It's a typical Wednesday morning at Tarlac General Hospital. Jenneth is in a meeting with Gwen, the hospital administrator's executive assistant. Meron kasing pinapagawang project sa kanilang dalawa ang kanilang boss na si Sir Raul de Vera. He wants them to create packages ng mga tests sa Lab pati na rin sa ibang department na io-offer sa mga patients ng TGH.
"Okay. So, sa tatlong ito muna tayo magfo-focus," ani Gwen sa kanya. Nasa harapan ito ngayon ng white board sa board room kung saan nakasulat ang mga proposal nilang dalawa. "APE, Standard Chem, tsaka Routine Check Up."
Tumango siya. "Okay."
"So ikaw na iyong sa Lab tapos kakausapin ko nalang si Radiology at Cardiac para sa ibang services. Tapos si Marketing sabihan natin para mai-offer niya sa companies iyong APE package natin sa mga kumpanya dito sa Tarlac."
Jenneth smiled. She likes working with Gwen. Magaling kasi ito at madaling kausapin. Alam nito ang gagawin at talagang efficient sa kahit na anong task na ibigay dito. No wonder gustong-gusto ito ng boss nilang si Sir Raul. Gumagaan kasi talaga ang buhay ng kanilang presidente dahil sa dalaga.
"So, I guess that's it!" ani Gwen.
She smiled. And with that ay natapos na ang meeting nila. Magkasabay silang lumabas ng board room papunta sa receiving area ng Admin office kung saan naroon ang cubicle ni Gwen. Nadatnan nila ang secretary ni Sir Raul na si Jemma.
"Miss Gwen, magra-route lang po ako ng memo," paalam ni Jemma.
"Okay, sige," ani Gwen.
Lumabas na ng admin office si Jemma.
"Alam mo, iyan pa ang gustong baguhin ni Sir Raul, eh," ani Gwen kay Jenneth. "Iyong memo. Iniisip niya gawin na lang na electronic din ang memo. Iyong sa email na lang."
"Outlook," ani Jenneth. "Ganoon iyong sa dati kong work sa Manila."
"Kaya nga. Alam ko kinakausap na niya iyong IT para doon," ani Gwen.
Isang panauhin ang pumasok sa admin office. It was Jonathan, the in-house engineer of TGH.
"Good morning," bati niya sa dalawa. The good-looking engineer smiled at them.
"Hi Engineer!" bati naman ni Jenneth dito.
"Si Sir Raul?" tanong nito sa kanila.
Si Gwen ang sumagot dito. "Uhm… ano… nan-nandun siya sa office niya…"
Jenneth frowned. Suddenly, the smart and ever confident executive secretary is stuttering and seems very tensed. Nagtaka siya sa pagbabago nito ng disposisyon.
"Sige, salamat." Jonathan smiled at them as he walked towards the president's office through the board room.
Jenneth saw how Gwen followed Jonathan through her gaze. And in an instant, Jenneth knew the reason of Gwen's sudden change.
"Crush mo si Engineer, ano?" she asked her nang mawala na ang lalaki sa kanilang paningin.
Gulat na napatingin si Gwen sa kanya. "Ha?"
She gave her a teasing smile. "Oy!!!"
Umiwas naman si Gwen sa kanya. "Hindi ah! Ano bang crush pinagsasasabi mo?" anito habang papunta sa may cubicle nito.
Sinundan naman siya ni Jenneth. "Crush mo si Engineer! Sige na, umamin ka na. Hindi ko naman ipagkakalat, eh. Tsaka, understandable naman iyon. Gwapo naman si Engineer, ah. Matangkad. Mabait. He's one of the nicest guys here in the hospital."
"Ikaw yata ang may crush sa kanya, eh," ani Gwen na animo'y naiinis na.
"Well, what's not to like about him, 'di ba? Pero hindi ko siya crush. Promise."
She's been there before. Having a crush at workplace and eventually falling for that guy. The last time that that happened to her, she became a mistress of a guy who's already in a live-in relationship. She doesn't want to go back to that place again.
Naihiling na lamang niya na huwag sanang ganoon ang mangyari kay Gwen.
"Ano? Crush mo siya, ano?"
Bumigay rin si Gwen sa panunukso niya. "Sabi mo nga… What's not to like about him, 'di ba?"
Natuwa siya sa rebelasyon nito. Muli ay tinukso na naman niya ito. Na natigil lamang nung biglang lumapit sa kanila si Jonathan.
"Excuse me Ladies. Gwen, iyon daw HDMI cable?"
Muli ay parang nataranta na naman si Gwen. Hindi mapigilan ni Jenneth ang pagngiti kaya nagpaalam na lamang siya sa dalawa. Gusto sana siyang pigilan ni Gwen dahil parang hindi nito kakayaning mapag-isa kasama ang crush nito. Pero tuluyan nang lumabas si Jenneth ng admin office.
Habang nasa elevator ay napapangiti pa rin si Jenneth sa nasaksihan. Hindi siya maka-get over sa rebelasyong nalaman niya kanina mula kay Gwen. Hanggang sa makalabas ng elevator ay napapangiti pa rin siya. Hindi yata mawawala ang ngiting iyon hanggang sa makabalik siya sa kanyang opisina sa Laboratory.
Pero bigla siyang may nakita na nakapagpatigil sa kanyang paglalakad at nakapagpaalis ng ngiti sa kanyang mga labi. Akala niya ay huli na iyong noong Lunes. Ano pa nga ba ang pwedeng maging dahilan para makita niyang muli si Ryan Arcilla?
Well maybe, she forgot that she works in a hospital where a lot of people from all walks of life go. Hindi naman siguro kakaiba na makita niya ito sa lugar na iyon. Lalo na at parang may dinaramdam ito na tama lang na ipatingin sa ganoong klaseng pasilidad. She saw the bandage on his right leg pati na rin iyong muntikan nitong pagkatumba kung hindi lang ito nakahawak sa sandalan ng gang chair sa may hospital lobby.
Pwede naman niya itong iwasan. Oo nga at nakita niya ito, pero hindi naman ibig sabihin noon na kailangan niya itong batiin at kausapin. Pero, bakit naman hindi niya ito papansinin? Iyong mga taong bitter lang at hindi pa nakaka-move on mula sa past ang hindi namamansin. Isa pa, hindi siya pwedeng hindi ito mapansin dahil iyon ang daan niya pabalik sa may Lab.
Kaya kahit ayaw ay nilapitan niya ito. "Ryan?"
Napatingin sa kanya ang lalaki. Halata ang pagkagulat sa pagkakita nito sa kanya.
"Are you okay?" Napatingin siya sa paa nito.
"Okay lang ako." Pinilit nitong makatayo ng maayos, na halata namang sobrang nagpahirap dito.
Hindi niya maiwasang maawa sa nasasaksihan dito. "What happened to you?"
"Uhm… Hamstring daw. Nag-basketball kasi kami ni Kenneth. Doon ko nakuha."
"Gosh, ang sakit niyan… Mag-isa ka lang? Hindi ka ba nahihirapan? Dapat nagpasama ka kay Kenneth."
Mukhang napasobra yata ang pagtatanong niya. Napaiwas siya ng tingin nang tignan siya ni Ryan.
"Actually, I'm here because of Darlene. Iyong anak ni Kenneth?"
"Si Darlene? What happened to her?"
"Dengue. Na-admit siya this morning lang."
"Oh my God…" Kay Darlene naman siya nag-alala.
"This is all my fault." Nalungkot bigla si Ryan.
"Hindi mo naman siguro ginustong magka-dengue siya, 'di ba?" she asked.
"Gusto niyang pumunta dito sa TGH. Nagpapatulong siya sa akin, pero hindi ako pumayag."
"Bakit naman?"
"Gusto ka niyang makita."
Ryan gazed at her. Napaiwas siya ng tingin. Napaupo naman si Ryan sa may gang chair.
"Dahil sa akin kaya ayaw mo siyang tulungan?"
"Dahil sa'yo kaya gusto niyang pumunta dito."
"Kaya nga ayaw mo siyang tulungan."
"If you'll just nag at me about that, then I guess I'll just leave and go to Darlene now." Dahan-dahang tumayo si Ryan. Pero dahil sa paa nito ay nahirapan itong tumayo. Muntikan na ulit itong mapaupo kung hindi lang siya naalalayan ni Jenneth.
"Ingat lang," ani Jenneth.
"Salamat." Bumitaw ito sa kanya.
"Sasamahan na kita."
Gusto niyang kumustahin ang bibong batang nakilala niya noon sa The Coffee Club, at bukod pa doon, parang hindi niya kayang hayaang mag-isa si Ryan na ganoon ang kalagayan. Para siyang nakokonsensiya na ewan.
"Gusto ko rin namang makita si Darlene," ang sabi na lamang niya.
Pumayag naman si Ryan sa hiling niya. "O sige."
"Wait." Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang kanyang staff. "Hello Ces... May pupuntahan lang akong pasyente saglit… Sige, bye." Muli siyang tumingin sa lalaki. "Let's go?"
Tumango si Ryan. At hindi na ito nakatutol pa noong alalayan niya ito papunta sa may elevator. Tiniis na rin niya ang pagkailang na nararamdaman sa pagkakadikit ng kamay niya sa braso nito, pati na rin ang pagkakalapit mismo ng kanilang mga katawan.
Habang sakay ng elevator ay hindi sila nag-uusap. Nakadagdag pa sa awkwardness na silang dalawa lang noon ang nasa loob noon. Paglabas ay muli niya itong inalalayan. Muli ay hinayaan lang siya nito. Hanggang sa makapunta na nga sila sa kwarto kung saan naka-confine si Darlene.
Nauna nang pumasok si Ryan. She doesn't mind kung hindi na ito naging gentleman. Anyway, injured naman ito kaya may karapatan itong hindi maging gentleman sa mga panahong iyon. Isa pa, hindi naman niya inaasahang maging gentleman ito dahil sa mga nangyari sa kanila noon.
Natigilan si Ryan pagpasok nila sa loob ng hospital room. Maging siya ay nagulat sa nakita. Isang pamilyar na mukha kasi ang nabungaran nila sa loob ng hospital room. Well, the sick little Darlene was sleeping weakly on the bed. Pero bukod doon ay isang babae ang nadatnan nila sa loob ng silid.