The Skeletons in the Closet

It seems like the man that Jenneth is looking at is not aware that she's staring at him at that moment, that's why she got a good look at him. The guy didn't seem to change a lot, but she could see that he has been better. Mas lalo itong gumwapo sa paningin niya. He seems to have that boyish charm still, pero parang mas naging mature na iyon at ang charm ay naging manly appeal na.

And then, she suddenly felt she missed him. Hindi na niya naiwasan pang sambitin ang pangalan nito.

"Ryan…"

Dahil sa malapit lang naman siya dito, at hindi naman masyadong malakas ang jazz music na pinapatugtog sa The Coffee Club, ay narinig siya nito. The man looked at her, and in an instant, her heart suddenly pounded. Para siyang kinabahan na ewan. Bigla rin siyang nahiya. Kaya naman nag-isip na lang siya ng palusot para hindi siya tuluyang mapahiya.

Kunwari ay hindi siya siguradong siya nga iyon. "Wow! Ikaw nga." She tried so hard to smile casually.

Para namang natameme si Ryan pagkakita sa kanya. Nakatunganga lang ito sa kanya, and she finds his expression kind of funny. Tuluyan na siyang napangiti.

"Baka pasukan ng langaw iyang bibig mo, ha?" she joked.

Ryan instantly closed his mouth, and that made her giggle. Noon naman parang natauhan ang lalaki.

"Jenneth."

She stopped giggling. "I thought you forgot."

"Forgot you? How could I forget you? I would never do that."

Siya naman ang hindi nakapagsalita. Maybe, it was the way Ryan said that. That he would never forget her. Or maybe, it was the exact words that he said.

𝘏𝘦 𝘸𝘰𝘶𝘭𝘥 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘧𝘰𝘳𝘨𝘦𝘵 𝘮𝘦.

Napalunok siya. Hindi niya maiwasang maapektuhan pa rin ng sinabi nito. At dahil doon ay kung ano-ano na naman ang naramdaman niya. Umiwas na lamang siya at iniba na lamang niya ang usapan.

Napatingin siya sa batang kasama nito. "Is this your… your daughter?" Parang hindi pa niya iyon masabi ng maayos. Parang hindi kayang tanggapin ng kalooban niya na anak nito ang batang kasama nito.

Napatingin si Ryan sa batang kasama nito. "Nope. She is Darlene. Anak nina Kenneth at Kristine."

The little girl looked at her and smiled. "Hello po!"

Ewan niya pero parang she felt relieved. "Oh! Hi there, Darlene! I'm Jenneth. You can call me Tita Jhing." Kinamayan niya ito. "Now I can see that you resemble your mom very much. You're both beautiful."

Pagkatapos ay si Ryan naman ang hinarap niya. "Ikaw, ha? Pabata yata ng pabata ang taste mo sa babae." She smirked at him.

Pero mali yata ang intindi nito sa joke niya. "What? No way! Si Darlene, she's my goddaughter. I'm just treating her for some frappe and scone."

Jenneth giggled at Ryan's reaction. "Joke lang. Masyado ka namang defensive."

"It's not funny." Tumingin si Ryan sa paligid. May ilang mga customer ang napatingin sa kanila. Ang akala siguro ng mga ito ay pedopilya ito at pumapatol sa babaeng parang anak na rin nito.

Naintindihan naman niya ang ibig nitong sabihin. She should apologize to him, but instead ay iniba na lamang niya ang usapan. "Kumusta na nga pala sina Kenneth at Kristine? Siguro marami na silang anak kaya ikaw na nagbe-baby sit ng panganay nila, ano?"

"Darlene is their only child. Kristine died two years ago. Kenneth is in the office… working…"

Natahimik siya sa narinig. Naaawang napatingin siya sa bata.

Ngumiti naman si Darlene sa kanya. "Si Ninong Ryan po ang nagti-treat sa akin kapag sobrang busy ni Daddy sa work."

"I'm sorry." Hindi na niya napigilan ang sarili. Tinabihan niya si Darlene at saka niyakap ito. "You're a very beautiful girl. Sabi ko nga, kamukhang-kamukha mo ang mommy mo. Except the eyes. You got Kenneth's eyes."

"Friend po ba kayo nina Mommy at Daddy?"

Tumango si Jenneth. "High school. One year silang ahead sa akin. Sila nitong Ninong Ryan mo."

"Ngayon ko lang po kayo nakilala."

"Hindi ba ako kinukwento ni Ninong Ryan mo sa iyo?"

Napatingin si Darlene kay Ryan. Napasimangot naman ang binata.

Jenneth smiled. "I'm not surprised. Sa Manila ako nakatira. Doon ako nag-work. I'm a medical technologist. Alam mo ba iyon?"

Umiling si Darlene.

Ipinaliwanag naman ni Jenneth ang kanyang trabaho kay Darlene. "'Di ba sa hospital, kapag may sakit ka, minsan kukunan ka ng dugo o kaya naman ihi. Tapos ite-test nila iyon. Titignan kung ano ang cause nung sakit mo. Ganoon ang ginagawa ko. Ako iyong nagte-test ng mga dugo o kahit anong specimen na galing sa pasyente para malaman kung ano yung sanhi nung sakit nila."

"Pati po iyong ihi?"

Napangiti siya sa tanong ni Darlene. "Minsan pa nga iyong poo poo, eh."

"Ewww…" Hindi naitago ni Darlene ang pandidiri.

Natawa siya sa reaksiyon nito.

"Bakit po ganoon iyong gusto ninyong trabaho? Hindi po ba kayo nandidiri?"

"Hindi naman. Ewan ko ba. Impluwensiya yata nung idol ko nung high school, si Sam de Vera." She could still remember that genius girl that she admires since high school.

"Sam de Vera po?"

Tumango si Jenneth. "Hmm-hmm… Oo nga pala. Best friend siya ng daddy mo, ano? Siguro naikwento na siya sa iyo ni Kenneth."

"Kilala n'yo po si Sam de Vera? Nakakausap n'yo po ba siya?"

"Jhing, so, you're having a vacation? Dito sa Tarlac?" bigla namang tanong ni Ryan.

Muli ay parang bumilis ang tibok ng puso niya pagkarinig sa boses ni Ryan. She tried so hard to calm herself at hindi magpahalata. "Nope. I'm actually staying here for good."

"For… good?"

Tumango siya. "Hmm… Dito na ako titira ulit. Actually, I got a new job in TGH."

"Tarlac General Hospital po?" tanong naman ni Darlene.

Napatingin si Jenneth sa kanya. "Oo. Doon ako nagti-test ng mga dugo at poo-poo."

"Hindi po ba iyon iyong hospital nina Sam de Vera?"

"Yup!" Naaliw siya sa pagiging bibo ni Darlene.

"Uhm… Jhing, sorry pero we have to go," ang sabi naman ni Ryan. "Manonood pa kasi kami ng sine. Lene, halika na. Magsisimula na iyong movie."

Bigla siyang nadismaya sa narinig. Bakit parang iniiwasan siya ni Ryan? Pero, bakit nga ba hindi? After all that had happened between them...

Nalungkot siya nang maalala ang nangyari noon. "Well, I guess, I'll just see you around then?" ang sabi na lamang niya.

"Ninong, mamaya na lang po tayo manood," apila naman ni Darlene kay Ryan.

"Hindi pwede kasi sabi ko sa daddy mo sabay kayong magla-lunch kaya dapat kaagad tayong makauwi sa inyo."

"Eh di huwag na lang po tayong manood," ang sabi pa ni Darlene.

"Eh di ba gusto mong mapanood iyong Night at the Museum? Kung hindi tayo manonood ngayon baka alisin na iyon sa TDC. Kaya dapat mapanood na natin iyon ngayon. Ikaw na nga itong inaalala ko kasi 'di ba ang tagal mo nang nangungulit na gusto mong panoorin iyon? Tapos ngayon bigla kang magba-back out. Ano ba talagang gusto mo?"

Natameme si Darlene sa sunod-sunod na pagsasalita ni Ryan. Si Jenneth na rin ang nagpaubaya. Mukha kasing gusto na ni Ryan na umalis na siya at iwan silang mag-ninong.

"Sige, next time na lang siguro, Darlene. Tutal naman, maliit lang ang Tarlac. Siguro naman magkikita pa tayo ulit. Please say 'hi' to your dad for me," ang sabi na lamang niya.

Tumango lamang si Darlene.

Si Ryan naman ang hinarap niya. "Well, nice to see you again, Ry. It's been a long time."

"Nine years… I mean, I guess it's nine years. I'm not counting, so, I'm not quite sure about that."

Jenneth smiled. "You're right. Nine years."

Nine years na ang nakakaraan pero parang kahapon lang ang lahat. Nine years na, pero parang sariwa pa rin ang lahat ng nadama niya nine years ago. She brushed the thought off her mind as she said her last goodbye to the two.

"So I guess I'll just see you around then." She took her white Coach handbag. "Bye Darlene."

"Bye po Tita." Darlene smiled at her.

"Ryan."

Ryan just nodded. With that, Jenneth stood up and marched towards the exit of The Coffee Club. She tried so hard not to look back. Huminga rin siya ng malalim para makalma ang sarili dahil bigla yatang ginulo ng sorpresang pagkikita na iyon ang disposisyon niya. Binilisan niya ang lakad papunta sa parking lot kung saan naroon ang kotse niya.

Tinignan niya ang cellphone upang basahin ang text message na ipinadala ni Atty. Manalo sa kanya. Nireplayan niya ito at sinabing papunta na siya. Bigla niyang naalala iyong tinitignan niyang page ng Furniture.com kanina. Binalikan niya ito upang tignan ang contact number nila. Baka kasi pwede niyang daanan iyon pagkatapos niyang makausap si Atty. Manalo.

Pero pagkakita niya ng contact person ay natigilan siya.

𝘙𝘺𝘢𝘯 𝘈𝘳𝘤𝘪𝘭𝘭𝘢, 𝘖𝘱𝘦𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘔𝘢𝘯𝘢𝘨𝘦𝘳

Siguro ay hindi na niya makukuha iyong customized closet na gusto niyang ipagawa.