Old Flame

Jenneth and Ryan had a staring contest with the woman who's standing by the hospital bed.

"You're gaping at me," the woman said at Ryan, who, obviously, was gaping because of shock.

"Sam?" Ryan asked.

"Hey... Ryan…" the woman said.

Jenneth looked at Ryan. Halatang sobrang tuwa nito na parang teary-eyed pa nga ito.

"Sam..." Lumapit si Ryan at saka niyakap ito.

"Hey... I'm glad to see you, too." Samantha smiled at him.

"You're back!"

"For a vacation," Samantha said.

"Well, at least you're back."

Biglang na-out of place si Jenneth sa nasaksihan. Parang gusto niyang mag-exit quietly nang hindi nila nalalaman. Pero nakita na siya ni Samantha. Wala siyang choice kundi ang sumali sa usapan ng dalawa.

"Hindi mo na yata ako natatandaan," she said to Samantha.

"Of course, I do. Jenneth!" Nilapitan siya nito at niyakap.

"Nice to see you again, Ma'am Sam," she said, addressing Sam the way she did when she was still her COCC trainee.

"Hey! Sam na lang. Hindi na kita trainee, ano. Matagal na ang COCC na iyan. Pantay na lang tayo ngayon."

Jenneth smiled. "Idol pa rin kita."

"Grabe, ha? Super flattering naman iyan... Wait, magkasama ba kayong dalawa?"

"Nagkita lang kami doon sa lobby," ani Ryan.

Samantha looked at her teasingly. Alam niyang alam nito ang tungkol sa pagkakaroon niya ng crush noon kay Ryan. Hindi tuloy niya maiwasang mahiya at mag-blush dahil doon. Samantha giggled at her reaction.

"You look great, Girl," ani Samantha sa kanya. "Ryan, ang ganda ni Jhing, 'di ba?"

"Idol ka daw niya, eh," ang sabi naman ni Ryan.

Nadismaya naman si Jenneth sa tono ni Ryan. Iyong parang napipilitan lang na sumang-ayon sa sinabi ni Samantha. Sayang naman ang suot niyang dress. This time ay yellow and black ang kanyang two-toned dress, hindi tulad ng mga nakita nitong suot niya na puro black na.

"You could have just said yes," ang sabi ni Samantha sa kaibigan.

Ryan scowled, which made Samantha laugh. Feeling OP tuloy siya sa familiarity ng dalawa. Parang hindi nagkahiwalay ang mga ito ng fifteen years.

"Kumusta na si Darlene?" tanong na lamang ni Jenneth.

"Actually, hindi ko pa siya nakakausap," Samantha answered, medical doctor mode on. "I just diagnosed her based on the symptoms that she had and tests we did to her."

Nahawa na rin si Jenneth. "Dengue daw? How low is her platelet count?"

"Not too low. It's 148. So far wala pa namang bleeding. She just has the usual influenza symptoms."

Napatingin siya sa natutulog na si Darlene. "She seems weak."

"Her BP is 95 over 56, heart rate is 57 per minute. Her RBC is 4 and WBC is 4.2."

"Nag-positive siya sa NS1?"

"Yes. We also did typhidot and fortunately naman negative siya doon."

"Wait lang! Sandali, ha? Saglit lang," biglang singit ni Ryan sa dalawa. "Alam ko kayong dalawa nagkakaintindihan. Huwag n'yo naman sanang kalimutan na nandito ako at medyo nahihilo na ako sa mga pinagsasasabi ninyong dalawa."

"Oh yeah, sorry," ani Samantha sa kaibigan. "What I meant is that Darlene has very low vitals. Vital stats."

"Vital statistics as in 36, 24, 36?"

"I'm referring to the vital signs. Loko-loko ka talaga! Ginawa mo pang beauty pageant."

"Sorry, ha? Arkitekto ako, hindi medical staff."

Napangiti si Jenneth sa sinabi ni Ryan.

"Okay, fine. Darlene's vital signs are weak," ani Samantha. "She has low BP than normal, slower heart rate. Her white blood and red blood cells count are low. Iyong platelets din niya which is what's critical to dengue. That's why she's very weak right now."

"Kawawa naman ang darling ko." Ryan looked at Darlene fondly.

Jenneth looked at Ryan. She can't help but be drawn to the affection that Ryan has for his inaanak. He seems so vulnerable with that look. She can't help her heart but warm up on that scene.

"Sana naman gumaling siya kaagad," aniya, dahil sa awa kay Darlene, but mostly, dahil sa nakikita niyang awa sa mga mata ni Ryan.

"'Di ba iyong dengue kailangang salinan ng dugo?" tanong ni Ryan.

"Kung may bleeding o nag-critical ang level ng platelet niya," sagot ni Samantha. "Siyempre ayaw naman nating umabot sa puntong iyon. Pero Jhing, I hope may stock tayo ng blood and platelet sa Lab if ever that happens. Darlene's type B+."

Jenneth was quite surprised. "Alam mong sa Lab ako nagtatrabaho?"

"Dr. De Villa is my Ninong, remember?" Samantha smiled. "At close kaming dalawa kagaya nitong si Darlene at Ryan. Pero, don't worry. Hindi rin niya alam na uuwi ako ngayon. Surprise kasi ito."

"Sino naman si Dr. De Villa?" tanong ni Ryan.

"Chief Pathologist sa lab," sagot ni Jenneth.

"Chief, so boss mo? Sa kanya ka nagpaalam kanina?" tanong ulit ni Ryan.

Umiling si Jenneth. "Doon sa kasama ko na med tech."

"Ang bait ng boss mo," komento ni Ryan.

"He's not her boss," ani Samantha kay Ryan. "Iyong mga pathologist, hindi sila employees ng hospital. They are just there to read the lab results that the med techs examine. Chief kasi marami iyang mga iyan, at si Ninong ang pinaka-head nila. Technically, Jhing's boss is my brother... I think you're not aware that Jhing is the hospital's chief med tech?"

Ryan scowled. "Whatever that means..."

"It means that Jhing is the boss."

Bigla siyang nahiya sa sinabi ni Samantha. Feeling niya ay nanay niya ito at ibinibida siya nito sa lalaking inirereto nito sa kanya.

She looked at Ryan. She wants to think he looks impressed, pero hindi naman ito nagsalita. Muli ay nadismaya siya sa reaksiyon nito. She tried to act professionally na lamang.

"I'll check what we have at the Lab," aniya. "If wala o magkulang, pwede naman tayong mag-request sa Red Cross. Mabuti na lang hindi na dengue season ngayon so wala na tayong gaanong pasyente na kailangan ng blood."

"Saan kaya nakuha ni Darlene iyon dengue?" tanong ni Ryan.

"Kailangan sigurong masabihan ang school nila. I'll talk to Stan Fontanilla about this para naman ma-check nila ang CPRU," ani Sam.

That moment ay nagising na si Darlene. Si Ryan ang nabungaran nito.

"Hey..." Ryan smiled gently at her.

"N-Ninong..."

"Yes Darling. How are you feeling?"

"Daddy..."

Hindi maiwasang maawa ni Jenneth sa narinig. She feels sad to see a little girl yearning for her father's care. Nasaan na naman ba si Kenneth? Nasa meeting na naman ba ito? Or maybe, he's out of town. Siguro nga, dahil kung nandito lang ito sa Tarlac ay malamang nandito iyon sa tabi ng anak nito.

"We're calling him na, Ling. As soon as makuha niya ang messages namin tatawag din siya kaagad. Tsaka kaagad naman siyang uuwi kaya huwag mo na muna siyang alalahanin. Ang importante pagaling ka, ha?"

Jenneth concluded that Kenneth was out of town. Kaya naman pala wala ito ngayon.

"Siya nga pala. You remember Tita Jhing?"

Ryan looked at her and Jenneth moved closer to him.

"Hi Darlene," bati ni Jenneth sa pasyente.

Darlene just blinked at her. Maybe she's still too weak to even smile.

"And, Darlene, remember that friend that we talked about some time ago?" tanong ulit ni Ryan kay Darlene. "Iyong friend namin ng daddy mo noong high school? Here she is now and she's your doctor."

Nagpakilala si Samantha kay Darlene bilang kaibigan ng daddy nito at doktor na rin niya. Pero katulad ng reaksiyon ng bata sa kanya kanina ay tinignan rin lang ni Darlene si Sam.

"She's not like that," nag-aalalang wika ni Ryan.

"She's still weak," ang sabi naman ni Samantha.

Hinawakan ni Jenneth ang kamay ni Darlene. "Ang taas pa rin ng lagnat niya."

"We're still monitoring her. After one hour ay kukunan ulit siya ng dugo at titignan nung nurse yung temp niya."

"Sana gumaling na siya," ani Ryan. "I miss our Darling already."

Samantha seemed to like what Ryan said. She smiled fondly at him, and Jenneth did not like how she felt about that. It's another feeling that she thought was gone, but now, it's suddenly coming back.

Kailangan niyang umiwas habang wala pa siyang masyadong nararamdaman. "Kailangan ko nang umalis. Babalik na lang ako ulit."

Ewan niya kung mangyayari pa iyon. Pero gusto niyang makita si Darlene at gusto niyang makitang gumaling ito. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit niya gustong bumalik doon.

𝘐𝘺𝘰𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨, she told herself.

"Sasabay na ako sa'yo," ani Samantha. "May kailangan pa akong gawin sa nursing station. Ryan?"

"Sige. Hintayin ko si Tita Marie," ang sabi naman ni Ryan.

Magkasabay na lumabas ng silid sina Jenneth at Samantha.

"I'm glad we met again, Jhing. Natuwa nga ako nang marinig ko from Ninong that you're the new chief med tech."

"The feeling is mutual," ang sabi na lamang niya. True, masaya siyang makita ulit si Samantha. Ewan nga niya kung bakit ganoon ang nararamdaman niya ngayon nang makita niya ang closeness nito kay Ryan.

"You actually gave me that I-miss-high-school feeling. I think we should hang out more."

Jenneth smiled. "I-reminisce natin kung paano mo ako pinahirapan noong COCC traning ko?"

"Hoy, mabait ako sa'yo noon, ha!" Natawa ito sa biro niya.

"Oo nga. Ikaw ang isa sa mga iilang mababait na officers. Of course, si Colonel."

"Yeah..."

Kenneth Oliveros was their COCC Colonel. Samantha was their Ex-O. Silang dalawa ang may pinaka-mataas na posisyon sa mga officers nila noon, pero sila rin ang pinakamabait sa kanilang mga trainees pa lamang.

There's one more person, though.

"And, well, Ryan."

Samantha looked at her, at dahil sa hiya ay napaiwas siya ng tingin.

"Kaya nga crush mo siya, 'di ba?" Sam teased.

"Noon iyon," Jenneth answered.

"How about now?"

Now? Paano nga ba? After all that had happened, she thought she had already forgotten all that she felt for him before. Pero ngayong nakikita niya ito ulit, bakit parang biglang bumabalik ang lahat ng iyon? At alam niyang mali iyon. Hindi na siya teenager na madaling ma-fall sa good looks at guy-next-door appeal at simpleng pagiging nice sa mga nerd na katulad niya.

"I guess we're too old for crushes," she answered. "A lot has changed. Look at you now. Ibang-iba ka na doon sa Samantha na nakilala ko 16 years ago. Ang tagal na, ano?"

Tumango si Samantha. "Yeah... Sixteen years."

Nakarating na sila sa may nursing station.

"Paano? I guess I'll just see you around?" she asked.

"Yup. See you around," ani Samantha.

Pumasok na siya sa elevator. Noon lang siya parang nakahinga ng maayos. Kailan ba siya nagsimulang maging uneasy? Was it that moment when she saw Ryan at the lobby? Or was it when they entered Darlene's room and saw Sam? Hindi na siya sigurado. Basta, ngayon lang siya naging okay ulit.

Siguro, kahit gaano niya iwasan ay hindi talaga niya maiaalis sa sarili na maramdaman ang ganoon. Pero hindi ibig sabihin noon na muli na ring babalik ang ano mang meron sila ni Ryan noon. Everything has changed. Hindi na siya iyong fifteen-year-old nerd girl na may crush sa cute na Training Officer nila sa COCC. Hindi na siya high school and she's just too old for crushes.

Paglabas niya ng elevator, she caught sight of Eng. Jonathan. Bigla niyang naalala si Gwen at ang eksena na nangyari kanina sa may Admin office. Bigla ring nabalik sa kanya ang kakaibang reaksiyon ni Gwen sa nasabing inhenyero.

Jenneth smiled. Oh well, maybe they're not too old to have crushes.