The Cooking Show

It was almost five in the afternoon nang maisipan ng lahat na magpunta na sa beach. Kahit naman kasi malamig ang panahon ay mainit pa rin ang sikat ng araw. Hindi pa rin safe na magbabad dahil sun burn ang kahahantungan mo. Kaya sinigurado talaga nila na pupunta sila doon kapag hindi na masyadong mainit ang sikat ng araw.

They were just a few minutes away from the sunset. Everyone watched the setting of the sun on the west side of the horizon. All of them were awed.

"Now, that is awesome," Ryan commented to the setting sun.

"The wonders of the universe," ang sabi naman ni Jenneth. She was so caught up with what she's seeing na hindi na niya napansin na si Ryan pala ang kinausap niya.

Pero hindi iyon nakaligtas kay Kenneth. Tumikhim ito at doon napatingin si Jenneth sa katabing si Ryan. Na napatingin din sa kanya.

"Romantic, ano?" biro pa ni Kenneth.

Napaiwas ng tingin sina Jenneth at Ryan sa isa't isa.

"Ah... ipe-prepare ko na iyong dinner. Tutal kayo na kanina," pagpiprisinta na lamang Jenneth para makaiwas.

Aalis na sana siya nang biglang magsalita si Ryan.

"Tulungan na kita."

"Huh?" Napatulala si Jenneth dito.

"Para naman hindi sabihin ng iba diyan na puro kain lang ako at wala akong naitutulong," ani Ryan.

"Mabuti pa nga," ang sabi naman ni Kenneth. "Sige na, tulungan mo na itong si Jenneth at para may silbi ka rin."

"Daddy, ako rin po ba walang silbi?" ang tanong naman ni Darlene.

"Ah, hindi naman, Anak," bawi ni Kenneth. "Ang ninong mo lang, kasi siya matanda na siya. Ikaw, baby ka pa kaya okay lang na hindi ka tumulong magluto."

"Hindi, dapat kasama si Darlene," ang sabi naman ni Ryan. "Anong baby? Sumama ka sa amin, Ling."

"Baka naman uutusan mo lang ng uutusan itong anak ko, ha?" ani Kenneth.

"Hindi, ah!" tanggi ni Ryan. "Halina nga kayo."

Wala na ngang nagawa pa si Jenneth kundi ang pumasok na sa rest house. Mabuti na lang at kasama nila si Darlene. At least hindi niya kailangang kausapin si Ryan all the time. She doesn't even need to talk to him at all.

"Tita Jhing, ano pong lulutuin ninyo?" biglang tanong ni Darlene.

Natigilan si Jenneth. Ano nga ba? Napatingin na lamang ito kay Darlene. Para itong biglang nablangko. Nagulat nga kasi siya dahil occupied masyado ang isip niya. Occupied masyado ng lalaking kasama nila.

"Ano bang gusto mo, Ling?" tanong naman ni Ryan.

Jenneth looked at Ryan. The latter just smiled. Feeling ni Jenneth ay nag-blush siya sa ginawa nito.

"Pwede po bang ano… ah, spaghetti?" sagot naman ni Darlene.

"Lagi na lang spaghetti," ani Ryan. "Wala ka na bang ibang gusto?"

"Fried chicken po… with spaghetti," sagot ulit ni Darlene.

Natampal na lamang ni Ryan ang ulo. Natawa si Jenneth sa pagkukulitan ng dalawa.

"Wala na siyang gustong kainin kundi fried chicken at spaghetti," ang sabi ni Ryan kay Jenneth.

Jenneth smiled at Ryan. Then she stooped down at Darlene.

"Ano bang gusto mong spaghetti? Filipino style? Italian?"

"Iyon pong Filipino tapos maraming hotdogs tsaka meatballs," sagot ni Darlene.

"Hindi ka naman masyadong demanding, ano?" ang sabi ni Ryan sa inaanak.

"Eh iyon po iyong masarap, eh. Sweet tapos ang daming hotdogs tsaka meatballs."

Mahilig nga naman sa sweets si Darlene, Jenneth thought. Kung iyon ang gusto nito, eh di iyon ang lulutuin.

Lumapit si Jenneth sa may pantry. Tiningnan niya ang dala nilang mga supplies.

"Mukhang alam ni Dra. Helen na mahilig ka sa spaghetti, ah," anito nang makita ang spaghetti noodles. Inilabas niya ito at ipinakita sa dalawa.

"Yey!" Darlene exclaimed.

Jenneth smiled at Darlene's reaction. Nagkatinginan sila ni Ryan na napangiti rin dahil sa ligaya ng inaanak. Ryan smiled at her, and for the first time, Jenneth felt comfortable smiling back at him.

"So, tutulungan ninyo ako, ha?" Jenneth said. She started taking the ingredients out of the pantry.

"Sure! Ano bang gagawin?" tanong naman ni Ryan na lumapit na rin sa may island counter kung saan inilapag ni Jenneth ang mga lulutuin.

"Marunong kang magluto, Ninong?" tanong ni Darlene.

"Oo naman," sagot ni Ryan. "Tingin mo, paano ako nabubuhay na mag-isa?"

"Ang sabi po ni Daddy, bumibili ka daw ng pagkain sa labas."

Natawa si Jenneth sa sinabi ni Darlene.

"Oy hindi, ah! Sinungaling talaga iyang daddy mo," tanggi naman ni Ryan. "Ipapakita ko sa'yo, marunong akong magluto." Tsaka nito hinarap si Jenneth. "Sige Jhing, ano ang ipapagawa mo sa akin?"

"We need to boil the noodles," Jenneth answered.

"Okay… I'll look for pots here." Pumunta si Ryan sa mga cabinet at naghanap ng gagamitin sa pagpapakulo ng noodles. "Pwede na ba ito?"

Tumango si Jenneth. "Yeah, that will be okay."

Nilagyan ng tubig ni Ryan ang kaserola. "Mabuti na lang kumpleto ang mga gamit dito."

"Pinrovide talaga ni Doc ang lahat, eh, ano?" ani Jenneth.

"Ang bait nga nung doktor na iyon, eh," ani Ryan.

"Mabait talaga siya," ani Jenneth. "Ibibigay nga daw niya itong rest house kay Sam kapag ikinasal siya."

"Ganun?" Ryan looked at Darlene. "Hayaan mo, Ling. Bibili rin ako ng rest house tapos ireregalo ko sa kasal mo. Pero dapat ikasal ka mga forty ka na."

"Grabe ka naman!" ani Jenneth kay Ryan.

"Ganoon talaga." Isinalang na ni Ryan ang kaserola sa kalang. "Okay na ba ito?"

"Yeah," ani Jenneth. "Hintayin muna nating kumulo tapos lalagyan natin ng asin at mantika." Inihanda na ni Jenneth ang dalawang rekadong binanggit.

"Mantika?" Ryan asked.

"Oo. Hindi mo ba alam?"

Umiling si Ryan.

"Hala! Hindi marunong si Ninong!" tukso ni Darlene.

"Hoy! Pst!" ang sabi na lamang ni Ryan kay Darlene.

Natatawang kinuha ni Jenneth ang mga sibuyas. Ibinigay niya ang mga ito kay Ryan.

"Ito talaga?" Napipilitang kinuha ni Ryan ang mga sibuyas.

"Eh hihahanda ko pa iyong manok para ma-marinate na," ang sabi nama ni Jenneth.

Kunwa'y naiiyak na inihanda ni Ryan ang gagamitin sa pagbalat at paghiwa ng mga sibuyas.

"Dapat sobrang pino ng hiwa, ha?" paalala pa ni Jenneth.

Ryan just looked at her sharply. Tapos ay nagsimula na itong magbalat ng sibuyas.

Si Darlene naman ang hinarap ni Jenneth.

"Gusto mo bang balatan iyong mga hotdogs?" tanong ni Jenneth.

"Sige po!" excited na wika ni Darlene.

"Halika, maghugas ka muna ng kamay," ang sabi ni Jenneth dito.

Tinulungan niya itong mag-hugas ng kamay.

"Bakit ba ang daming buhangin ng kamay mo?" ani Jenneth. Sumiksik pa kasi sa daliri ni Darlene ang mga buhangin.

"Nag-iipon po kasi ako ng shells." Tsaka ito dumukot sa bulsa ng kanyang shorts at inilapag sa may island counter ang nakuha niyang shells. "Hayan po, oh!"

Hindi malaman ni Jenneth kung matatawa o mapapailing sa ginawa ng bata. Dahil kasi doon ay muli na namang narumihan ang mga kamay nito. Tapos ay muntikan na ring malagyan ng buhangin iyong ingredients ng lulutuin nila dahil sa mga shells.

"Hindi ko anak iyan, ha? Inaanak lang," ang sabi naman ni Ryan na natatawa sa reaksiyon ni Jenneth.

Natawa na rin lang si Jenneth. Muli na lamang niyang hinugasan iyong mga kamay ni Darlene, at pagkatapos ay iniligpit din niya ang mga shells na dala nito. Pagkatapos noon ay tinuruan niya itong magbalat ng hotdogs.

Inihanda na ni Jenneth ang manok na ipiprito. Simpleng marinate lang naman ang ginawa niya. Isinunod naman niya ang batter na gagamitin sa pagprito. Nang bigla siyang mapatingin kay Ryan. Hindi niya napigilang matawa nang makitang puro luha na ang mata nito.

"Sige, tawanan mo pa ako," naiinis na wika ni Ryan.

"Si Ninong, umiiyak na," ang sabi pa ni Darlene.

"Sige, pagtulungan ninyo ako," ani Ryan sabay singhot.

Noon naman pumasok sina Samantha at Kenneth.

"O pare? Bakit umiiyak ka?" natatawang tanong ni Kenneth kay Ryan.

"Eh sa dinami-dami ba naman ng itotoka sa akin, sibuyas pa," sagot ni Ryan. Ikukuskos sana niya ang kamay sa mga mata nang pigilan siyan ni Samantha.

"Hep! Huwag mong gagawin iyan kung ayaw mong mamroblema ka," ani Samantha sa kaibigan.

"Ayoko na nga!" ani Ryan. Tinigilan niya ang ginagawa at saka naghugas na ng kamay.

"Ano ba kasing lulutuin?" tanong ni Samantha na lumapit na kay Jenneth.

"Spaghetti daw tsaka fried chicken, sabi nung isang bata diyan," sagot ni Jenneth.

"Daddy, binalatan ko po iyong mga hotdogs," pagbibida ni Darlene sa ama.

"Wow! Ang galing naman ng baby ko," ani Kenneth sabay halik sa ulo ng anak.

"Para nagbalat lang ng hotdog! Ako nga nailuha ko na yata lahat-lahat. Dehydrated na ako," reklamo ni Ryan.

Natawa ang lahat sa sinabi nito.

"Sige na, Ry, ako na diyan," ang sabi ni Samantha.

"Mabuti pa nga," ani Ryan.

"Kayo na lang ang magprito nitong manok?" tanong naman ni Jenneth.

"Sige, kaya namin iyan," ang sabi naman ni Kenneth.

At iyon na nga ang nangyari. Nagtulungan na silang lahat sa paghahanda ng hapunan nila sa gabing iyon.