It has been a long day for Jenneth. Ang daming report kasi niyang tinapos ngayong maghapon. Parang hindi nga siya tumayo mula sa harapan ng computer niya. Sobrang toxic niya nang araw na iyon na ang break lang yata niya ay kain ng lunch at pagpunta sa banyo para umihi.
Past five na nang matapos niya ang lahat ng ginagawa niya. Hindi pa naman ngayon ang deadline ng mga report na iyon, pero gusto na niyang matapos ahead of time. Para na rin may time pa siyang i-review at i-revise ang mga iyon if ever.
"Ma'am, una na ako," paalam sa kanya ni Cess, isa sa mga medical technologist nila doon, at parang assistant niya bilang chief medtech.
"Okay sige," aniya sabay ngiti dito.
"Hindi ka pa uuwi, Ma'am?" tanong nito sa kanya. "Ang toxic mo yata ngayon?"
"May tinapos lang, pero okay na."
"O sabay na tayo Ma'am, para naman makalibre ako ulit."
She smiled. Along the way lang naman ang bahay ni Cess kaya okay lang na isabay niya ito pauwi. Isa pa ay masaya rin naman itong kakuwentuhan kaya hindi siya nabo-bore kapag kasabay niya ito.
Isa sa kanyang mga staff ang biglang dumaan sa opisina niya. Hindi naman kasi enclosed ang kayang office. May sarili siyang cubicle pero hindi pa rin ito nakahiwalay sa ibang mga sections ng laboratory. Which is okay naman for her para nakikita rin niya ang mga nangyayari sa departamento niya.
Pagdaan ng staff ay nagsalita ito ng malakas. "CBC daw! Sinong available?"
Bigla siyang may naalala nang marinig iyon.
"May dadaanan pa pala ako, Cess," aniya sa kasama.
"Pasyente, Ma'am?"
"Oo," sagot niya. "Anak nung kaibigan ko."
"Okay sige. Bukas na lang, Ma'am. Bye po!"
Lumabas na ng cubicle si Cess. Nakasalubong pa niya iyong staff na nagtatanong kung sino'ng available para mag-extract ng dugo nung isang pasyente.
"CBC daw," ang sabi nung staff.
"Uy! Tapos na duty ko," ang sabi naman ni Cess.
"Di nga? Di ba OT ka? Di ba?"
Napangiti si Jenneth sa biruan ng dalawa. Magkasunod na ang mga itong lumabas ng Lab papunta sa may reception area.
She looked at her desk. Tama ba na puntahan niya si Darlene ngayon? Oo at curious siya sa kung ano na ang kalagayan nito. Pero kapag naiisip niya kung sino ang pwede niyang makita doon ay bigla siyang nagdadalawang isip.
Teka lang sandali. Bakit nga ba siya magdadalawang isip? Bakit big deal sa kanya kung makita man niya iyong lalaking iyon kapag pinuntahan niya si Darlene? Ibig sabihin ba nito, talagang affected pa rin siya sa lalaking iyon?"
"No way!" she said to herself as she gathered her things and shut down her computer.
Bakit naman siya magiging affected pa? Hindi naman siya affected. Siyempre, ex-boyfriend pa rin naman niya iyon kaya may something pa rin. May awkwardness pa rin lalo na dahil doon sa mga nangyari noon. Pero hindi ibig sabihin doon na affected pa rin siya. Hindi ibig sabihin doon na may feelings pa rin siya.
Oo, wala na nga.
Kaya naman niligpit na niya ang kanyang desk at saka na siya lumabas ng opisina nila. Diretso siyang umakyat sa second floor kung saan naroon ang silid ni Darlene. Nang mapadaan sa may nurse station ay nakita niya si Samantha na may binabasa sa dala nitong clip board. Nilapitan niya ito.
"Hi Doc!"
Samantha smiled at her.
"How's our patient?" she asked her.
"Platelet is back to 148. RBC is 4 and WBC is 4.3," sagot naman ni Samantha.
"Mabuti naman at tumaas na." That means Darlene is getting better. Natuwa naman si Jenneth doon.
"Oo nga. The fact that Kenneth's there really helped a lot."
"Nandiyan na si Kenneth?"
Tumango si Samantha. "I think he just arrived this morning."
"Mabuti naman. Siya lang talaga yata ang kailangan ni Darlene. You're right. You really are a good doctor."
Samantha smiled at her. Pansin ni Jenneth, hindi lang ang itsura ang nagbago dito. Pati na rin ang demeanor nito ang how she handles herself. Surely, andun pa rin yung pagiging friendly ng aura nito. Iyon ang dahilan kung bakit kahit na mahiyain siyang bata noon ay at home pa rin siya sa presence ni Samantha. Friendly kasi talaga ito.
It's just that Samantha lost that boyish vibe of her. Hindi naman siya tomboy, pero hindi ito girly kumilos noong high school pa sila. Galawgaw nga ang tawag ng iba dito. Siguro kasi puro lalaki din ang kaibigan nito. Right now, Samantha is a lady in everything, even in the way she walks papunta sa hospital room ni Darlene. Andun na yung finesse at sophistication.
Kasunod nilang pumasok sa hospital room ang isang nurse. Nadatnan nila doon si Kenneth, at siyempre, si Ryan. Jenneth took a deep breath as she suddenly felt something strange on her stomach. Para siyang na-excite na ewan.
She scolded herself internally for that.
"I guess our patient is already up," ani Samantha. Nakaupo na kasi sa kama nito si Darlene at kasalukuyang pinapakain ng lugaw ni Kenneth.
"Uhm... Oo… Nagugutom na nga, eh," ani Kenneth na napatayo mula sa kama ni Darlene.
"That's a good sign," Samantha said. "Hi Ryan."
"So, nagkita na pala kayo?" Ryan asked instead.
Jenneth frowned at Ryan's reaction. Was he teasing Samantha? Or was it something else? Then she thought, why does it matter? Why does she have to know every reaction Ryan makes? He can react however he likes for all she cares.
"Yeah, just this morning," sagot ni Samantha kay Ryan. "I brought Jhing along."
Jenneth wondered why Samantha needed to say the obvious. Is it still about her crush on Ryan? Or, did she already find out about their past?
She brushed that thought off her mind and just smiled at Kenneth. "Hi Kenneth." Tsaka siya lumapit kay Darlene. "Hi Darlene. Remember me?"
"Tita Jhing…"
Jenneth smiled. "I'm glad you remember. Did Ninong Ryan give your bracelet back to you?"
"Oo naman!" Ryan snapped in.
Napangiti si Jenneth. "Is that true?" tanong niya kay Darlene.
"Bakit parang hindi ka naniniwala sa akin?" reklamo naman ni Ryan.
Jenneth suppressed her smile caused by Ryan's reaction.
"Opo. Binigay na po niya sa akin," sagot naman ni Darlene.
"Good." She smiled at Darlene.
Si Samantha naman ang lumapit kay Darlene at saka nagpakilala. Pagkatapos noon ay chineck up nito ang bata. Nang makita ang isang braso nito dahil ilalagay sana niya ang BP cuff doon ay napansin nitong nangingitim iyon. Sa kabila na lamang inilagay ni Samantha ang pang-BP.
Hinawakan ni Jenneth iyong nangingitim na braso ni Darlene at saka sinuri ito. Sigurado siyang ang sanhi ng pangingitim ay ang turok ng karayom sa maselan pang balat ng bata.
"Bago siguro ang gumawa nito," ang sabi ni Jenneth.
"Lagi kasi siyang kinukunan ng dugo," ani Kenneth.
"Kasalanan ni Sam," ani Ryan.
"Kailangan kasing i-monitor ang blood count niya every three hours. Okay naman ang BP niya," paliwanag naman ni Samantha.
"Dito yata nila siya laging kinukunan," ani Jenneth. Napansin kasi nyang marami ngang turok ng karayom sa brasong iyon ni Darlene.
"Baka kasi mas madaling hanapin iyong ugat niya diyan," ang sabi naman ni Samantha.
Siguro nga. Binitawan na ni Jenneth ang braso ni Darlene at nagpatuloy naman sa pagsusuri si Samantha.
"Her tests results improved from the last time na nagpunta ako dito. Kung magtutuloy-tuloy ito, kaagad siyang gagaling," ani Samantha kay Kenneth.
"Salamat naman." Mukhang nakahinga ng maluwag-luwag si Kenneth sa narinig.
"Kailangan lang niyang maamoy ang daddy niya," ang sabi naman ni Ryan. "Ngayong nandito na si Kenneth, siguradong gagaling na iyang darling natin."
"Mukha nga," ani Samantha.
"Tsaka magaling daw kasi ang doctor niya," dagdag pa ni Ryan.
Napaiwas ng tingin si Jenneth.
"Sabi po ni Daddy, galing daw po kayo ng America," ani Darlene kay Samantha.
"Oo. Sa America ako nakatira. Bumalik lang ako dito para magbakasyon," ang sabi ni Samantha dito.
"Kapag gumaling ka daw, magba-bonding daw kayo," ani Ryan kay Darlene.
"Oo ba! Kaya pagaling ka kaagad, ha?" ang sabi naman ni Samantha.
Ngumiti lamang ang bata.
"Matutuwa niyan si Kenneth," biglang hirit ni Ryan.
Now, that is strange. Jenneth saw when Kenneth looked sharply at Ryan, and the latter smirked at Kenneth. Tinutukso ba ni Ryan si Kenneth kay Samantha?
Na binawi naman bigla ni Ryan. "Na gumaling agad si Darlene. 'Di ba gusto mo naman iyon?"
Medyo nalilito si Jenneth sa mga nasasaksihan niya. Ang alam kasi niya ay may something special sina Ryan at Samantha, so bakit parang nirereto pa siya ni Ryan kay Kenneth?
Hindi niya tuloy maiwasang maghinala habang patuloy na pinapanood ang tatlong magkaibigan.