Mabilis talaga dumaan ang mga araw. Lalo na kapag Disyembre. Lalo na kung nasa Pilipinas ka. Kung meron mang lugar sa mundo kung saan sobrang espesyal ng Pasko, sa Pilipinas na iyon.
Hindi nga ba't September pa lamang, o iyong simula ng tinatawag nilang 'Ber' months, ay ramdam na sa buong bansa ang Christmas spirit? Excited na ang lahat, umpisa na ng mga Christmas shopping and holiday planning at pati na rin ng mga nagka-carolong tuwing gabi. September 01 pa lang ay ramdam na ang Christmas spirit sa buong bansa.
Lalo na sa mga empleyadong makakatanggap ng Christmas bonus. Kagaya na lamang ng mga empleyado sa Tarlac General Hospital. Nang araw na iyon ay ibinigay na ang kanilang mga Christmas bonus, cash gift, pati na rin ang mga giveaways na groceries, ham at iba pang regalo ng management sa mga empleyado. Kaya naman lahat masaya sa buong ospital, katulad na lamang ng mga staff ni Jenneth sa Laboratory.
Bukod sa mga regalo ng management ay may ibinigay din na konting regalo si Jenneth sa kanyang mga kasama. Hindi rin naman kamahalan iyon dahil sobrang dami nila sa Laboratory. Pare-parehong soup mug ang ibinigay niya sa lahat.
Nakatanggap din naman siya ng regalo mula sa ibang mga supervisors, managers at mga officers nila. Isa na doon ang kanilang Chief Pathologist na si Dr. de Villa. Isang pares ng rose gold earrings ang ibinigay nito sa kanya, na talagang ikinagulat niya kasi may kamahalan din ang mga iyon. Ayaw pa nga niyang tanggapin noong una pero pinilit din siya ng manggagamot.
"Mura lang iyan," ang sabi ng doktor. "Naka-sale."
"Thanks, Doc." Wala na nga siyang nagawa. Nahiya naman siya sa regalo niyang gift box na may iba't ibang variants ng tea. Mahilig kasing mag-tsaa ang nasabing doktor. May honey din itong kasama at mug. Dapat pala isang buong tea set ang isinama niya doon.
Nang araw na iyon din kasi ang Christmas party nila sa ospital, at ang ibang mga empleyado, lalo na iyong mga nasa offices at support services, ay naka-leave na pagkatapos noon. Kaya talagang bigayan na ng regalo.
After work ang Christmas party. That year, A Very 50s Christmas ang theme, dahil na rin ang taong iyon ang 50th founding anniversary ng TGH. Lunch pa lang ay todo prepare na ang mga aattend sa nasabing selebrasyon. Iyong mga katatapos lang ng duty ay diretso nang naghanda at nagbihis kahit pa nga alas-sais pa ang simula ng event. Magpapa-parlor pa daw kasi sila kaya ganoon.
Jenneth chose to wear a light blue vintage dress na may maliliit na puting polka dots. Cap sleeve iyon at A-line ang skirt na hanggang ilalim ng tuhod niya. She put up her hair into a 1950's style chignon dahil wala na siyang oras magpa-parlor at magpakulot ng akma sa era na iyon. Four o'clock na siya nakapagbihis at nakapag-ayos dahil na rin sa dami ng gawain niya pati na rin ang pagdi-distribute ng mga regalo sa mga kasama niya.
Katatapos lang niyang magbihis at mag-make up nang dumating si Samantha sa office niya. Katulad nito ay nakabihis na rin ito ng akma sa tema ng party. Samantha is wearing an emerald green dress with V-neckline and ¾ sleeves dress. Mukhang nakapagpa-parlor din ito dahil naka-50's curls ang hairdo nito.
"Wow!" Jenneth exclaimed when she saw Samantha.
"Alam mo ba? Alas-tres pa lang andun na yung hairstylist sa admin office! Nakakaloka si Ate Helen!" Samantha said as she sat down on the chair in front of her table.
Natawa si Jenneth sa kwento nito.
"You know, this is the first time I'm attending the party since I went to the States."
"Hindi ka ba nakakauwi noon?"
"No," Samantha answered. "It's my parents who fly to the States to spend the holidays there."
"Oh… Well, at least may kasama akong first timer." Jenneth smiled.
Napangiti din si Samantha. "Right. First time kong mag-attend ng party na si Ate Helen ang nag-organize… Hey, by the way. Hindi ka ba magpe-perform?"
"Huh?"
"Di ba kapag new employee, kasama sa dance contest?"
Muling natawa si Jenneth.
"Well, I was exempted."
"Ang daya! Porke manager!"
Jenneth just giggled.
"By the way. I came here to give you this."
Isang regalo ang iniabot ni Samantha sa kanya. Nakabalot ito ng kulay pulang gift wrapper.
"Merry Christmas!" ani Samantha.
Nagulat si Jenneth. Hindi niya inaasahan ang regalong iyon.
"Thanks… uhm… Nakakahiya naman. Wala akong regalo sa'yo!"
Talagang nahiya si Jenneth nang ma-realize iyon. Ni hindi niya naisipang bigyan ng regalo si Samantha.
"Okay lang. Ang gift mo na lang sa akin ay iyong pumunta ka sa birthday party ko."
"Huh?"
"Well, my birthday is on Christmas day. Pero siguro naman, by dinner libre ka nang mag-attend? Don't worry. It's nothing fancy. Kami-kami lang nina Kuya Raul, Ate Glory, yung family nila, tapos sina Kenneth and Ryan. And of course, Darlene."
Lalo yata siyang nahiya sa invitation na iyon. Puro close friends at family lang naman kasi ang invited.
"Nakakahiya naman," aniya.
"Okay lang iyon, ano ka ba? Friend na rin kita, di ba?"
Na-touch naman siya sa sinabing iyon ni Samantha. Paano ba niya ito matatangihan?
"O sige." She made a mental note to buy her a gift.
"Well, I hope you don't mind na nandoon si Ryan."
Jenneth looked at her, quite dumbfounded at what she said. Hindi naman nanunukso si Samantha. Actually, medyo worried nga ang expression niya.
"Okay lang," aniya. "Eh ano nama ngayon, di ba? Past is past."
"Right," Samantha said. "So paano, hintayin kita noon, ha?"
"Sure. I'll be there."
Samantha smiled. "Okay… So, alis na ako. Punta na kami ng Christmas party… How about you?"
"Papunta na rin ako."
"O sige. See you there na lang."
Tumango si Jenneth. "Sige."
Umalis na si Samantha. Tinignan ni Jenneth ang regalong ibinigay nito sa kanya. Binuksan niya ito and found out what it is. It's a Clinique Happy perfume.
"Oh my…"
Ganito ba magbigay ng regalo ang mga mayayamang ito? Kung tutuusin ay hindi naman sila close ni Samantha, pero ganito ang binigay nito sa kanya. Paano pa kaya kung yung mga ka-close niya ang bibigyan nito ng regalo?
Bigla tuloy siyang na-stress.