Jenneth Taruc

Alas-siyete ng umaga nagising si Jenneth, pero alas-otso na ay nakahiga pa rin siya sa kanyang kama. Isang oras na siyang nakahiga lang doon at nagso-social media – Facebook, Twitter, Instagram; balik Facebook, Twitter, tapos Facebook ulit. Sabado noon at wala siyang trabaho. Unang Sabado rin na wala ang kanyang pinsang si Sharon dahil noong isang araw ay lumipad na ito pabalik ng New York.

At dahil wala na ang kanyang pinsan, wala na rin siyang ka-bonding ngayon. Noon kasing nandito pa si Sharon ay kung anu-ano lang ang ginagawa nilang bonding. In-house nga lang, dahil mahirap nang maggagala ang pinsan niyang isang supermodel. At ngayong mag-isa na lang siya, wala siyang maisip na gawin kundi ang humilata lang maghapon.

Sharon: Psst!

Isang notification iyon sa kanyang Facebook Messenger. Galing kay Sharon. Parang naramdaman nito na iniisip niya ito nang mga sandaling iyon.

Sharon: Good morning! Miss mo na ako, ano?

Binuksan niya ang kanyang Facebook Messenger at nireplayan niya ito.

Jenneth: Wala ka bang photo shoot bukas? Bakit gising ka pa?

Ilang sandali lang at naka-reply na ito.

Sharon: Ikaw naman! 8PM pa lang, cuz. Masyado ka namang KJ.

Jenneth smiled.

Sharon: Friday night and I'm in New York. What do you expect me to do? Magmukmok sa bahay?

Jenneth: Oo na. Party girl ka nga pala.

Sharon: I'm just living the life here. Isa pa, nakakainip iyong mag-isa ka sa apartment. Nami-miss ko yung mga bonding moment natin. Kahit puro movie marathon tsaka puro sa bahay lang.

Jenneth: Nami-miss na nga rin kita... Wala na kasing maingay dito sa bahay. Haha!

Sharon: At least! Haha! Anong balak mo ngayon? It's Saturday and you don't have work.

Jenneth: Don't have anything in mind. What could you suggest?

Sharon: Hmm... ano bang meron sa Tarlac? Kabukiran? Lol!

Jenneth: Lol! You're so mean!

Literal na natawa si Jenneth sa biro nito.

Jenneth: May mall naman dito. Tsaka sinehan.

Sharon: E di go and do a real movie marathon. O kaya mag-mall ka. Basta, get out para naman makakita ka ng ibang tao at magka-boyfriend ka na.

Jenneth: At sa pagkakaroon talaga ng boyfriend napunta ang usapan natin, ano?

Sharon: Of course! Alalahanin mo, Ate. Malapit ka nang mawala sa kalendaryo. Ilang buwan na lang. Lol!

Jenneth: Salbahe! Tatanda ka rin, makita mo.

Sharon: Alam ko naman iyon, but that doesn't change the fact that you're still love less. Kaya go na, Ate! Go find some fine guy.

Jenneth: Ang hirap naman niyan. Ang hirap maghanap ng isang 'fine' guy.

Sharon: Hindi iyan. Hindi ka pa ba natuto sa napakaraming romcom na na-movie marathon natin? If you don't go out, paano ka magkaka-chance na makahanap ng isang fine guy for you? Kaya sige na! Go out and look for that guy.

Jenneth: I don't like a fine guy, Cuz. I like a great guy.

Jenneth smiled. Siyempre, gusto niya iyong perfect guy for her.

Sharon: Whatever, Ate. Just go! Find whoever you're supposed to find.

Jenneth giggled. Parang napaka-desperado ng dating noon.

Jenneth: Salbahe ka talaga. Hindi pa naman ako ganoon ka-desperate.

Sharon: Well, you should be.

Should she be desperate? Yes, her biological clock is ticking and she might be running out of time. Pero papayag ba siyang magpatali sa isang tao na hindi naman tama para sa kanya? Minsan na siyang nagkamali. Kung magkakamali pa siya, tanga na siya.

Ay, hindi pala. Pangalawa na iyon. Eh di ibig sabihin noon, tanga talaga siya?

Sharon: My friends are here, Ate. We're going out tonight. Talk to you next time. Byeee!

She sent Sharon a thumbs up. And then, her cousin was gone again. Muli ay mag-isa na naman siya sa kanyang silid. Muli ay hindi na naman niya alam ang gagawin. Napatunganga siya sa kisame.

Ano nga kaya kung lumabas siya? Maglakad-lakad sa mall, o kaya manood ng sine? Maglibang. Hindi naman ibig sabihin noon ay nagbo-boy hunting siya. Pwede naman niyang gawin iyon bilang honest to goodness na paglilibang.

And so, bigla siyang tumayo at lumabas ng silid. Bumaba siya sa first floor ng kanilang bahay at dumiretso sa may kusina. Naabutan niya doon ang kasambahay nilang si Janet.

"Ate, anong almusal?" tanong niya dito.

"Heto, merong ham at hotdog. Tapos may scrambled eggs din. Gusto mo ng sinangang?" sagot ng kasambahay.

Umiling siya. "Loaf bread na lang, Ate. Patimpla na lang po ng kape. Salamat."

Naupo na siya sa may mesa at kumain ng almusal. Habang kumakain ay inisip niya kung saan siya pupunta pagkatapos. Isang lugar lang naman ang naisip niyang magandang pasyalan – ang one stop shopping center na UrbanShop.

Pagkatapos mag-almusal ay bumalik siya sa kanyang silid at naligo. And then, namili siya ng isusuot na damit. Thanks to her supermodel cousin, her closet is full of designer clothes from their latest collection pati na rin iyong ibang inilabas ng taon na iyon. Sa dinami-dami kasi ng minodelong damit ni Sharon, hindi na ito magkasya sa closet nito sa New York. Kaya noong nauwi ito ay dinala niya ang mga iyon at ibinigay sa kanya.

At dahil hindi pa nakakapagbabang luksa ang kanyang nanay, napili niyang isuot ang isang black designer dress. Tinernuhan niya ito ng ankle-wrap wedge. Maganda talagang may pinsan ka at best friend na ring supermodel dahil buong outfit mo, sponsored niya.

Pati na rin make up. May itinuro sa kanya si Sharon na patok sa kanya dahil hindi rin naman siya mahilig mag-make up. Ang sabi nito, every girl should have four basic make up item – concealer, bronzer, mascara, and gloss. She has all four of them, from Covergirl, again courtesy of her cousin Sharon.

Nang ma-satisfy na sa kanyang itsura ay kinuha na niya ang kanyang white Coach handbag at muling tinignan ang kanyang itsura sa kanyang full length mirror. Napangiti siya sa nakita.

"Thanks, Sharon." Mula ulo hanggang paa, bigay ng pinsan niyang supermodel ang suot niya. It's really nice to have a supermodel cousin.

She put on her Guess wristwatch and then took her car keys. Tumuloy na siya sa may covered parking pagkatapos. She got into her red Ford Fusion and drove to her destination. Walang gaanong traffic kaya kaagad siyang nakarating sa UrbanShop. At pagdating doon, tiyempo ring walang gaanong tao kaya kaagad siyang nakapag-park. Mukhang isa siya sa mga early bird ng mall.

Pagkapasok ay wala naman siyang maisip na puntahan. Wala rin naman siyang alam bilhin. Kumpleto siya ng gamit sa bahay, at ang grocery at supplies naman sa ref ay weekly na nare-refill ni Janet. Kung sa damit naman, halos pumutok na ang closet niya sa mga damit at sapatos na ibinigay sa kanya ni Sharon. Pati na rin bags at accessories. Siguro hanggang next year ay hindi pa rin niya maisusuot ang lahat ng iyon.

"Then maybe, I need a new closet."

Nagpunta siya sa bilihan ng furniture at tumingin ng bagong closet. Marami namang naka-display pero wala siyang mapili. Nahihiya na nga siya sa lalaking nag-a-assist sa kanya dahil binuklat na yata niya ang halos lahat ng tinda nila ay wala pa rin siyang nagustuhan.

"Iyan po Ma'am, maganda po iyan," anang salesman.

"Parang hindi bagay doon sa kuwarto ko," aniya. Iyon na yata ang pinakahulig closet na tinda nila doon. "Pero I agree, maganda siya."

"Iyan na po ang pinaka-best naming closet. Quality and design. Medyo may kamahalan nga po pero sulit naman."

Bigla siyang may naisip. "Hindi ba kayo nagku-customize ng closet dito?"

"Naku Ma'am, hindi po, eh," anang salesman. "Pero ang alam ko po, iyong supplier namin, nagku-customize sila."

"Sino bang supplier ninyo?"

"Furniture.com po. May website po sila. Check n'yo na lang po sa internet."

"Furniture.com…" It sounds familiar. Saan na nga ba niya narinig ang pangalang iyon?

"Yes Ma'am. May contact details na rin po doon sa website nila."

Nginitian niya ang salesman. "Sige, salamat."

"Sige po, Ma'am. Balik po kayo."

Kung hindi lang siguro siya maganda ngayon ay baka nasungitan na siya nung salesman. Baka hindi rin siya nito pakitunguhan ng maayos. Mabuti na lang talaga maganda siya ngayon.

Naisipan niyang magpunta muna sa The Coffee Club. Actually, ang nasabing coffee shop ang favorite place niya dito sa Tarlac. Mahilig talaga siyang magkape at nasisiyahan siya sa products na ino-offer ng The Coffee Club pati na rin ang services nila sa customers. Kahit saang branch ay okay sa kanya.

She ordered her favorite blueberry scone at tinernuhan niya ng grande skinny vanilla latte. Bukod sa kape ay mahilig din siya sa matamis. Kaya perfect sa kanya ang The Coffee Club dahil nasa-satisfy nito ang lahat ng hilig niya.

Habang kumakain ng scone at umiinom ng kanyang latte ay sinearch niya sa kanyang Samsung Galaxy S5 ang Furniture.com. Nakita naman niya ang nasabing website. Tinignan niya ang mga produkto nila at masasabi niyang magaganda nga ang mga iyon. Lalo tuloy siyang naenganyong magpagawa ng customized closet sa mga ito.

Tinignan niya ang contact details ng kumpanya. Pero bago niya ito makita ay tumawag si Atty. Manalo. Ang babaeng abogado ang nag-aasikaso ng mga naiwang properties ng kanyang yumaong ina.

"Hello, Attorney?"

"Hello, Jenneth. Nasa bahay ka ba ngayon? May papapirmahan sana akong ilang papers regarding doon sa inheritance mo."

"Nasa UrbanShop ako, Attorney. Puntahan na lang kita diyan sa inyo."

"Is it okay with you? Sabagay, malapit lang naman itong mall sa amin. Pero konti lang kasi itong papapirmahan ko."

"Okay lang po. Pauwi na rin naman ako." Wala naman siyang alam na puntahan pang iba.

"Okay, sige. Text ko na lang sa iyo iyong address."

"Okay."

Ibinaba na nito ang telepono. Halos nakakalahati na rin naman niya ang pagkain niya. She took her last bite of the blueberry scone and took a sip of her latte bago niya kinuha ang kanyang bag. Lalabas na sana siya ng coffee shop nang bigla siyang natigilan.

She saw a guy, the guy whom she did not plan on seeing ever. Kaya naman nang mga sandaling iyon ay hindi niya alam ang gagawin. Ni hindi niya alam kung ano ang iisipin as her thoughts were just focused on the guy she saw.