Naputol ang pagmumuni-muni ni Jenneth tungkol sa tatlong magkakaibigan nang pumasok sa silid ang medical technologist na kukuna ng dugo ni Darlene.
"Extract lang po ng dugo," ang sabi nito.
The young medtech saw Jenneth. She smiled at her, and Jenneth reciprocated. Bata pa ang medtech, siguro kaha-hire pa lamang nito. Mukhang mapapalaban ulit ang braso ni Darlene.
Na medyo naalarma na nga. "Dad…" the young girl said as she looked worriedly at Kenneth.
"Easy lang, Darling," ang sabi naman ni Kenneth sa anak. "Narinig mo iyong sinabi ni Tita Sam? They need to get your blood para mamonitor iyong sakit mo."
"Masakit…"
"Konting sakit lang Darling. Tiisin mo na lang," ang sabi pa ni Kenneth sa anak. Lumapit na ito dito at saka hinawakan ang kamay nito.
Naawa naman si Jenneth sa bata. At naawa din siya sa medtech na nandoon na parang biglang nabahala nang makita ang pasyente. Hindi niya alam kung saan ito mas naalarma – sa katotohanang takot na bata ang pasyente, o yung presensiya ng boss niya sa kanyang pag-eextract?
Kaya naman nagprisinta na lamang si Jenneth. "Ako na lang ang mag-eextract sa'yo."
Natigilan ang lahat sa sinabi ni Jenneth. Maging niyong medical technologist ay napatingin sa boss niya.
"May I?" aniyang ang tinutukoy ay ang tray na lalagyan ng injection at mga Vacutainer. Walang nagawa iyong medtech kundi sundin ang gusto ng kanyang chief.
Lumapit si Jenneth kay Darlene, at binigyan naman siya ng space nina Samantha at Ryan, though si Kenneth ay nakatabi pa rin sa anak.
"'Di ba you're curious about my work?" tanong ni Jenneth kay Darlene.
Tumango naman ang bata. Halata pa rin ang takot pero mas at ease na ito ngayon kaysa kaninang makita ang paparating na medical technologist. Jenneth smiled at her as she thought of an idea to calm her down.
She took the alcohol swab and opened the package. "Okay. This is an alcohol swab. It's a cotton pad with alcohol. I'll clean my hand muna so that it's clean when I extract your blood."
"Let me see your arm." Iyong kamay na walang turok ang hinawakan ni Jenneth. "Close your fist like this." Ipinakita niya ang pagkuyom ng kamay niya kay Darlene na ginaya naman nito. "Very good."
Sinuri ni Jenneth ang braso ni Darlene. "Mukhang hirap nga dito iyong ugat mo." Marahan nitong pinitik iyong braso ni Darlene upang mapalabas iyong ugat.
"Kaya siguro doon sa kabila nila siya laging kinukuhanan," ang sabi naman ni Samantha.
Ilang sandali pang sinuri ni Jenneth ang kamay ni Darlene. Ayaw niyang lumipat kasi tadtad na nga ng turok iyong isang braso nito. Worse case ay sa paa ni Darlene siya hahanap ng ugat.
Finaly ay nakakita din siya ng ugat. Diniinan pa niya ang kamay ni Darlene upang lalong lumitaw iyong ugat nito. "See that vein, Darlene?"
Tumango si Darlene.
"Now we will disinfect it." Pinunasan ni Jenneth ng alcohol swab iyong area na tuturukan niya ng karayom. Pagkatapos ay may kinuha siyang isang asul na rubbery strip. "This is a tourniquet." Itinali niya ito sa sa itaas ng kukuhanan ng dugo.
"Ready?" Jenneth asked with a smile. Tumango lamang ang natatakot pa ring si Darlene. "Okay. Hinga lang ng malalim."
Paghinga ni Darlene ay itinusok na ni Jenneth ang karayom sa braso nito.
"Do you love blueberry scone?" tanong ni Jenneth habang pinupuno ng dugo ang syringe base sa kailangang sukat.
"Yes…" sagot ni Darlene.
Jenneth smiled. "I love it, too." Saka na niya binunot iyong injection. "And, we're done! See? Hindi naman masakit, 'di ba?"
Tumango lamang si Darlene. Isang cotton ball na may alcohol ang inilagay ni Jenneth sa pinagturukan ng injection kay Darlene at saka niya iyon nilagyan ng plaster. Pagkatapos ay ibinigay ni Jenneth ang injection na may dugo sa medtech upang isalin nito iyon sa Vacutainer na dala.
"There you go."
Inilipat naman ng medical technologist ang dugo sa isang Vacutainer. Pinagmasdan iyon ni Darlene.
"That's my blood?"
"Yup," sagot ni Jenneth kay Darlene. "That's a Vacutainer. Tapos ilalagay iyan sa machine para bilangin iyong cells sa blood mo. Para malaman natin kung gumagaling ka na."
Nagpaalam na iyong medical technologist dala ang dugong in-extract mula kay Darlene. Sumunod na rin sa kanya iyong nurse na kasama naman ni Samantha kanina.
"Pwede ko po bang makita?"
"Well, I guess I could take you to the lab one time," ani Jenneth. "Alam mo bang itong Tita Sam mo is also a medical technologist before she became a doctor?"
"Talaga po?" Na-amaze naman si Darlene sa narinig.
"Yes, but I'm not used to getting blood samples anymore. Hindi katulad nitong si Tita Jhing. Mukhang expert sa pag-eextract lalo na sa mga bata," ani Samantha.
"Noong una akong ma-hire sa Manila, laging ako ang ipinapadala kapag pedia ang kukunan ng dugo. Kaya hayun, nasanay na ako," paliwanag ni Jenneth.
"I guess it's like an initiation rite?" ani Samantha. "Ganoon din ako nung una akong maging residente. Puro mga bata ang ibinibigay sa akin."
"Ang saya po sigurong maging doctor," bigla'y wika ni Darlene.
"Nakow, Pare. Hayan na. Mukhang natagpuan na ni Darlene ang purpose in life niya," ani Ryan sa kaibigan.
"Well, as long as kaya ko siyang papag-aralin. Kung iyon ang gusto niya, why not?" Kenneth smiled at Darlene and kissed her in the forehead.
"Lovely…" Ryan said.
Napatingin si Jenneth kay Ryan na nakaakbay na kay Samantha. Muli ay andun na naman iyong pagkailang na naramdaman niya kanina. At pagkalito. The way that Ryan looks at Samantha, it felt like he's teasing her na taliwas sa pagkakaakbay nito sa kanya.
𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘺𝘢𝘳𝘪? Jenneth wondered.
"Ikaw? Kailan ka mag-aasawa?" biglang tanong ni Samantha kay Ryan.
"Bakit napunta na naman sa akin ang usapan?" ang sabi naman ni Ryan.
"Wala lang. Para hindi ka na nakiki-darling sa darling ng iba," ani Samantha.
"Ah, tandaan ninyo iyan. Kapag nagkaanak ako, Honey ang ipapangalan ko sa kanya at walang pwedeng tumawag sa kanya ng ganoon kundi ako lang," ani Ryan.
"Eh ano ang itatawag namin sa kanya?" tanong naman ni Samantha.
Napaisipi si Ryan. "Eh di bibigyan ko siya ng second name. Parang… Parang Honey Shereen. Iyon!"
Natigilan si Jenneth sa sinabi ni Ryan. Napatitig ito sa lalaki na parang natitigilan rin.
"Honey Shereen. Not bad," ani Samantha. "Cute name."
"Parang alam ko kung saan nanggaling iyon," ang sabi naman ni Kenneth.
"Shereen means sweet," ani Ryan na parang nainis bigla.
"Dahil mahilig sa sweets si Jenneth." Kenneth smirked.
Samantha looked at Kenneth, and the latter seems to feel like he should tell her about their past.
"Hindi mo pa yata nalalaman. Naging sila noon. Mga limang taon?" ani Kenneth.
"Really?" Samantha asked.
Jenneth can't help but feel awkward. Hindi naman dahil sa hindi pa siya naka-get over o kung anuman. Hindi lang naman kasi talaga ganoon kadaling marinig na pinagkukwentuhan ang past ninyo ng ex-boyfriend mo. Lalo na kung andoon din siyang naririnig ang usapan kagaya mo.
"I remember noong minsang nagbibiruan kami," pagpapatuloy ni Kenneth. "Si Jenneth sobra kumain ng cake yata iyon. Tapos sabi nitong si Ryan kapag daw nagkaanak sila papangalanan niya daw ng Shereen kasi it means sweet daw."
"That was a very long time ago," ani Ryan.
"Yeah…" Jenneth murmured. 𝘈 𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘮𝘦 𝘢𝘨𝘰. Sobrang tagal na nga kaya dapat hindi na nila pinag-uusapan. Pero ano nga ba ang magagawa niya?
Mabuti na lang at dumating ang mga kaklase ni Darlene. Nagpaalam na si Jenneth sa lahat, at sumunod na rin naman sa kanya si Samantha. Alam ni Jenneth na hindi siya titigilan ni Samantha at siguradong mangungulit ito tungkol sa kanilang dalawa ni Ryan.
At hindi nga siya nagkamali.
"Naging kayo pala ni Ryan noon?"
Expected, pero andun pa rin iyong surprise kasi nga siguro dahil sa awkwardness.
"It was… during college and a few years after…"
She looked away. Siguro nga, hindi pa siya komportableng pag-usapan ang tungkol doon. Kung pwede lang sabihin niya kay Samantha ang dahilan kung bakit, pero sa ngayon ay iyon lang muna ang pwede niyang sabihin dito.
Mukhang na-sense naman ni Samantha na hindi siya komportableng pag-usapan ang tungkol doon.
"If you want to talk to someone about it, I'm just here."
She looked at her and Samantha smiled.
Napangiti na rin si Jenneth. "Thanks, Sam."
"You're welcome."
"Sige, next time maybe I can tell you about it."
Yes, maybe next time. Siguro kapag nasanay na siya sa muling paglitaw ni Ryan sa buhay niya ay magagawa na niyang mag-open up tungkol sa nangyari noon sa kanila. But for now, hindi muna.
"Dito na ako," ani Samantha nang makarating na sila sa nursing station.
Tumango si Jenneth. "Sige."
Pumasok na sa elevator si Jenneth pababa sa first floor. Habang pasara ang pintuan ay nasilip niya si Samantha na kinakausap ang mga nurses sa nursing station. Naalala niya noong COCC trainee pa lang siya nito. She has the same authoritative demeanor but not intimidating. Iyong tipong nakatataas sa iyo pero down to earth pa rin at approachable.
She's just everything that Jenneth wanted to be. Lalo pa iyong lumala noong makita niyang naging special ang friendship nila ni Ryan. Hindi malaman ni Jenneth kung nagawa ba niyang punan ang puwang na iniwan ni Samantha sa buhay ni Ryan noon, pero sigurado siyang naging mabuti ang buhay niya dahil sa naging inspirasyon niya si Samantha.
Well, she became a medical technologist and now she is the chief medtech of the biggest private hospital in the province. Kung iyon ang pagbabasehan ay masasabing successful na talaga siya. Though personally, her life has setbacks. Pero ganoon naman talaga ang buhay, hindi ba? Hindi naman lahat perfect.
Jenneth recalled how Darlene was earlier. Mukhang okay na ito at for sure ay tuloy-tuloy na ang paggaling nito. Siguro okay lang kung hindi na niya ito dalawin pa. Oo, okay lang naman siguro. Para na rin hindi na niya makita pa iyong taong ayaw na rin sana niyang makita. Alam niyang sinabi niya kanina na gusto niyang masanay sa presensiya nito sa buhay niya pero…
As much as possible ayaw pa rin niya itong makita ng madalas. Bahala na kung kailan niya ulit ito makikita. Basta, hindi muna. Huwag muna sa ngayon.