumasok ngayon. Pwede naman siyang sa bahay na lang magtrabaho. Iyon nga lang, baka mas lalo siyang walang magawa. Siya kasi iyong tipo ng tao na kapag nasa bahay ay hirap makapag-focus sa trabaho. Ganoon na siya since high school. Kaya nga hindi siya gumagawa ng assignments sa bahay.
Tsaka, bakit pa siya gagawa kung pwede naman siyang mangopya sa mga kaklase niya?
Kaagad naman siyang nakarating sa kumpanyang pag-aari niya kasama si Kenneth. Halos kasabay niyang dumating ang isang blue BMW X1 SUV. He knows exactly who owns that car and it made him grimaced.
Wala na siyang magagawa kundi ang bumaba mula sa kanyang silver Audi Q5. Sa asul na sasakyan naman bumaba ang mag-amang Kenneth at Darlene.
"Ninong!" Excited na lumapit si Darlene sa kanya, pero di tulad ng dati ay halos hindi niya ito pinansin.
"Ba't ka pumasok?" tanong naman ni Kenneth nang makalapit ito sa kanya.
"Ikaw? Bakit ka pumasok?" ganting tanong niya sa kaibigan.
"May tatapusin lang akong presentation para sa meeting ko sa Monday," sagot naman ni Kenneth.
Napatingin si Ryan kay Darlene. "At ikaw?"
"Manonood po kami ng Night at the Museum ni Daddy!" full of energy na sagot ni Darlene.
"Kung matatapos ako kaagad," ang sabi naman ni Kenneth.
"Gusto n'yo pong sumama, Ninong?" yaya ni Darlene sa kanya.
"Marami pa kong gagawin."
Tinalikuran na niya ang mag-ama. Sumunod naman ang dalawa sa pagpasok niya sa loob ng Furniture.com. Bukod sa main office ay ang three-storey building din ang nagsisilbing main showroom ng kanilang kumpanya. Kaya naman halos salamin lahat ang buong pader ng building, maliban na lamang sa may likuran at sa third floor kung saan sila nag-oopisina.
"Tinatapos mo pa rin ba iyong bagong design?" tanong ni Kenneth sa kanya.
"Oo. Marami pa akong idadagdag doon sa set," sagot niya.
"Akala ko ba, tatapusin mo kagabi iyon?"
Tumingin siya kay Darlene. "May inasikaso lang ako."
The little girl smiled at him. Mukhang natuwa ito sa sinabi niya. Medyo nainis naman si Ryan nang maalala niya iyong laman ng sulat. Kamukhang-kamukha pa naman ni Darlene si Kristine.
Sumakay ang tatlo sa may elevator. Kahit na simpleng showroom lang at opisina ang building na iyon ay nagpagawa pa rin sila ng elevator para naman hindi mahirapan ang kanilang mga tauhan na mag-akyat ng mga furniture sa ikalawang palapag.
Pagkarating sa third floor ay kaagad lumabas ng elevator si Ryan. "Mauna na ako. Marami pa akong gagawin and I'll appreciate it kung walang mang-iistorbo sa akin."
"Bakit ba parang ang sungit-sungit mo ngayon?" tanong ni Kenneth sa kanya. "Sabi ko naman kasi, maghanap ka na ng mapapangasawa at nang hindi ka tumatandang binata. Nagiging masungit ka tuloy."
"Tse!" ani Ryan sa kaibigan. Tsaka na siya pumasok sa kanyang opisina.
Modern ang theme ng minimalistic niyang opisina. Halos black and white ang theme ng kwarto na may halong konting earth tones. Inilapag niya ang kanyang sketch pad sa itim na executive table. Dumulas mula doon ang sulat ni Kristine.
"Kailangan kong mag-concentrate kaya huwag mo akong istorbohin," aniya sa sulat na parang may sarili itong buhay. Kinuha niya ito at inilagay sa may drawer niya.
Nagsimula na siyang magtrabaho. Pinilit niyang mag-focus para matapos ang ilang pirasong furniture na isasali nila sa bagong collection nila sa shop. Medyo nakukuha na niya ang rhythm niya nang maramdaman niya ang pagbukas ng pintuan ng opisina niya. Alam na niya kung sino ang kanyang panuhin.
"Ang sabi ko, huwag akong istorbohin."
"Hi Ninong!" balewalang bati ni Darlene sa kanya. Tuluyan na itong pumasok sa opisina niya.
Napatingin siya dito. Lumapit ang eight-year-old niyang inaanak sa may mesa niya at umupo ito sa upuang nasa harapan niya.
"Ano po iyong ginagawa ninyo?" tanong nito sa kanya habang inilalapag ang isang plastic bag na may laman ng kung anu-ano.
"Darlene, I don't have time for that now." Alam niyang mangungulit na naman ito. Nagpatuloy siya sa ginagawang designs.
"Ano pong 'that?' Tinatanong ko lang naman po kung ano ang ginagawa ninyo."
"I know where this is heading to. It's the letter, right?"
"Nabasa n'yo na po?" At muli'y na-excite na naman ang bata.
Tumigil siya sa ginagawa at saka tinignan ito ng mabuti. "Yes… But, I'm sorry. I can't help you."
Natigilan si Darlene sa narinig.
"Look… Samantha de Vera has been missing in action since… since fifteen years. Iyong huling kita ko sa kanya ay noong bago siya umalis papuntang America. Wala na akong balita sa kanya kaya hindi kita matutulungan diyan sa utos ng mommy mo."
"Pero meron naman po sigurong way para makausap ninyo siya. Baka pwede po kayong bumalik doon sa bahay nila sa Moonville. O kaya, gawin ninyo siyang friend sa Facebook o kaya sa Twitter at Instagram."
Ngayon lang siya nainis sa pagiging bibo ng inaanak. "Iba na ang nakatira sa bahay nila sa Moonville. Their father died four years ago. Ang alam ko ang family ng Kuya Raul niya ang nakatira doon, pero hindi naman kami close nun. Baka nga hindi na ako natatandaan nun. I can't just go to their house and tell her brother that I'm Sam's high school friend. At iyong sa FB naman at iba pang social media sites, matagal ko nang ginawa iyon. Pero hindi ko siya nakita kailan man. Parang ayaw talaga niyang magpakita pa."
"Paano po kaya natin siya mako-contact?" Parang nag-iisip na naman si Darlene.
"Mahirap na nga kasi. Ang tagal na, Lene. We don't even know if she still considers us as her friends. Baka mamaya hindi na rin niya kami maalala. And besides, if we had the chance to find her and talk to her, what will we say? Sasabihin ba natin sa kanya na pakasalan niya ang daddy mo without even knowing if she still cares for him as much as she did before? Baka mamaya lalo lang mag-freak out iyon."
"Pero first love po siya ni daddy…"
Iyon ang sinabi ni Kristine sa sulat. Lalong nainis si Ryan sa dating kaibigan. Napalakas tuloy ang boses niya.
"Hindi naman totoo iyong first love never dies! Huwag kang maniniwala doon. Kagaya ng daddy mo. Okay, maybe he felt something special for Sam before. Pero nang makilala niya ang mommy mo, hindi ba nawala iyong love na iyon at iyong mommy mo na ang naging bagong love niya? Kaya nga nagpakasal silang dalawa. Imposible naman na hindi mahal ni Kenneth si Kristine pero nagpakasal pa rin siya dito.
"Kung ipipilit mo iyang teorya mong iyan, para na ring sinabi mo na panakip-butas lang ang mommy mo. Na pinakasalan lang siya ng daddy mo kasi hindi niya napakasalan iyong totoong mahal niya. Para mo na ring sinabing hindi talaga mahal ni Kenneth si Kristine at hindi talaga niya kagustuhan makasal sila at magkaroon ng anak. Gusto mo ba iyong ganoon, na parang hindi talaga love ng daddy mo ang mommy mo?"
"Hindi naman po siguro–"
"Ganoon iyon, Lene. Bata ka pa kasi kaya hindi mo pa maiintindihan. Hindi ko nga alam kung bakit nagbilin ng ganito ang mommy mo knowing na bata ka pa at marami ka pang hindi maintindihan. How did she expect you to do this gayong 8 years old ka pa lang? Tapos dinamay-damay pa ako ng mommy mo sa kalokohan niya. Alam mo, siya ang totoong bully kasi ginawa niya ang lahat para makuha ang gusto niya, at iyon pa rin ang ginagawa niya hanggang ngayon."
Hindi na napigilan pa ni Ryan ang sarili. Bigla siyang nag-flare up at hindi na niya napigilan pang ilabas ang lahat ng kinikimkim niya sa loob ng 15 years. At naibunton niyang lahat iyon kay Darlene na natulala sa biglaan niyang pagna-nag.
Siya naman ang natigilan nang makita ang takot sa mukha ni Darlene. Noon lang kasi siya nagalit ng ganoon sa harapan ng inaanak kaya siguro napapaiyak na ngayon ang bata.
"Nasaan po iyong sulat?"
Para namang natauhan si Ryan sa panandaliang pagbi-beast mode. Gusto sana niyang magsalita, aruin ang natatakot na inaanak. Pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin, kaya ibinigay na lamang niya dito ang sulat ng yumaong ina.
Kinuha ni Darlene ang sulat at walang lingon-likod na lumabas ng opisina niya. Gusto niya itong habulin, pero nanlulumong napaupo na lamang siya sa kanyang upuan. Mukhang sumobra siya sa mga nasabi kanina. Kung pwede lang niyang batukan ang sarili niya, ginawa na niya.