Restitution

Ryan has been staring at the bangle on top of his table since he put it there after his meeting with Jenneth. It has been an hour since that happened, and he has not done anything but stare. And sigh. If only his sigh could be contained, he might be able to collect enough air to fill a large balloon.

Muli siyang bumuntong-hininga. Darlene has become smarter as years go by. Smarter, or cunning? He chuckled at the thought. Kanino kaya nagmana ang batang iyon? Definitely not from Kenneth. Matalino ang kaibigan niya, oo, pero hindi ganoong klaseng talino.

Tinignan niya ang kanyang wristwatch. Ten thirty. Kung pupunta siya ng CPRU ngayon, malamang makakarating siya ng more or less eleven AM. Iyon ang lunch break ng mga elementary students. Perfect timing para makausap niya si Darlene.

Kinuha niya ang bangle at saka lumabas ng office. Nagpaalam siya sa kanyang secretary na mag-e-early lunch siya. Pagkatapos ay tumuloy na siya sa CPRU.

Kilala na siya ng mga guwardiya sa CPRU, dahil palagi siya doon. Hindi lang para bisitahin si Darlene, kundi bilang supplier ng nasabing university. Kaya naman easy access siya sa kung saan man niya gustong pumunta sa loob ng campus. Hindi naman din siya masamang tao kaya tiwala sa kanya ang mga tao doon.

Papunta nang canteen si Darlene kasama ang kanyang mga kaibigan nang makita siya ni Ryan. Niyaya niya itong mag-lunch sa cafeteria, at doon niya ibinalita ang napag-usapan nila ni Jenneth nang nagpunta ito sa opisina kaninang umaga. Ibinalik din niya dito ang bangle na binigay ni Jenneth, making her know and feel na hindi naman siya galit sa ginawa nito.

Pagkatapos ng kanyang 'lunch date' kasama si Darlene, kaagad din namang bumalik sa opisina si Ryan. Wala pa rin si Kenneth, which is a good thing. At least hindi na niya kailangang ipaliwanag kung saan siya nanggaling, o kung saan siya nag-lunch.

Pinilit niyang mag-concentrate sa trabaho. Oo nga at katatapos pa lamang ng isang collection na dinesign nya, pero pwede naman siyang magsimula nang mag-conceptualize ng susunod na design set. Ganoon naman ang ginagawa niya noon pang nagsisimula pa lamang sila. Design lang siya ng design para laging may bagong ideyang io-offer sa mga customers.

Binalikan niya ang dati niyang mga designs para makahanap ng inspirasyon. Coincidentally ay napadako siya doon sa purple love seat na nakita ni Jenneth kanina. Natigil ang pag-lipat niya ng mga pahina ng kanyang sketch pad habang bumalik sa kanyang isipan ang mga eksena kaninang umaga.

Jenneth stood calmly there, like he's just an old acquaintance that meant nothing to her. She exemplified someone who has totally moved on from everything that has happened nine years ago. And that thought kind of gave Ryan an unwanted feeling of distress.

"Nine years... Nine years ko nang hindi nakikita iyon. Tapos babalik na lang siya bigla. Babalik na lang siya bigla sa buhay ko ng ganun-ganun na lang. Like nothing happened… Kung umasta siya kanina, parang wala na talaga iyong mga nangyari sa amin noon. Has she really, totally moved on?"

He remembered how composed and confident she was earlier. It probably made her look so appealing to his eyes, so attractive that he can't help but notice how beautiful she looked.

"Bakit ba sobrang ganda niya ngayon? Sobrang sexy? Hindi naman ganoon iyon dati, ah. Hindi nga marunong mag-ayos iyon noon. Tapos ngayon may make up na. Ang ganda na ng suot. Iyon ba ang nagagawa ng pagtira sa Manila? Gumaganda at umaayos ang porma? Wala na rin pala siyang salamin. Lalong gumanda iyong mga mata niya... Oh shit!"

Napatingin siya sa may pintuan, thereby seeing Kenneth watching him.

"What the heck!"

Natawa na lamang si Kenneth sa reaksiyon ni Ryan, iyong parang nakakita ito ng multo.

"Kanina ka pa ba diyan?"

"At nag-eenjoy talaga ako," sagot ni Kenneth habang palapit sa kanyang mesa.

"Shit!" He leaned back on his chair and closed his eyes. His head seems to throb with what is happening, as well as his thoughts.

"Okay lang iyan, Pare. Minsan-minsan ikaw naman ang nabu-bully."

Ryan looked at him sharply, na lalong nagpatawa kay Kenneth. Nagpatuloy ito sa pambu-bully sa kanya, which is practically Kenneth teasing him about Jenneth. Nang makitang stressed na talaga siya, niyaya siya nitong mag-basketball.

Pumayag naman siya, which he regretted after. Na-injure kasi ang hamstring niya, ang Kenneth literally had to drag him out of the basketball court.

"Eh kung iuwi na lang kaya kita sa bahay ng Ate Raquie mo?" tanong ni Kenneth sa kanya. Ito ang nagmamaneho habang siya naman ay nasa passenger seat ng BMW SUV nito.

"Huwag na. Kaya ko naman," tanggi niya. As much as possible ay ayaw niyang humingi ng pabor sa mga kapatid sa ama.

Oo nga at meron namang mabait sa kanya, katulad ng Ate Raquel niya. Panganay ito sa kanilang magkakapatid sa ama, at noon pa man ay ito na ang pinakamabait sa kanya kahit pa nga nalaman nito ang totoo tungkol sa kanyang pagkatao.

"Sigurado ka? Ang sakit kaya niyang nangyari sa'yo," ang sabi ni Kenneth.

Masakit nga. Ramdam na ramdam ni Ryan ang kirot, at parang gusto na nga niyang magpunta sa ospital. Pero panibagong panunukso na naman ang mangyayari kapag nagkaganoon. Siguradong tutuksuhin siya ni Kenneth na gusto lang niyang makita si Jenneth.

Eh di ba, sa panunukso nagsimula ang lahat kung bakit napunta sila sa basketball court na iyon?

"Kasalanan mo ito, eh." Napasimangot siya.

"Oo na," ako naman ni Kenneth. "Kaya kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako. Alam mo namang I'm just a call away."

"Sa bahay ka na kaya matulog? Mag-bonding naman tayo just like the old times."

"May trabaho pa bukas," ang sabi ni Kenneth. "Lunes na Lunes, gusto mong magpakapuyat. Kaya ka lampa, eh."

"Ang sama nito!" aniyang kunwari ay nagtatampo. "Hindi mo man lang ako mayayang sa bahay mo na lang mag-stay."

"Eh kasi, baka si Darlene naman ang mapuyat. Alam mo namang ikaw ang adrenaline rush noon."

Napangiti siya. Kapag kasi andiyan siya ay lagi niyang nilalaro ang inaanak. O kaya naman, nanonood sila ng favorite children's show o movie nito. O kaya naman nagbabasa ng mga fairytale books. Kahit ano, basta lagi silang may ginagawa.

At sigurado siyang hindi ito papayag na hindi maging nurse niya ngayong injured siya. Hindi nga magandang doon siya mag-stay kina Kenneth lalo na at weekdays ngayon at may pasok si Darlene sa school. Bawal siyang mapuyat.

Siniguro muna ni Kenneth na nasa ayos siya bago ito umalis. Binigyan nito ng first aid ang kanyang injury at pinainom na rin ng pain reliever. Doon na rin ito nag-dinner, at ito na rin ang naglipit ng kusina pagkatapos.

"Aalis na ako, ha? Just call me if you need anything," ang sabi pa nito sa kanya.

"Opo, 'Tay," biro naman ni Ryan.

"I'll see you tomorrow," paalam nito sa kanya.

"Papapasukin mo na ako sa opisina?" Napakunot ang noo niya.

"What I meant is I'll go visit you tomorrow. Huwag ka munang pumasok at ayaw naming mag-alaga ng lumpo sa office."

"Ang sama mo!"

Ngumiti lamang si Kenneth. Then, he's out.

Alam naman niyang nag-aalala rin ang kaibigan sa kanya, but Ryan also knows he is now a family man and he has a family and a company to take care of. At kalahati ng responsibilidad sa kumpanyang iyon ay kanya. Kaya ang pagte-take over ni Kenneth sa Furniture.com ngayong injured siya ay parang pagtulong na rin nito sa kanya.

Kinabukasan ay pinuntahan nga siya ni Kenneth, and upon checking his leg, he took him to the hospital to get examined. Doon nga niya nalaman na medyo seryoso ang injury na nakuha niya.

"Kailangan nating ipa-MRI iyan to check kung gaano kalala iyong pagka-strain ng muscle mo. Hopefully wala namang masyasong pinsala sa muscle. Treatment lang at therapy ang kailangan. Worst case scenario, kailangan maopera iyan."

"Naku Doc, pupunta pa naman ako sa Boracay sa makalawa," ani Ryan.

"I guess you have to re-sched your vacation next time," ang sabi naman ng doktor.

"Hindi po Doc. May kliyente po kasi kami sa Boracay na kailangan kong i-meet," paliwanag ni Ryan.

"Well, as I've said, you have to re-sched it."

Si Kenneth na lang ang nagprisintang pumunta sa Boracay. Wala naman kasi silang choice dahil silang dalawa lang ang nag-aasikaso talaga ng mga ganoong deals sa mga clients. Ayaw nga sana niya, because Kenneth needed to attend Darlene's Family Day. Pero dahil na naman sa trabaho, maiiwan na naman sa ere ang kanyang inaanak.

"I think we need to hire another manager," ang sabi niya nang pauwi na silang dalawa. "Para naman sa mga ganitong pagkakataon, may naaasahan tayong iba. Tsaka para maasikaso mo na rin si Darlene."

He needed to say that. Being nice and not saying anything is not the right way to help his friend.

"I guess so..." ang sabi naman ni Kenneth. Malungkot ito at tahimik, probably because he's also worried how Darlene will react to the news na hindi siya makakapunta sa Family Day nito.

Pero hindi na rin pala kailangan. Hindi rin kasi nakadalo si Darlene sa Family Day nila dahil isinugod ito sa ospital dahil sa dengue. Ryan found out about it dahil stressed na si Aling Marie at hindi nila ma-contact si Kenneth na palipad naman noon papuntang Boracay.

"Dengue?" tanong niya kay Dino na siyang tumawag sa kanya upang ipaalam ang utos ni Aling Marie. Bigla siyang kinabahan nang marinig ang balita.

"Opo, Ser. Eh kaya nga po kailangan nang ma-contact si Ser Kenet," ang sabi pa ni Dino.

"Sige, I'll try to contact Kenneth. Nasaang hospital ba si Darlene?"

"Sa TGH po, Ser. Dito na namin siya nadala."

"Okay. I'll be there. I-text mo sa akin kung anong room number siya kapag nakakuha na kayo ng kwarto."

"Sige po."

His leg is better, but it still hurts. Hindi miminsan siyang natumba dahil sa pagmamadaling makapag-bihis at makapunta sa TGH. Heck, he needs to see Darlene!

It took a great deal bago siya makalabas ng kanyang bahay. Muntikan pa nga siyang buhatin na ng driver ng Call-A-Taxi na inarkila niya nang makita siya nitong tumumba sa may gate ng kanyang bahay.

"Okay lang kayo, Ser?" tanong ng driver.

"Okay lang po, Manong. Salamat po."

Tinulungan siya nitong makasakay sa taxi.

"TGH po, Manong."

He earnestly prayed for Darlene's safety as they travel to Tarlac General Hospital.