Napatingin na lamang si Ryan sa plastic bag na naiwan ni Darlene nang bigla na lamang itong lumabas sa opisina niya at umalis.
"Jerk!" aniya sa sarili. Naalala niya iyong reaksiyon ni Darlene kanina at nagalit siya sa sarili.
Parang hindi na niya magawang bumalik pa sa trabaho.
"Ryan, what have you done!"
Nagpasya siyang itigil na muna ang ginagawa at ayusin na muna iyong tungkol sa kanilang dalawa ni Darlene. Kinuha niya ang plastic bag at saka nagpunta sa opisina ni Kenneth. Inihanda na rin niya ang sarili dahil baka nakaambang na ang suntok ni Kenneth sa kanya.
Naabutan niya ang kaibigan na nakaupo sa executive chair nito. Wala sa opisina si Darlene.
"Where's Darlene?"
"She went home." Tumingin si Kenneth sa hawak niyang plastic bag.
Dismayadong napatingin din siya doon.
"Iyan siguro iyong binili niya sa tindahan kanina," ani Kenneth.
Lumapit si Ryan sa mesa ni Kenneth at saka inilapag doon ang plastic bag.
"Nakagalitan mo ba si Darlene kanina?" tanong ni Kenneth sa kanya.
"Sorry…" Gusto niyang ipaliwanag dito ang lahat, pero hindi naman pwede. Baka lalo lang magalit sa kanya si Darlene. Secret nga kasi iyong tungkol sa sulat.
"Okay lang naman. Medyo makulit nga iyon kapag minsan. Pero… ano bang nangyari?"
"Wala ba siyang sinabi sa'yo?"
Tinignan siya ni Kenneth. He knows that look. He's probing him. Napaiwas siya ng tingin.
"Wala naman. May dapat ba akong malaman?" tanong ni Kenneth sa kanya.
Napabuntong-hininga si Ryan. "Nasigawan ko kasi siya. Eh natakot yata. Hindi ko naman kasi siya sinisigawan, 'di ba?"
"You've been very good to her, Ry. Pasensiya ka na at makullit talaga iyon kapag minsan. Mabuti nga nato-tolerate mo siya lagi. Okay lang kung nasigawan mo siya ngayon. Lilipas din iyon at babalik din iyong lambing nun sa'yo."
"No, it's… it's not like that, Ken. I think I really need to make it up to her." Paano ba niya ie-explain dito ang nangyari?
"Hayaan mo na," ani Kenneth. "Siguro minsan kailangan din iyong ganoon. Tama lang na mapagsabihan mo siya minsan kasi parang nasi-spoil mo na siya."
"Can I go now and take the day off?" Kailangan niyang makausap si Darlene.
"Oo naman," ani Kenneth. "Hindi naman kita tauhan. Partner kita dito at boss ka rin kaya you can do whatever you want. Isa pa, weekend ngayon. Kung wala nga lang masyadong trabaho hindi naman din ako papasok."
"You've been like that since Kristine died." Hindi na napigilan pa ni Ryan ang sarili. "You've been working like hell since your wife died. Gusto ko ngang magpasalamat na dahil doon, lalong umunlad itong negosyo natin. Pero hindi ko naman gusto na mamatayan ng kaibigan, at virtually ay mawala ang best friend ko dahil sa sobrang pagiging workaholic niya."
Maybe, Kristine was right. Maybe Kenneth really needs a new love life para naman ma-divert and attention nito at hindi puro trabaho lang. At nainis siya dahil sumang-ayon siya sa yumaong kaibigan.
"I want to take Darlene to the mall. Probably buy her some ice cream or something. Just to make it up to her," aniya para maiba ang usapan.
Tumango si Kenneth. "Sige, bahala ka. Or maybe, you want to take her to the cinema? Gusto niya kasi talagang panoorin iyong Night at the Museum. Parang hindi ko naman kayang tapusin lahat ng gawain ngayon kaya baka hindi kami matuloy."
And Ryan knows it's more likely na hindi nga matuloy ang panonood ng mag-ama. Naawa siya sa inaanak. Maybe, this was also what Kristine wanted to fix. Alam nitong pagkawala niya ay mangyayari ito. Ang tuluyang mawalan ng panahon si Kenneth kay Darlene.
"Ken, I'm serious. Please reconsider your working habit."
Kenneth just looked at him. "Puntahan mo na iyong inaanak mo."
"Okay."
Hindi na nagkomento pa si Ryan. Ayaw na niyang makipagtalo pa sa kaibigan dahil alam naman niyang alam nito kung ano ang dapat gawin. Nagmadali na lamang siyang pumunta ng elevator para sundan si Darlene.
Malapit lang naman ang bahay nina Kenneth sa Furniture.com kaya kaagad siyang nakarating doon. Ang ina nitong si Aling Marie ang kanyang nadatnan.
"O! Pumasok si Kenneth," bungad nito sa kanya.
"Oo nga po," aniya habang nagmamano. "Si Darlene po?"
"Nasa itaas. Sandali lang at tatawagin ko."
Ilang sandali pa ay bumaba na ang kanyang inaanak mula sa second floor ng bahay nila. Napatayo siya pagkakita dito.
"I came here to… apologize…" He tried to smile, but instead, he winced.
Natawa si Darlene sa reaksiyon niya.
"So, I guess… I'm forgiven?" he asked.
"Hindi naman po ako galit sa inyo, Ninong. Natakot lang po ako kasi sinigawan ninyo ako kanina."
"And I'm sorry. Come on, let me make it up to you. Isa pa, meron akong gustong pag-usapan nating dalawa."
"Hindi po ba kayo busy, Ninong?"
"I have all the time in the world for you, Darling." He smiled his usual sweet smile for her. Darling is their pet name to Darlene, silang dalawa ni Kenneth at ng iba pang malapit sa bata.
"Paano po iyong dine-design ninyo?"
"Okay lang iyon. Your dad will understand. Come! Let's go to UrbanShop, grab something to eat at The Coffee Club and then go see Night at the Museum in Tarlac Downtown."
Na-excite naman si Darlene sa sinabi niya. "Sige po."
Nagpaalam na sila kay Aling Marie. Pagkatapos noon ay dumiretso na sila sa UrbanShop. Pumunta sila sa The Coffee Club at nag-order ng meryenda. Strawberries & creme prappuccino at blueberry scone ang binili niya para kay Darlene, at caffe latte naman ang inorder niya para sa sarili.
"Sorry kung nasigawan kita kanina. I got out of hand, I admit."
"Hindi ko po naiintindihan iyong ibang sinabi ninyo kanina. Siguro nga po, masyado pa akong bata. Pero, hindi naman po ibibigay sa akin ni Mommy iyong sulat kung alam niyang hindi ko magagawa iyong wish niya. At ang alam po niya tutulungan ninyo ako."
Tumango siya. Saka niya ipinaliwanag ang lahat kay Darlene.
"The last time that I saw Sam, it was on his father's funeral. Nagpunta ako sa burol ni Tito Baste, tapos sa libing niya. That was… four years ago…"
"Sam was… She's different than what she was fifteen years ago," pagpapatuloy ni Ryan. "Ibang-iba na siya, in a good way. Hindi na siya iyong Aaron-Carter-look-a-like kagaya nung sinabi ng mommy mo. She has grown into a beautiful woman."
"Nakita po ba siya ni Daddy?"
Umiling si Ryan. "That time your mom and dad were on a vacation. Second honeymoon. Gusto mo daw kasing magkaroon ng kapatid, 'di ba?"
Nalungkot si Darlene sa narinig. "Kasalanan ko pala kung bakit hindi sila nagkita ni Dad."
"Hey, don't say that! Actually, ang daddy mo ang nagplano ng bakasyon na iyon. Kaya siya ang may kasalanan."
Darlene smiled at his joke. Nginitian din niya ito.
"Hindi ko na nasabi sa kanila kasi parang ang pangit naman. They were in Japan at that time, having a wonderful time tapos sasabihan ko ng ganoong bagay, 'di ba? Ang pangit naman no'n. So, ako na lang ang nagpunta sa burol. I saw her, si Sam. Umuwi siya galing America. We talked, we talked a lot.
"That time, tapos na siya sa pag-aaral niya at doktor na siya, though meron pa siyang additional na inaaral. I think para sa specialization niya as a pathologist. Pero, doktor na rin siya at pwede nang manggamot."
"Natupad po pala iyong pangarap niya."
"Oo. Lahat kami, natupad ang mga pangarap… That time, she has a boyfriend."
Natahimik si Darlene sa sinabi niya.
"Pwede rin namang naghiwalay na sila within the four-year-period after that meeting… Pwede rin namang ikinasal na sila. I didn't meet the guy. Hindi raw nakauwi. Sa States din daw siya nagtatrabaho, pero ang alam ko Pinoy din."
"Sayang…"
"Lene, listen… There are a lot of reasons why I don't want to agree with what your mom wants us to do. Una, wala na talaga kaming communication ni Sam. After that funeral, hindi ko na siya nakita ulit. Ang sabi niya noon, kaagad siyang babalik sa States after that. At sabi ko nga, hindi naman kami ganoon ka-close ng mga kapatid ni Sam. We barely saw each other nung high school. Nasa Manila na kasi sila noon naka-base - iyong Kuya Raul niya, tapos nag-abroad pa iyong Ate Glory niya. Kaya hindi tayo pwedeng pumunta na lang basta-basta sa Moonville at makiusap na gusto nating makita si Sam. That would be… weird.
"Isa pa, gaya ng sabi ko, Sam might be married doon sa boyfriend niya before. That was four years ago, Lene. A lot of things have happened. Namatay na nga ang mommy mo, 'di ba?"
Tingin naman niya ay naiintindihan na ni Darlene ang mga sinabi niya. She might be just eight years old, but she's a smart girl. Pero muntikan na niyang maibuga ang iniinom na caffe latte sa sumunod nitong tanong.
"Ninong, naniniwala po ba kayo sa destiny?"
"Ha?"
"Bakit po ngayon ipinabigay sa inyo ni Mommy iyong sulat? Siguro, naramdaman niya na after two years, magkikita ulit sina Sam at si Daddy at pwede silang ma-in love sa isa't isa."
"I think, ginawa iyon ni Kristine kasi two years is enough time para mag-grieve ang daddy mo. Iyong iba nga, one year after pa lang nag-aasawa na ulit. Pero dahil alam ng mommy mo na mahal na mahal siya ng daddy mo, nagbigay pa siya ng allowance para if ever na mangyari nga iyong wish niya, maging totally ready emotionally and mentally ang daddy mo na makipagrelasyon ulit… That is something that is quite hard for you to grasp, I know. Don't force yourself to understand. Basta, it's not about destiny. It's about giving enough time."
Iyon lang naman ang nakikita niyang explanation sa ginawang iyon ni Kristine. Sana ay sapat na ang paliwanag niya para maintindihan siya ng inaanak.
"Lene, kung magkaroon man ng chance ang daddy mo na ma-in love ulit, it would be God's choice when and to whom. It could be with Samantha de Vera, or to someone else. Pero kahit na ano pang gawin natin, mangyayari lang iyon kung mangyayari talaga. Sabi mo nga, destiny."
Hindi niya alam kung paanong nalaman ni Darlene ang salitang 'destiny'. Siguro ay epekto ito ng panonood nito ng teleserye kasama ang Lola Marie nito. Dapat kasi hindi hinahayaang manood ng mga ganoon ang mga bata dahil masyadong nagiging idealistic ang mga ito pagdating sa love.
Na hindi naman totoo.
"Ganito na lang… Nood na lang tayo ng sine after nito?"
Napangiti si Darlene. Ryan smiled at her, too.
"O sige. Bilisan mo na iyang pagkain mo at magsisimula na iyong pelikula."
Tinignan ni Ryan ang kanyang black G-Shock wristwatch upang i-check ang oras. Nang bigla siyang may narinig na tumawag sa kanya. Actually, it was just a whisper, pero narinig pa rin niya ito. And that soft call sent shivers to his spine because of the sound of the voice of the person who said his name.
"Ryan…"
Napatingin siya sa nagsalita, and upon seeing her face, his guess was confirmed. The woman was the one na naisip niyang may-ari ng boses na narinig niya.
"Wow! Ikaw nga," said the smiling woman.
Natameme si Ryan sa babaeng nasa harapan niya. Para siyang nakakita ng multo habang nakatingin sa magandang babaeng naka-black sleeveless dress.
"Baka pasukan ng langaw iyang bibig mo, ha?" biro ng babae kay Ryan.
Ryan instantly closed his mouth, and that made the woman giggle. Noon naman parang natauhan si Ryan.
This woman might be someone he did not expect seeing ever, pero minsan ay naisip naman niyang maaaring dumating ang pagkakataong ito na makaharap niya itong muli.
Kahit gaano pa siya hindi ka-handa.
"Jenneth."
He has to face the woman that he loved and let go nine years ago.